Joey de Leon says Wally Bayola’s return to Eat Bulaga! is management’s decision

Idinaan pa rin ni Joey de Leon sa biro ang pagbabalik ni Wally Bayola sa kanilang noontime show na Eat Bulaga!. Paliwanag niya, "Alangan namang seryosohin ko, ‘di ba? Yung iba, ganun siguro. Hindi ginawang drama, kasi si Wally naman ay laging naka-smile. At saka, may pinagdadaanan ding personal ’yan, e. ’Di ko alam kung alam niyo. At saka, wala na yun. Kaya tawanan na lang kami."


Pagkatapos ng halos apat na buwang nawala ang komedyanteng si Wally Bayola sa longest-running noontime show na Eat Bulaga! sa GMA Network ay muli siyang nasilayan noong February 8.

Sa segment na "Juan For All, All For Juan" ay sinorpresa ni Wally ang best friend niyang si Jose Manalo sa nalalapit nitong 48th birthday (February 12).

Kinumpirma naman ng TAPE Inc. executive na si Malou-Choa Fagar na opisyal nang babalik sa show ang ka-tandem ni Jose.

Matatandaang mula September 2013 ay hindi na nakitang naghu-host si Wally sa Eat Bulaga!, matapos siyang masangkot sa sex-video scandal kasama ang dating EB Babes dancer na si Yosh Rivera.

Kaugnay nito, sa press visit sa set ng upcoming TV5 sitcom na One of The Boys sa Sta. Mesa, Manila, kahapon, February 24, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media si Joey de Leon kung ano ang masasabi niya sa pagbabalik ni Wally sa Eat Bulaga!

Si Joey ang isa sa main hosts ng longest-running noontime show, kasama sina Vic Sotto at Senator Tito Sotto.

Natatawang biro ni Joey, "Nung kami nag-meet, kamamayan niya sana ako, pero ang una kong hinawakan ay ang bird niya!"

Pagpapatuloy ng veteran TV host-comedian, "Oo, okay lang.

"Sabi ko, ’O, kumusta ka na?’ ’Tapos, nagkatawanan na kami."

WALLY’S RETURN. Nilinaw ni Joey na wala siyang kinalaman sa pagbabalik sa show ni Wally.

"Hindi, wala.

"Tumahimik kami diyan.

"Sila [management] ang may ano niyan.

"May iba’t ibang reaksiyon ’yan, may lumabas na ganun, gusto nung ganito, ganun.

"Ako, tumahimk lang ako talaga."

Bakit wala siyang reaksiyon o opinyon sa desisyong pabalikin si Wally sa show?

"Ayaw kong isagot na..." bitin na tugon niya.

Ngunit dugtong niya, “Alam mo naman sa atin, after ilang panahon, mawawala rin ’yan [kontrobersiya].

"Kasi tumahimik lang ako, kasi masyadong maraming edge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako, bahala na."

NO EFFECT. Hindi ba nakaapekto sa Eat Bulaga! ang nangyari kay Wally, pati na ang pagtanggap ng mga manonood sa programa?

Opinyon kasi ng karamihan, isang wholesome and family-oriented show ang Eat Bulaga!, ngunit nahaluan ng isang matinding kontrobersiya mula sa isa sa kanilang co-hosts.

"Wala, e," mabilis na sagot ni Joey.

"Yung iba nga, nagiging artista pa yung mga kasangkot sa...

"Wala, sa palagay ko, wala.

"Hindi namin pinag-usapan ’yan.

"Yung pagbalik niya, hindi, hindi… wala yun.

"Talagang okey lang yun."

Hindi na rin ba nila napag-uusapan ang sex-video scandal ni Wally?

"Siyempre, wala namang aamin na…

“Wala namang aamin na lahat ay sumilip.

"Yung iba, sasabihin na, ‘Naku, ako, hindi ko napanood.’"

"VERY JOEY." Hanggang sa pagpapatawad pala sa isang kasamahan ay “very Joey” pa rin ang dating ng veteran TV host-comedian, na ang lahat ay idinadaan sa pagiging isang komedyante.

Saad ng 67-year-old comedian, "I mean, wala, e. Alangan namang seryosohin ko, ‘di ba?

"Yung iba, ganun siguro.

"Hindi ginawang drama, kasi si Wally naman ay laging naka-smile.

"At saka, may pinagdadaanan ding personal ’yan, e. ’Di ko alam kung alam niyo.

"At saka, wala na yun. Kaya tawanan na lang kami."

Pero marami ang nakakapansin na sa pagbabalik ni Wally sa Eat Bulaga!, hindi ito ganun kaaktibo at parang matamlay pa rin.

Sabi naman ni Joey, "Wala yun. Babalik yun sa dati.

"Alam niyo yung tao, may iba pang pinagdadaanan rin.

"Wala yun, umaano lang yun... mild lan yun.

"Yung sa amin, comical pa rin yun. Comedy pa rin sa amin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN