Jennylyn Mercado supports Mark Herras’s decision to admit being a single dad

Jennylyn Mercado on Mark Herras: “Malalim ang pinagsamahan namin. Ang tagal na ng friendship namin, ten years na. So, parati ko naman sinasabi na parati lang kaming nandito para sa kanya, lalo na yung batch namin [StarStruck], para na kaming magkakapatid.”


Nakaalalay lang daw si Jennylyn Mercado sa leading man niya sa Rhodora X at dating kasintahang si Mark Herras sa pag-amin nito tungkol sa kanyang pagiging binatang ama.

Read: Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”

Pahayag ni Jennylyn, “Of course, lagi kong sinasabi, special si Mark sa akin bilang kaibigan.

“Malalim ang pinagsamahan namin. Ang tagal na ng friendship namin, ten years na.

“So, parati ko naman sinasabi na parati lang kaming nandito para sa kanya, lalo na yung batch namin [StarStruck], para na kaming magkakapatid.”

Dagdag niya, “’Di ba, baby is a blessing? It’s a gift from God. Be thankful, be grateful...”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa lobby ng GMA Studios pagkatapos ng Sunday All Stars noong Linggo, February 23.

Ito ay naganap ilang sandali bago naman sumalang si Mark sa taped-as-live interview niya sa Startalk.

Itinanggi naman ni Jennylyn na matagal na niyang alam ang tungkol sa pagkakaroon na ng anak ni Mark bago pa umamin ang aktor.

Sabi niya, “Hindi naman kami nagkakausap about it.

“But if ever, there’s nothing wrong. It’s a baby, it’s a blessing.”

Si Jennylyn din naman ay isa ring single parent sa kanyang anak na si Alex Jazz, na bunga ng pagmamahalan nila noon ng dating kasintahang si Patrick Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN