Daniel Padilla on asking Kathryn Bernardo to be his girlfriend: "Huwag na muna sagot-sagot para hindi muna siya ma-pressure"

"Hindi ako natatakot kung ano’ng sasabihin nila, dahil alam mo rin naman sa sarili mo kung mali yung ginagawa mo masyado, ’di ba? E, sa nakikita naman ako na hindi naman ako masamang tao. Makulit lang talaga ako. Pero nagustuhan nila ako kung ano ako dati, so suwerte talaga ako sa kanila," says Daniel Padilla when asked if he makes a conscious effort to be a perfect role model to the youth given his huge fanbase.


Nilinaw ni Daniel Padilla na hindi niya minamadali si Kathryn Bernardo na pormal silang maging magkasintahan.

Ito ay sa kabila ng kaalamang nasa hustong gulang na si Kathryn, na magdiriwang ng kanyang 18thbirthday sa March 26.

“Huwag na muna sagot-sagot para hindi muna siya ma-pressure,” giit ni Daniel nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papasagutin ba niya ng matamis na “oo” si Kathryn sa kaarawan nito.

Hindi raw mahalaga kay Daniel na gawing opisyal ang relasyon nila ni Kathryn, lalo pa’t marami pa silang gustong marating sa buhay.

Sabi pa niya, “Basta mag-enjoy lang siya, explore pa niya yung sarili niya, explore pa niya yung mga gusto niyang gawin.

“Kasi kapag nagka-boyfriend ka na, marami ka nang puwedeng pagbawalan.

"So, enjoy ka lang. Relax ka lang."

Nakausap ng PEP at ibang entertainment reporters si Daniel sa presscon ng teleseryeng Got To Believe sa ABS-CBN compound ngayong Martes, February 25.

Ginarantiya rin ng teen actor na siya ang magiging escort ni Kathryn sa debut nito sa susunod na buwan.

Ano ang balak niyang iregalo kay Kathryn sa espesyal na okasyong iyon?

Sagot ni Daniel, “Ngayon, hindi pa ako makapag-isip dahil ang busy namin ni Kathryn.

"Pero after ng show, paghahandaan ko yun.”

HUGE FANBASE. Samantala, magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Daniel kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng Got To Believe sa March 7.

“Masaya ako dahil ang feeling namin, naging successful naman yung show.

"Malungkot din at the same time dahil matatapos na yung show.

“Marami rin kaming napasaya. At siyempre, nagpapasalamat din dahil yung mga fans, hindi tinigilan ang panonood ng Got To Believe.”

Napatunayang solid ang fanbase ng loveteam nina Daniel at Kathryn—o mas kilala bilang “Kathniel”—dahil madalas na bahagi ng trending topics sa Twitter ang kanilang pinagbibidahang teleserye.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nag-trend worldwide ang nangyaring breakup ng ginagampanan nilang mga karakter na sina Joaquin Manansala at Chichay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hangga’t maaari ay ayaw magpadala ni Daniel sa pressure na maging perpektong ehemplo sa mga kabataan at masyadong maging conscious sa dapat niyang ikilos sa harap ng publiko.

Paliwanag ni Daniel tungkol sa matinding suporta sa kanya ng fans, “Ako naman, minahal nila ako kung ano yung dati pang ako.

“Hindi ako natatakot kung ano’ng sasabihin nila, dahil alam mo rin naman sa sarili mo kung mali yung ginagawa mo masyado, ’di ba?

“E, sa nakikita naman ako na hindi naman ako masamang tao. Makulit lang talaga ako.

“Pero nagustuhan nila ako kung ano ako dati, so suwerte talaga ako sa kanila.”

Ano naman ang masasabi niya kapag inaaway ng solid fans ng KathNiel ang fans ng ibang mga loveteam o kung sino mang hindi pabor kay Daniel at Kathryn bilang artista?

Sagot ng teen actor, “Hindi mo maiiwasan yun, e. Talagang kasama yun.

"Pero kung puwedeng huwag ganun, ‘wag na lang.

“Hindi talaga natin maiiwasan yun. Minsan mabuti pa yun.

"Sabi nga kanina, kung hindi ka inaway, wala kang impact.

"Ganun talaga. Napagdaanan ko rin ‘yan nun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN