Kapamilya young actor, three others nabbed for smoking marijuana at 7107 International Music Festival

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasalukuyan pang sumasailalim sa inquest proceeding ang mga naarestong kalalakihan sa isang pot session sa Pampanga, kabilang na ang isang young actor mula sa Kapamilya network.


Nakatanggap ng feed ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang young actor diumano ang nahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3.

Nangyari raw ito noong Linggo, February 23, ikalawang araw ng 7107 International Music Festival, na ginanap sa Global City, Clarkfield, Pampanga.



"17-YEAR-OLD GALEMA STAR." Kaugnay nito, tinawagan ng PEP ang head office ng PDEA sa Quezon City, kaninang hapon, February 25, upang kumpirmahin ang balita.

Sa pamamagitan ng email, nagpadala ang ahensiya ng kumpirmasyon tungkol dito.

Ayon sa kanilang press statement (published as is):

“Operatives of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) caught a teen actor and three others while in the act of smoking marijuana during an international music festival in Clarkfield, Pampanga.

“PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. said that the 17-year-old teen actor starred in the hit TV series, Galema, and a former contestant of a popular reality TV show...

“On February 23, 2014, combined elements of PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3), PDEA Special Enforcement Service (PDEA SES), City Public Safety Company (CPSC), Angeles City Police Office and 302ndAir Intelligence and Security Squadron, Philippine Air Force, who were deployed during the 7107 International Music Festival, Global City, Clarkfield, Pampanga arrested the suspects after they were caught while in the act smoking marijuana during the music festival just before midnight. Three persons were also invited for questioning.

“A stainless box containing marijuana dried leaves; one piece of marijuana stick; and one blue tablet suspected to be valium and a smoking pipe with marijuana residue were confiscated from the teen actor and his two companions.

“Appropriate cases for violation of Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) and Section 15 (Use of Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, are being prepared for filing in court against the suspects.

“Both the 17-year-old boys will be turned over to the Department of Social Welfare and Development (DSWD), San Fernando, Pampanga. Although they are minors, they will be criminally liable under Republic Act 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, if the court finds that they violated the anti-drug law.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHO IS THE YOUNG ACTOR? Sa pakikipag-usap pa rin ng PEP sa sources sa loob ng PDEA, nanindigan silang hindi papangalanan ang naturang young actor dahil minor daw ito.

Dahil sa nabanggit nila ang teleseryeng Galema at ang pagiging produkto nito ng isang reality talent search, ni-research ng PEP ang katauhan ng naturang teenager na cast member ng show.

May nagkumpirma na ring source sa PEP sa pangalan ng naturang young actor, ngunit nakiusap silang huwag sa kanila manggaling kung sino ito.

Sinabi rin ng naturang source na nakalabas na diumano ang young actor sa PDEA Region 3.

Negative din daw ito sa resulta ng drug tests.

PDEA REGION 3. Sa pamamagitan ng telepono, eksklusibong nakausap ng PEP ang Regional Director ng PDEA Region 3 na si Jeffrey Tacio.

Hiningan namin siya ng kumpirmasyon tungkol sa identity ng naturang teen actor.

Pero ayon kay Tacio, “Pasensiya po kasi hindi po namin puwedeng i-confirm… or we cannot confirm or deny kasi po minor po kasi yung nahuli natin.

"So, it’s against the law kasi na sabihin kasi considering yung status nila na minors.”

Nakalabas na nga ba ang mga nahuli nila, kabilang na ang young actor?

Tugon niya, “Ongoing pa po yung inquest, so considering that they are minors, they will be turned over to DSWD as per provision ng batas natin.

“And from there, idi-determine if they acted on discernment or hindi para po dun sa investigation ng kaso nila.”

So, nasa custody pa rin nila?

Sagot ni Tacio, “For now po, nandudun pa sila sa fiscal’s office, waiting sa resolution ng prosecutor.”

Tungkol sa drug results, hindi rin daw sila maaring magbigay ng pahayag tungkol dito.

Ngunit sigurado raw silang nahuli ang grupo na nagpa-pot session at may mga mga nakuha raw silang marijuana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN