THE PEP LIST: Gretchen Ho is glad that people see her and boyfriend Robi Domingo as "good couple"

Natutuwa raw si Gretchen Ho na marami sa followers nila ni Robi Domingo sa social media ang natutuwa sa kanilang relasyon.


Malaking adjustment para kay Gretchen Ho nang maging boyfriend niya ang Kapamilya actor-host na si Robi Domingo.

Sabi ng Ateneo Blue Eagle volleyball athlete, na-culture shock siya noong una dahil isang public figure ang kanyang boyfriend.

“First time ako magkaroon ng lovelife ’tapos biglang high profile agad.”

Dahil isa siyang pribadong tao, nanibago siya na pinag-uusapan ng mga tao ang lovelife nila ni Robi.

Para sa 3rd Quarter ng PEPsters’ Choice, hinirang na winner sina Robi at Gretchen sa kategoryang Celebrity Couple of the Year.

Ang PEPsters’ Choice ay component ng The PEP List kung saan maiboboto ng mga PEPsters ang kanilang mga paboritong artista via online voting.

Kung sino naman ang makakakuha ng pinakamataas na boto ang siyang magwawagi sa katapusan ng voting period.

Nahahati ang voting period sa apat na quarters ng 2013, at sa final voting, ita-tally ang mga winners mula sa apat na quarters at kung ang mga nominadong nakakuha ng pinakamataas ng percentage votes sa bawat kategorya ang idedeklarang panalo.

Para sa 3rd Quarter, ang mga natalong loveteams nina Robi at Gretchen ay sina John Prats-Isabel Oli, Gerald Anderson-Maja Salvador, Melai Cantiveros- Jason Francisco, at Jericho Rosales-Kim Jones.

GOOD COUPLE. Ano naman ang pakiramdam ni Gretchen na marami ang pumapabor sa relasyon nila ni Robi?

“Siyempre kinikilig din ako kasi parang nakakatuwa na people see us as a good couple.

“That’s always a plus kasi nga there are people contradicting our relationship, ’di ba?

“It’s also nice na kami, kinikilig."

Gaya na lamang daw sa Twitter, natutuwa siya na pati ang mga follwers nila ni Robi ay kinikilig sa palitan nila ng messages ng boyfriend.

“Actually, yung mga post namin online, that was really intended [para] magpakilig sa isa’t isa.

“Magpo-post ako para kiligin siya [Robi], magpo-post siya para kiligin ako,” nangingiting lahad ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero natutuwa kami kasi marami pa ang kinikilig.

“That was just for the both of us, kaming dalawa lang talaga ‘yon.

“So ’yon, nakakatuwa naman na naa-appreciate ng mga tao.”

Ikinuwento rin ni Gretchen ang unang Valentine’s Day nila ni Robi noong 2013.

“That was very memorable for me,” ani Gretchen.

“He cooked caldereta for me, sa bahay lang kami…candlelit dinner.

“Andun pa yung parents ko sa loob.

“Sumayaw pa kami sa garden.”

Magkasundo raw sila ni Robi, na simple lang ang kaligayahan, at masaya sila kahit nasa bahay lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN