Vice Ganda ends rift with Karylle; gives her a hug on It’s Showtime

“Nakaka-miss ka pala,” Vice Ganda tells Karylle after giving her a hug, which ended their misunderstanding.


Natuldukan na ang hindi pagkakaunawaan nina Vice Ganda at Karylle sa It’s Showtime kanina, February 25.

Nagyakapan ang dalawa sa segment na “Sine Mo ‘To,” kung saan gumanap bilang isang graduating student si Karylle at gumanap naman bilang college dean si Vice.

Matapos ibigay ni Vice ang diploma kay Karylle ay niyakap ng comedian ang singer-actress.

Pagkatapos ay humirit si Billy Crawford: “Isa pang hug, please. Isa pang hug.”

Sabi naman ni Anne: “Bati na.”

Habang papalapit kay Vice, sabi ni Karylle: “Aalis ka naman na bukas, sige na.”

At dito ay muling niyakap ni Vice si Karylle.

Matapos yakapin, sabi ni Vice, “Before you accept the award, I would like to tell you this: Nakaka-miss ka pala.”

Dagdag pa niya, “Aalis na ’ko, ‘no. Ayaw ko namang umalis na kagalit ko pa ‘to, ‘no. Mahal ko ‘to.’

Si Vice ay panandaliang mawawala sa It’s Showtime simula bukas, February 26, dahil magkakaroon siya ng show sa San Francisco sa February 28.

Samantala, sa sumunod na segment ng programa, ang singing contest na "Stars on 45," ipinakilala ni Vice ang co-host niya bilang “soon-to-be Mrs. Yuzon.”

Sabi ni Vice, “Our very own Asian TV actress, recording artist, host, my loves: Binibining Kurba and soon-to-be Mrs. Yuzon. Congratulations, Yael, Karylle!”

Matatandaan na noong Huwebes, February 20, ay inamin ni Vice ang matagal nang tampuhan nila ni Karylle.

Isa sa mga dahilan, ayon kay Vice, ay ang komento umano ng fiancé ni Karylle na si Yael Yuzon tungkol sa pagiging loveteam nila sa programa, na tinatawag ng fans bilang ViceRylle.

Read: Vice Ganda admits “tampuhan” with Karylle ; offended by comment of her fiancé Yael Yuzon

Ilang araw matapos ang pahayag ni Vice sa thanksgiving party na inihanda niya para sa press, nakausap at nagkaayos na sila ng lead vocalist ng bandang Sponge Cola.

Kanina sa kanyang personal Twitter account, nag-post ni Vice ng isang mensahe tungkol sa pagbabati nila ni Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging isa sa mga trending topic rin ang #BatiNaAngViceRylle sa Twitter ngayong hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN