Carla Abellana dreams of doing a movie with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

Bagamat aminado si Carla Abellana na gusto niyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema, ang puso naman daw niya ay nananatiling nasa Kapuso Network. Saad ng aktres, "Siyempre, kahit paano... you would want to hone as an artist, doon ka pa rin sa network mo kung saan ka nagsimula, ’di ba? Pero kasi, nandun na yung heart mo, nandun na yung familiar faces, yung nakasanayan mo. Kahit paano, mas ipa-prioritize mo yung home network mo bago yung iba."


Nakakontrata si Carla Abellana sa Regal Entertainment ngunit puwede naman daw siyang gumawa ng ibang pelikula sa ibang movie outfits.

Sabi ng Kapuso actress, “Technically, yes, puwede naman.

"Once a year I’m allowed to do one outside the production.

"Pero depende yun sa kanila kung papayag sila doon sa materyal na yun."

Inamin ni Carla na pangarap niyang makagawa ng pelikula sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

At kung mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng project dito, ang nais niyang makasama ay si John Lloyd Cruz o si Bea Alonzo.

Sabi ni Carla, “Kahit alalay lang sa movie o maid or something, ’di ba? O kahit anong maliit lang na role o part.

“Kasi pag napapanood ko si John Lloyd, nadadala ako sa expressions ng mata niya. Naiiyak ako sa kanya.

"Saka alam mong tried and tested na ’yang formula na ’yan.

“In fact, fan ako ng tandem ng John Lloyd and Bea.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng kanyang bagong pelikula, ang Third Eye, noong nakaraang linggo.

STAYING LOYAL. Malaki sana ang posibilidad na mangyari ang pangarap na ito ni Carla kung natuloy ang sinasabing paglipat niya ng network noon.

May balita kasing may offer noon ang Kapamilya network kay Carla, pero hindi ito nag-materliaze dahil pumirma ng panibagong kontrata ang aktres sa GMA Network.

Paliwanag dito ni Carla, “Siyempre, kahit paano... you would want to hone as an artist, doon ka pa rin sa network mo kung saan ka nagsimula, ’di ba?

“Hindi naman sa favoritism. Pero kasi, nandun na yung heart mo, nandun na yung familiar faces, yung nakasanayan mo.

"Kahit paano, mas ipa-prioritize mo yung home network mo bago yung iba."

Hindi naman nagkamali ng desisyon si Carla at ang kanyang team dahil may gagawin na siyang bagong teleserye matapos ang ilang buwang pamamahinga mula nang magwakas ang phenomenal hit na My Husband’s Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUMMER VACATION. Hindi pa nga raw makapagplano ng kanyang summer vacation si Carla dahil posibleng kahit sa huling araw ng summer ay nagtatrabaho siya.

“Kasi every year naman, kada summer, nagte-taping na ng bagong teleserye.

"So, for sure, lalabas na yung mga dalawa ko pang ibang pelikula by summertime.

"’Tapos magsisimula ako ng bagong teleserye."

Paano naman papasok yung dalawang travel plans niya this year?

Sabi ni Carla, “A, sa first week of May. Meron kaming Japan trip with Geoff [Eigenmann, her boyfriend] and his family.

"So, first time ni Geoff yun sa Japan.

"So, mag-iikot kami sa Tokyo at saka Osaka."

WHO SHOULDERS THE TRAVEL EXPENSES? Pag bumibiyahe sila ni Geoff, sino ang gumagastos?

Ayon kay Carla, “Share-share kami kung anuman yung puwede.

"Like, sa kanya yung flight, sa akin yung accommodation.

“Saka parang practicality-wise yung ganun. At one day at a time.”

May ibang mga lalaki na gusto sila ang bumabalikat sa lahat ng gastusin sa kanilang biyahe o lakad.

Sabi ni Carla tungkol dito, “I guess so. Pero sa panahon ngayon, even the girls have sweet gestures or romantic gestures.

"Sa akin, walang problema yun.

“Ako, nag-i-insist pa ako minsan. ’Ako naman ngayon sa dinner ngayon. Nood tayong movie, my treat.’

"Maganda rin yung ganun"

Hindi ba nakakaapekto ito sa ego ni Geoff bilang lalaki?

Sabi ni Carla, “Siguro kung wala siyang trabaho, ’tapos hindi siya kumikita.

"Siyempre, kahit sino naman mahihiya na yung isang tao lang ang gastos nang gastos.

"Eventually, gusto mo ikaw naman ang makakabawi."

NOT EXPECTING. Samantala, isa si Carla sa mga nominado para sa kategoryang Outstanding Performance by an Actress in a Drama Series sa 2014 Golden Screen TV Awards.

Ito ay para sa pagganap niya sa My Husband’s Lover.

Read: Golden Screen TV Awards nominees revealed; Nora Aunor to receive Lifetime Achievement Award for Drama

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Carla, hindi siya confident na mapapanalunan niya ang tropeyo.

Saad ng Kapuso actress, “Hindi, hindi talaga.

"It’s an honor to be nominated, bonus na lang ang trophy na naiiuwi ng artista at nai-display sa bahay. Malaking bagay na yun.

“Saka kumbaga, ang daming recognition, and that’s more than enough.

"Maraming feedback. Maraming naging masaya, more than enough na yun."

HORROR FILMS. Horror ang tema ng Third Eye, kung saan kasama ni Carla sina Ejay Falcon, Denise Laurel, at Camille Prats.

Ito na ang pangalawang horror movie ni Carla kung saan siya nagbida.

Una ay sa "Punerarya" episode ng Shake, Rattle & Roll XII (2010), kung saan nagkamit siya ng dalawang awards—bilang Best New Movie Actress sa PMPS Star Awards for Movies at Best Performance mula sa Young Critics Circle.

Ano sa palagay ni Carla ang dahilan kung bakit nagugustuhan siya ng movie critics at fans sa horror films?

Tugon niya, “Siguro kasi hilig ko siya.

"Favorite ko siya kaya parang nandun rin yung factor na, kasi nga, nai-enjoy kong mag-horror dahil favorite ko siyang gawin, favorite ko siyang panoorin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN