Empress Schuck seeks options outside Kapamilya Network: "May times kasi na kailangan ko ring mag-move on."

Empress Schuck made her 21st birthday more meaningful by treating streetchildren with a small party at McDonalds.


Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang gawin ni Empress Schuck ang drama series sa ABS-CBN na Rosalka, kung saan siya ang gumanap sa title role.

Bagamat may mga sumunod pa siyang proyekto pagkatapos ng Rosalka, hindi pa nasusundan ang pagiging bida niya sa isang teleserye.

Pag-amin ni Empress, "Ako rin nabitin, kasi wala talaga for now."

Ang huli niyang drama series ay ang Huwag Ka Lang Mawawala noong 2013. Pagkatapos nito ay nagkaroon siya ng guest appearances sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Ayon kay Empress, hindi niya alam kung ano ang plano ng Star Magic o ng ABS-CBN para sa kanya "o kung may ibibigay pa ba sila."

Dagdag niya, "We’ll see kung ano ang future plans na puwedeng ibigay nila sa akin.

"Kung saan man ako ngayon o kung ano ang plano sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit wala pa, kung bakit medyo matagal.

"Pero siguro they have their reasons kung bakit wala."

Ngunit pag-amin niya, "Darating talaga ang time na maiinip ka, mag-iisip ka, ’Ba’t wala pa?’

"Ako naman, that’s for me to find out."

OPTIONS. Natatawang sabi pa ni Empress, "Ewan ko, marami pa rin namang opportunities sa ibang lugar.

"May times kasi na kailangan ko ring mag-move on.

"Pero kung gusto pa nila akong mag-stay, mapag-uusapan din naman."

Marami kasi ang nanghihinayang sa galing niya bilang isang artista, kaya sayang kung walang mangyayari sa kanyang showbiz career.

"Ako rin, sobrang gustung-gusto ko na ring gawin yun," sabi ni Empress, na ang tinutukoy ay ang magbida muli sa isang teleserye.

"Sabi ko nga, marami pang opportunities na puwede kong pasukan.

"So, tingnan natin kung sino pa ang gustong kumuha sa akin or whatever."

Ibig ba nitong sabihin ay merong offers outside ABS-CBN?

Pag-amin ni Empress, "Honestly po, meron.

"Bilang isang artista may kailangan mong iwanan, may kailangan mong i-open."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HURTING. Gumagawa naman daw ng paraan ang kanyang manager na si Becky Aguila para makapagtrabaho muli sa telebisyon si Empress.

"She’s working on it.

"Kaya lang, hindi mo naman mapipilit ang isang bagay na wala naman talagang plano o desisyon para sa iyo, ’di ba?

"Mahirap namang ipagsiksikan mo ang sarili mo, ’di ba?"

May tampo ba siya sa Kapamilya network o sa Star Magic?

Paliwanag niya, "Well, hindi naman sa akin nanggaling, pero ako, never akong nagsalita tungkol dun.

"Ngayon, napi-feel ko na na hindi lang pala ako ang nakakapansin, marami din palang ibang tao.

"So, naku-question ko na ang sarili ko noon pa man, ’Ano ang nangyari?’

"Pero, mahal ko ang ABS.

"Bata pa lang ako ay nasa kanila na ako.

"Yun nga lang, may mga bagay na hindi mo kayang ipagsiksikan, lalo na kapag sobrang tagal na.

"I gave them my loyalty, yung pagmamamahal ko, hindi mawawala yun."

BIRTHDAY OFFERING. Samantala, ipinagdiwang ni Empress ang kanyang 21st birthday sa pamamagitan ng isang party kasama ang ilang streetchildren sa Mc Donalds Quezon Avenue branch, noong Linggo, February 23.

Ngunit ang totoong araw ng kapanganakan niya ay February 19.

Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV media kung bakit sa halip na isang malaking selebrasyon ay naisip niyang ipagdiwang ito kasama ang mga batang abandonado at mga nasa lansangan.

Sabi niya, "Sobrang lapit nila sa puso ko kaya naisipan ko na pasayahin sila."

Sana raw ay mamimili lang sila ng ate niya ng mga delata at bigas na ipamimigay sa streetchillren na madadaanan nila.

Ngunit naiba raw ang plano.

Lahad ni Empress, "Si Mommy Becky, merong kakilala sa isang institusyon na puwedeng ilabas ang mga bata kahit saglit lang.

"Konting kain at palaro, yun, heto na nga.

"Mga streetkids pa rin sila na parang inampon ng isang institusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman sigurong tao na hindi nasa-sad sa sitwasyon nila.

"Na tayo, may bahay tayo, nakakakain tayo, nakakaligo tayo, may bahay tayo.

"Kaya kapag nadadaanan ko sila sa kalsada, parang ang sa akin, ’Ano kaya kung baliktarin natin ang sitwasyon? Ano kaya kung ako ang nasa kalagayan nila, ano kaya ang mararamdaman ko?’

"I really feel for them kaya kahit sa konting way na mai-share ko sa kanila, I make sure na mai-share ko sa kanila."



WISHES. Kasama ba sa birthday wishes niya ang magkaroon ng boyfriend?

"Hindi naman wini-wish yun," nangingiting sagot ni Empress.

"Pero kung sakaling dumating man yun, ready na rin ako.

"Kasi, medyo matagal na, ’di ba?

"Dumarating din kasi sa buhay mo na parang gusto mo na rin ng isang inspiration, pero wala pa naman.

"May mga nagpaparamdam, pero hindi ko alam kung seryoso.

"Yung iba kasi, hindi consistent.

"Gusto ko rin naman makasiguro na seryoso sila."

Sa sarili niya, ano ang naging gift ni Empress?

"Wala," pag-amin niya. "Hindi ako ganun, e.

"Yung bilhan ko ang sarili ko ng something special, hindi ko feel na deserved ko pa."

Ano naman kanyang birthday wish sa taong ito?

Aniya, "Ganun pa rin—more happiness, healthy life.

"At sana kung ano yung dumadating sa akin, sana ay dumating pa rin at sana mas dumami pa.

"Isa rin nga sa wishes ko yung magkaroon uli ng isang teleserye."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN