Part 1. Wally Bayola breaks silence on sex-video scandal; clears Yosh Rivera's name

IMAGE Gorgy Rula

Pagkatapos ng ilang buwan na hindi niya paglabas sa Eat Bulaga!, nakiusap si Wally Bayola sa TAPE executive at kanyang talent manager na si Malou Choa-Fagar na bigyan siya ng trabaho upang matustusan ang pagpapagamot ng kanyang anak na may cancer. Laking pasasalamat naman ng komedyante na bukod sa paglabas sa Zirkoh Comedy Bar ay pinabalik ulit siya sa Eat Bulaga!.


Sa unang pagkakataon ay binasag ni Wally Bayola ang kanyang katahimikan kaugnay ng sex-video scandal na kinasangkutan nila ng dating EB Babes dancer na si Yosh Rivera noong isang taon.

Dahil sa pagkalat sa Internet ng private video nilang ito ay pansamantalang nawala si Wally sa Eat Bulaga!.

At pagkatapos nga ng limang buwan ay nakabalik ang comedian-TV host sa longest-running noontime show noong February 8.

Kagabi, February 25, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally sa 10th anniversary celebration ng Zirkoh Comedy Bar, sa Tomas Morato, Quezon City.

Kabilang si Wally at ang partner niyang si Jose Manalo bilang special performers sa anniversary ng Zirkoh.

Pero bago sumampa sa stage ay ibinuhos ni Wally ang kanyang saloobin tungkol sa pinagdaanan niyang kontrobersiya hanggang sa makabalik siya sa Eat Bulaga!

"Oo, pumayat ako," bungad ni Wally.

"Hindi ako makakain at ayaw kong lumabas ng kuwarto.

"Takot na takot ako na baka kapag lumabas ako, e, kung ano ang mangyari sa akin."

WALLY’S DAUGHTER. Ilang buwan daw siyang nanahimik sa kanilang bahay at hindi nagtrabaho.

Ibig sabihin ay walang kita nung mga panahong iyon si Wally, sa kabila ng ipinapagamot pa rin nila ang anak niyang may sakit na cancer.

Lahad ni Wally, "Wala akong trabaho.

“Yung anak ko, nasa ospital, ipinapa-chemo [chemotherapy] namin.

“Ilang sessions yun at pagkatapos nung huli, yung ika-apat na chemo niya.

“Wala pang schedule kasi kailangan muna niyang magpalakas ulit ng katawan.

"Awang-awa ako sa anak ko tuwing nakikita ko siya na kini-chemo.

“’Tapos yung mga gamot pa niya, kailangan namin ng P4,200, a day!

"Gamot pa lang 'yan, wala pa yung treatment sa kanya.

“Wala akong trabaho kaya pati yung mga natatabi namin ng misis ko, lahat 'yan nilabas na namin.

“Mabuti na lang may mga tao na tinutulungan kami.

"May mga tumutulong, pero sa laki ng gastusin, kahit gusto mong lumapit sa mga kaibigan mo e nahihiya ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung isa kong anak, nahinto sa pag-aaral at nag-give way para sa kapatid niyang may sakit.”

Patuloy niya, "Kaya ngayon, na-realize ko na mawala na lahat ng materyal na gamit mo, huwag lang ang health mo.

“Kahit anong yaman mo pala, kapag nagkasakit ka o isa lang sa mga mahal mo sa buhay, sa isang iglap, kayang maubos 'yan mabuhay lang siya.

"Matindi na nga yung may sakit, e.

"Pero sa kaso ng anak ko... cancer, e, kanser sa dugo."

 

 

CRY FOR HELP. Lima ang anak ni Wally—apat na babae at isang lalaki.

Pangalawa ang anak ni Wally na may sakit.

Huminto sa pag-aaral ang panganay niyang anak, na kumukuha ng kursong Theatrical Arts sa Miriam College, upang matustusan ang pagpapagamot ng kapatid.

Ayon kay Wally, "Naiyak ako nung sinabi ng anak ko na hihinto na siya at mag-a-apply ng trabaho sa Starbucks.

“Ayaw ko siyang patigilin, pero 'di na talaga namin kaya. Ayaw ko rin siyang magtrabaho.

"Sabi ko, ‘Teka, kausapin ko si Ya Chang…’

“Nagdadala kasi ng mga talent si Ya Chang sa mga show ng Channel 2.

“Subukan ko ipasok siya [panganay na anak ni Wally] doon, tutal mahilig din talagang mag-artista yung anak ko, e.”

Bukod dito ay tinawagan din ni Wally ang TAPE executive at talent manager niyang si Malou Choa-Fagar.

“Sabi ko, baka puwede ako mag-work kahit sa Zirkoh lang. Kailangan ko talagang magtrabaho para sa pamilya ko.

"Pumayag naman siya na makabalik ako sa Zirkoh.

“’Tapos balik daw ako sa Eat Bulaga! mga middle of February.

"Nagulat nga ako nung tinawagan nila ako nung birthday ni Jose, pasok na raw ako... ako raw yung magdadala ng puso.

“Kaya sobrang saya ko noon at iyak ako nang iyak."

Sa birthday celebration ni Jose sa Eat Bulaga! noong February 8 ay si Wally ang may hawak ng “kabiyak ng puso” ni Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Wally Bayola resumes hosting job on Eat Bulaga!; apologizes to management and viewers for sex video mess

 

 

THE SEX VIDEO. Nilinaw naman ni Wally na hindi siya tinanggal o sinuspinde sa Eat Bulaga! pagkatapos kumalat ng sex video niya.

Saad niya, "Ako na ang kusang huminto na muna.

“Hindi na ako nag-report sa Eat Bulaga! mula nang naglabasan nga ang mga yun [sex video].

“Ang ipinagtataka ko, ang tagal na nun, 2010 pa.

“’Tapos, eto, lumabas 2013.”

Pinabulaanan naman ni Wally ang mga kumalat noong balita na si Yosh diumano ang nagpakalat ng sex video nila.

Read: Wally Bayola's alleged sex video with EB Babes dancer goes viral

Pahayag ng komedyante, "Ay, hindi totoo 'yan! Kahit siya, biktima rin.

“Sabi nung mga taga-NBI na nag-imbestiga, kawawa raw ako dahil biktima ako, e.

"Humarap din siya [Yosh] sa NBI. Doon na lang ulit kami nagkita.

“Tinanong siya ng NBI kung siya ang naglabas nun. Pero ano, hindi, e.

"Sabi nga niya, kung siya ang maglalabas noon, ie-edit niya. Ang ilalabas lang niya, yung sa akin.

“Nag-aaral kasi siya ng Masscom kaya marunong siya nun, e.

“At yun nga, sana may hiningi siya sa aking kapalit. Wala, e.

"Pati nga siya, nasira rin. Nawalan siya ng trabaho at tumigil na rin siya sa pag-aaral. Huminto siya.

“Biktima rin siya.

“Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Baka umalis na lang ng bansa, hindi ko alam."

 

 

UPLOADING THE VIDEO. Inamin ni Wally na siya ang nag-upload sa laptop ng private video nila ni Yosh.

"Yung laptop ko, binili ni Yosh, 2012 pa. Nasira kaya pinagawa niya.

“Pero bago napunta sa kanya lahat ng files dun, dinilete ko lahat. Lahat-lahat.

"E, kahit pala na-delete mo na yung files, nari-retrieve pa rin pala ang mga yun.

"Nung may lumabas na video, naalarma ako kaya humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko sa NBI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumulong naman sila, kaya lang, may ibang lumabas na.

"Pero na-trace nila kung sino ang naglabas."

Itinuro sa amin ni Wally ang service center na pinagpagawaan ng laptop ni Yosh na malapit lang sa Zirkoh.

Pero sarado na ang shop simula nang imbestigahan sila ng NBI.

Part 2: Wally Bayola admits that he considered committing suicide after sex video became viral


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN