Alyssa Alano says goodbye to Startalk after eight years; joins the cast of Confessions of a Torpe

Leaving Startalk after eight years was heartbreaking for Alyssa Alano: “Iniyak ko rin ‘yan ng ilang araw kasi naging part na talaga ng buhay ko ang Startalk. Lahat ng mga nangyari sa buhay ko ay sa Startalk nila napanood, ’tulad nang makilala ko ang tunay kong ama at pati na ang kapatid ko, noong maaksidente rin ako."


Nalungkot ang sexy comedienne na si Alyssa Alano nang tanggalin siya sa showbiz talk show ng GMA na Startalk.

Ikinuwento ni Alyssa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano siya kinausap na hindi na siya makakasama sa paglipat ng show mula sa Saturday afternoon timeslot nito to Sunday afternoon.

Lahad niya, “Kinausap naman nila ako nang maayos na magkakaroon daw ng changes sa Startalk, at hindi na nga raw ako kasama sa paglipat ng show sa ibang araw at timeslot.

“Natural na nalungkot ako kasi eight years akong kabahagi ng Startalk.

"Simula noong makilala ako sa YouTube, naging regular show ko na ang Startalk kahit na may mga teleserye akong ginagawa.

“Lahat ng mga nangyari sa buhay ko ay sa Startalk nila napanood, ’tulad nang makilala ko ang tunay kong ama at pati na ang kapatid ko... noong maaksidente rin ako.

“Nagulat nga sila Nanay Lolit [Solis] na wala na pala ako sa show.

"Iniyak ko rin ‘yan ng ilang araw kasi naging part na talaga ng buhay ko ang Startalk."

Nakasanayan na raw ni Alyssa na every Saturday ay nagmamadali siyang umalis ng bahay para makarating sa studio ng GMA Network.

“Hindi ako nagpupuyat ng Biyernes, kasi nga kailangan hindi ako mukhang puyat kapag nasa Startalk ako.

“May isang Sabado nga na nagising ako nang maaga at nag-aayos ako ng mga gamit ko papuntang studio.

"Sinabi sa akin ng kasama ko, ‘Uy, saan ka pupunta?’

"Dun ko lang na-realize na wala na pala akong pupuntahan na show!" sabay tawa niya.



MOVING ON. Sa panayam ng PEP kay Alyssa sa set ng TV5 rom-com series na Confessions of A Torpe, sa Concordia College, noong February 20, sinabi nitong tanggap na niya ang nangyari "at move on na tayo.”

Dahil sa wala pang kapalit na show si Alyssa sa GMA, nagge-guest na muna siya sa ibang networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi naman nila na bibigyan naman ako ng ibang show.

“Pero siyempre, habang wala silang naibibigay, naghanap kami ng manager ko ng trabaho sa ibang network.

“Hindi naman ako puwedeng umasa lang sa sinabi nilang iyon.

“Nagpapasalamat nga ako na kahit na mas nakilala ako bilang Kapuso, naging bukas naman ang ibang networks sa pagbigay ng trabaho sa atin.

“Kaya heto, nakapag-guest na ako sa ABS-CBN 2. Ilang beses na akong nakapanood doon.

“’Tapos kasama ako dito sa show ng TV5 na Confessions of A Torpe.

“Nakakatuwa kasi nakasama ko ulit sina Kuya Ogie [Alcasid], Ate Gelli [de Belen], Kuya Jojo [Alejar], Kuya Bayani [Agbayani], at si Wendell [Ramos].

“First time ko naman makatrabaho si Ms. Alice Dixson, ang ganda-ganda niya talaga.

"Na-starstruck nga ako noong makita ko siya nang personal!”

Sa naturang comedy series ng TV5, gaganap si Alyssa bilang babaeng pag-aagawan nina Bayani at Jojo.

“Magkakaroon kami ng love triangle dito.

"Kung ang unang triangle dito sa show ay sina Ogie-Alice-Gelli, kami yung ikalawa."

Sabi pa ni Alyssa, “Masayang kasama sina Kuya Jojo at Kuya Bayani kasi nakatrabaho ko na sila before, kabisado ko na silang dalawa.

“Sobrang nakakatawa ang show naming ito kasi sobrang kuwela rin ang direktor naming si Direk Soxy Topacio.”



NO BOYFRIEND. Sa personal na buhay naman ni Alyssa, sinabi nitong wala siyang boyfriend ngayon dahil gusto niyang walang maging sagabal sa trabaho niya.

Pero inamin naman niyang meron siyang mga manliligaw.

“Meron namang mga suitors, hindi taga-showbiz.

“Pero deadma muna ako sa lovelife kasi kailangan kong magtrabaho.

“Marami pa akong gustong maabot na mga pangarap kaya habang may work, trabaho lang tayo, ‘di ba?

“’Tulad nga sa ABS-CBN at ngayon sa TV5. Naging malaking tulong sila sa akin.

“Kaya ang magkaroon ng boyfriend, marami pa tayong panahon para diyan.

"Para na rin walang sagabal, ‘di ba? Maganda yung nagtatrabaho tayo nang maayos na walang kumukontra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN