Coco Martin and Kim Chiu break the ice on their first taping day through a kissing scene

Coco Martin on making Kim Chiu comfortable in their intimate scenes: “Siyempre gusto ko ring iparamdam sa kanya na bilang lalaki, alam ko yung… gusto kong maramdaman niya na, lalo na nakatrabaho niya ako ngayon, na mataas yung respeto ko sa kanya. Para pag may ginagawa kaming mga eksena na medyo delikado, mararamdaman niya na hindi ako nagte-take advantage o anuman po.”


“Exciting!”

Iyan ang nasambit ni Coco Martin nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niya ilalarawan sa isang salita ang unang pagtatambal nila ni Kim Chiu sa upcoming primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang, na magsisimulang umere sa Marso 10.

Paliwanag pa ng tinaguriang Hari ng Teleserye ng Kapamilya network, “Kumbaga, natsa-challenge ka, e.

“Ewan ko, palagay ko kasi hindi ako yung kakilig-kilig, e.

“Nandoon ako sa serious na [side].

“Nae-excite ako kung paano yung magiging dahilan sa amin dalawa po,” na ang ibig tukuyin ni Coco ay kung paano magiging kakilig-kilig ang tambalan nila ni Kim.

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng press si Coco sa pocket presscon na inihanda ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para sa kanila ni Kim kagabi, Pebrero 25, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.



FIRST SCENE: KISSING SCENE. Dati nang nagkatrabaho at nagkasama sina Coco at Kim sa mga teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo.

Pero kontrabida si Coco sa Tayong Dalawa at kapatid naman siya ni Kim sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

Ngayon lang sila magiging magkatambal at gaganap bilang lovers sa Ikaw Lamang.

Kaya naman tila ikinagulat din nila na kabilang sa mga unang eksenang kinunan sa taping ay ang kissing scene nila.

Sabi ni Coco, “Yun nga po yung kauna-unahang eksena namin ni Kim, kissing scene.

“Siguro pang-break lang ng pressure, ng kaba, ng ilangan.”

Dagdag naman ni Kim, “Siyempre unang eksena namin yun ni Coco, sobrang una dito sa teleseryeng ito.

“’Tapos sabi ni Direk Malu [Sevilla], ‘O, Kim, ganito ang gagawin niyo ha.’

“’Ha? Hindi nga?’

“Siyempre hindi ko pinapahalata kay Coco. ‘Ha? Totoo? Oh, my God!’

“’Tapos sabi, ‘Game na! Game na!’

“Parang ako, ‘Totoo ba ito?’

“Siguro tama si Coco, yun nga pang-break ng ice.

“Buwena-mano naman itong eksenang ito. Parang nakakapanibago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro pantanggal hiya na rin iyon. Ayun, hindi ko na i-elaborate.”

Inamin din ni Coco na medyo ninenerbiyos pa siya sa tuwing makakaeksena si Kim. Ano ba ang dahilan nito?

Tugon ng aktor, “Siyempre po, lagi akong nandun sa ano… bilang lalaki at bilang babae po si Kim.

“Siyempre, hindi ako nagiging ganun kakumportable.

“Siguro nandoon ako sa parang makalumang pagkatao ko na hindi ako basta-basta… pero tina-try ko rin.

“Sabi ko nga, tina-try kong ma-relax.

"Kumbaga, magkaroon kami ng connection para sa mga eksena, sa trabaho namin, hindi ako mailang at hindi rin po siya mailang sa akin.

“Siyempre gusto ko ring iparamdam sa kanya na bilang lalaki, alam ko yung… gusto kong maramdaman niya na, lalo na nakatrabaho niya ako ngayon, na mataas yung respeto ko sa kanya.

“Para pag may ginagawa kaming mga eksena na medyo delikado, mararamdaman niya na hindi ako nagte-take advantage o anuman po.”



ADMIRING KIM. Bukod sa pagkakakilala nila noong magkatrabaho sila, ano pa ang nadiskubre ni Coco kay Kim ngayong magkapareha sila sa Ikaw Lamang?

Ayon sa Kapamilya actor, “Ngayon, siyempre sabi ko nga, nagsisimula pa lang kami. Marami pang kailangang i-discover sa isa’t isa.

“Siguro mas mabibigyan kami ng time para makilala ang isa’t isa.

“Actually, nagsimula na iyan noong nag-show kami sa Japan, noong magkasama kami ni Kim.

“May time kasi doon na after the show, yung mga kasama namin nag-invite na lumabas kahit papaano, ayun.

“’Tapos sinubukan lang namin, kasi nga dito sa Pilipinas, hindi naman talaga kami nakakalabas.

“Sinubukan naming pumunta sa isang bar, ayun, nag-party-party kami.

“E, hindi naman ako sumasayaw.

"Sobrang sikip talaga ng bar, siyempre alangan naman hayaan ko lang si Kim na sumayaw mag-isa doon at matabihan ng kung sinu-sinong mga lalaki.

“Kaya sabi ko, at least kahit kahiyaan.

“E, humahataw si Kim kaya napahataw na din ako!” natatawang salaysay ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Coco, kung atraksiyon ang pag-uusapan, dati pa raw siyang nagagandahan kay Kim.

“Siyempre, sabi ko nga po, wala namang kahit sinong artistang lalaki dito sa ABS-CBN na hindi nagagandahan kay Kim.

“Honestly, yung movie nga nila [Bride For Rent], sobrang cute.

“Kasi nung pinanonood ko yun, nakikita ko na parang nakikita ko yung totoong Kim Chiu.

“Kasi siyang-siya yun, e, yung pagiging fun niya, cute.”

Ano ang maganda sa features ni Kim?

Sabi ni Coco, “Ang ganda, e, ang ganda ng mukha.

“Actually, hindi lang ngayon. Dati pa namin siya pinagkukuwentuhan nina Kuya Goma [Richard Gomez].

“Sabi ni Kuya Goma, ‘Kung meron kang nagagandahang artista sa ABS-CBN, sino?’

“Sabi ko, si Kim.”

Nagkatrabaho sina Coco at Richard sa teleseryeng Walang Hanggan.

Umaasa naman si Coco na pagtagal-tagal na magkatrabaho sila ni Kim sa Ikaw Lamang ay mas magiging close pa sila sa isa’t isa at mas made-develop pa ang chemistry nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN