Gelli de Belen recalls past issue with Regine Velasquez

Gelli de Belen admits being the jealous type, but in the 20 years that they’ve been married, Ariel Rivera has given her no cause for worry: "Wala, thank you, Lord."


Natuon ang pansin ng entertainment press kina Gelli de Belen at Ogie Alcasid sa pocket press conference ng kanilang bagong show sa TV5, ang Confessions of A Torpe, noong Lunes, February 24.

Hindi kasi maiwasang maungkat ang namagitan sa asawa ni Gelli na si Ariel Rivera at sa maybahay ni Ogie na si Regine Velasquez maraming taon na ang nakalilipas.

Magkasintahan pa lang noon sina Gelli at Ariel nang magkaroon ng kaugnayan si Regine sa singer-actor.

Dahil dito ay nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Gelli at Regine, at naapektuhan din ang pagkakaibigan nina Gelli at Ogie.

Ngunit pagkalipas ng maraming taon ay naghilom din ang kanilang mga sugat at nagkaayos din ang magkabilang kampo.

Hanggang sa ikasal na nga sina Gelli at Ariel, at sina Regine at Ogie naman ay naging mag-asawa rin.

Nang pumanaw nga ang ama ni Regine na si Mang Gerry noong unang linggo ng Pebrero ng taong kasalukuyan, balitang nagpunta sina Gelli at Ariel sa burol nito sa Bulacan.



MENDING FENCES. Ayon kay Gelli, bago pa raw ikasal sina Ogie at Regine noong 2010 ay okay na sila.

“Yeah, before… yung time na nag-guest siya [Regine] sa SiS, okay na ako.

"Bago naman siya mag-guest noon, siyempre tinanong muna nila kung okay lang ba sa akin, parang respeto lang nila sa host.”

Ang SiS ay ang dating morning talk show nina Gelli at Janice de Belen sa GMA Network.

Nangyari ang guest appearance ni Regine sa programa noong February 3, 2003.

Pero ayon kay Gelli, hindi si Ogie ang gumawa ng paraan upang magkaayos silang lahat.

“Hindi, hindi siya, wala siyang kinalaman!” natatawang sabi niya.

Dugtong pa niya, “He didn’t need to because we’re okay.

"Siguro hindi lang kami yung buddy-buddy dahil hindi naman kami nagkikita ni Regine.

“Pero kung merong may alam, alam ni Ogie, both sides of the story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-uusapan na rin lang ang nakaraan, tinanong si Gelli kung nagtampo ba siya kay Ogie nang malaman niyang sila na ni Regine.

Saad niya, “Hindi ako nagtampo dahil sa nangyari sa akin, hindi.

"Hindi talaga tampo, more on disappointment.

"Hindi ako nagtampo kasi okay kami, nag-uusap, nagtatawagan pa kami.

"Pero disappointed ako."

REUNION AT TV5. Ngunit sa masayang batuhan nila ng biruan sa pocket press conference ng show nila, makikitang nalampasan na rin ni Gelli ang disappointment niya kay Ogie noon.

Lalo na’t pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay ngayon.

Nagkuwento pa nga si Gelli kung paano niya nalamang lilipat na sa TV5 ang kaibigan.

Pahayag nito, “Actually, sinabihan niya ako, wala pa siya sa TV5 noon, MVP [Manny V. Pangilinan] party yun.

"Sabi niya sa akin, ’Wag ka munang umalis, dito ka muna, mag-usap muna tayo.’

"Parang nararamdaman ko na may sinasabi na siyang, ’You’ll never know.’

"’Tapos ayan na, nandiyan na siya.”

Biniro naman ni Ogie si Gelli na puro Korean naman daw ang type nito.

Mahilig kasi si Gelli sa mga Korean series at Korean actors.

"’Wag ka na nga, walang basagan ng trip!" natatawa niyang sabi kay Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN