Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez still mourning Mang Gerry’s death

Inamin ni Ogie Alcasid na nakaramdam siya ng disappoitment nang hindi matuloy ang drama series sana niya sa TV5, ang The Gift. Saad ng singer-actor, "Of course, grabe yung trabahong ibinuhos namin doon. It’s a drama, we were tired, I was crying all the time in almost all of the scenes. Almost... siguro two weeks na yung na-taping namin, madami na din. But having said that, minsan kasi ganun, e, may plano ang


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie ang asawa niyang si Regine Velasquez, lalo na’t kamamatay lang ng ama nitong si Mang Gerry.

Sabi niya, “Okay naman.

"Siyempre, still mourning. Hindi naman iyan madali.

"There are still days na she’s having a hard time.

"But sabi nga niya sa akin, she’s at peace that she knows that her dad is in heaven.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Ogie sa grand presscon ng Confessions of a Torpe kagabi, Pebrero 26, sa Oasis Manila, sa Aurora Boulevard, San Juan City.

Nang makausap noon ng PEP si Regine, bago pa yumao ang kanyang ama, naikuwento ng Asia’s Songbird na sa tuwing umuuwi si Ogie sa bahay nila ay nagkukuwento ang asawa tungkol sa mga nangyari sa taping ng show niya.

Ngayon ba ay ginagawa pa rin ito ni Ogie?

Saad niya, “Lagi naman. Kasi kinukuwento ko yung nangyayari.

"Humihingi rin kasi ako ng opinyon sa kanya. Cute na cute siya doon sa kuwento namin.

"Minsan sasabihin niya, ‘Sana gawin niyo ’yan ni Alice [Dixson]. Sana gawin niyo ’yan ni Gelli [de Belen].’

"And you know, my wife is very supportive of what I do and nakakatuwa naman yun.

"Hindi puwedeng hindi ko ikuwento kasi tuwang-tuwa siya sa ginagawa namin, e.”

Nakatutulong ba ang pagkukuwento niya ng masaya para maibsan ang lungkot na nararamdaman ni Regine ngayon?

Sabi ni Ogie, “I think it’s really si Nate [anak nila] yung nakakapawi ng lungkot niya, e.

"Kasi pag nakikita niya si Nate, nakikita niya yung Papa niya in Nate, e.

"Si Nate kasi medyo hawig ni Papa.

"But Nate is... yung nakakaaliw na bata, e. He’s very charming, very smart.

"Tawa lang kami nang tawa sa bahay.

"So, you know, nakakapagdulot talaga siya ng kasiyahan sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE GIFT. Aminado si Ogie na na-disappoint din siya noong mahinto ang taping ng dapat sana’y kauna-unahang niyang teleserye sa TV5, ang The Gift.

Pero nawala rin ang naramdaman niyang ito nang bigyan siya ng panibagong project, ang daily romantic-comedy series o ang tinatawag nilang tawa-seryeng Confessions of a Torpe, na magsisimula nang umere sa Marso 3.

Saad ng singer-comedian, “You know, nanghihinayang ako for the rest of the crew [ng The Gift] kasi they were… nakaporma na sila na magtatrabaho sila nang matagal.

"But here’s the thing, may mga bagay na wala tayong control.

"And the thing about our network, if they felt na, ’Okay na huwag muna ito at that time… huwag muna nating ilabas ito dahil feeling natin dito muna tayo sa comedy,’ e, okay ako doon.

"Kasi, kaysa naman ilabas na natin na hindi maganda yung reception, doon na tayo sa lahat tayo nag-a-agree na, ’Sige, ito muna ang gawin natin.’

"Yun ang point doon.

“But did I get disappointed? Of course, grabe yung trabahong ibinuhos namin doon.

"It’s a drama, we were tired, I was crying all the time in almost all of the scenes.

"Almost... siguro two weeks na yung na-taping namin, madami na din.

"But having said that, minsan kasi ganun, e, may plano ang Panginoon na hindi natin alam, e.

"So, when this [Confessions of a Torpe] came up, ‘Aba, parang okay din ito.’ E, di sige."

Ayon pa kay Ogie, posible pa ring ituloy ang The Gift pero baka magkaroon na ng mga pagbabago.

“I’m hearing things that they’ll tweak it. Medyo gagawin nilang hindi ganun ka-heavy.

"So, if that happens, then good. Sayang din naman yung shinoot namin.

"So, maaaring gawing light yung kuwento nun."



WORKING WITH THE CAST. Kaya sa ngayon, ang focus muna ni Ogie ay sa Confessions of a Torpe, na talaga raw nag-e-enjoy siya every taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama niya sa cast sina Alice Dixson, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Pilita Corrales, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, Mark Neumann, Shaira Mae, Albie Casiño, at Gerard Acao.

First time daw makatrabaho ni Ogie si Alice bilang love interest niya sa serye. Kumusta naman katrabaho si Alice lalo na sa comedy?

Sagot ng 46-year-old singer-comedian, “She’s ano, e, she’s a crazy person.

"Nakikisabay siya sa mga kalokohan namin. So, ang gaan niyang kasama.

"I think perfect din yun mga age namin, magkaka-age kami, so nagkakaintindihan kami.

"I really like Alice. I’m so happy that I have this opportunity to work with her."

Ano naman ang masasabi niya na tila nagiging "package deal" na raw sila nina Gelli at Wendell dahil bukod sa seryeng ito ay magkakatrabaho rin sila sa gag show na Tropa Mo Ko Unli?

Hindi pa ba sila nagkakasawaan?

Tugon ni Ogie, “Hindi naman, kasi kokonti lang naman kami dito sa TV5, so kami-kami rin lang yung nagkikita.

"It’s the truth, ’no, na we don’t have many-many actors here.

"So, we try na every time may gagawin kami, iba naman yung gagawin namin.

"Here, we play younger people, eventually hahabol din yung age namin sa story.

"So, tama yung sinabi ni Bayani na hindi kami bumibitaw sa character namin dito.

"Pag pinanood mo, parang feeling mo, torpe talaga ako."

Bukod sa mga dati nang magkakaibigan, lahat daw sila ay propesyunal kaya hindi na mahirap ang pagtatrabaho.

“Pagdating sa set, very professional talaga, e.

"Pinag-uusapan namin talaga yung eksena. Hindi trabaho lang.

"We’re really trying our best to come up with a performance na magugustuhan ng mga tao.”

NOT JUST A COMEDIAN. Sa presscon ay inihayag naman ni Direk Soxy Topacio, isa sa mga direktor ng serye along with Topel Lee, ang paghanga niya kay Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya raw kasi inakala na magaling din pala sa drama si Ogie.

Sa isang eksena kasi na nalungkot si Ogie na hindi siya ang naging Prom King ng nanalong Prom Queen na si Alice ay talagang tumulo raw ang luha ni Ogie.

Sabi nga ni Direk Soxy, “Ogie is not just a comedian, he is a good actor.”

Hiningan ng PEP ng reaksiyon si Ogie kaugnay ng papuring ito.

Aniya, “Thank you, thank you. Kasi I love doing my job.

"Although comedy ito, merong mga eksena kasi na kailangan lagyan mo ng puso, e.

"And that particular scene, kawawa ako doon e.

"Kung hindi bibigyan ng konting drama doon, hindi maaawa sa iyo yung tao.

"Siguro nagulat si Direk Soxy kasi hindi pa niya ako nakikitang mag-drama. Although, hindi naman ako bago sa drama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN