Karylle happy about reconciliation with Vice Ganda; defends fiancé Yael Yuzon

Hindi na idinetalye ni Karylle kung ano ang pinag-ugatan ng tampuhan nila ni Vice Ganda, ngunit "miscommunication" lamangd aw ang nangyari sa kanila.


Masaya si Karylle na natapos na ang tampuhan nila ng kaibigan at co-host niya sa It’s Showtime na si Vice Ganda.

Matatandaang isiniwalat ni Vice ang tampuhan nila ni Karylle sa thanksgiving presscon ng una noong February 19.

Read: Vice Ganda admits “tampuhan” with Karylle; offended by comment of her fiancé Yael Yuzon

Ngunit ilang araw lamang pagkatapos nito ay nagkaayos din ang dalawa nang magyakapan sila sa live airing ng It’s Showtime noong Martes, February 25.

Read: Vice Ganda ends rift with Karylle; gives her a hug on It’s Showtime

Sabi ni Karylle tungkol sa pagbabati nila ni Vice, “Sobra saya lang, siyempre ang tagal ko ding inantay, haping-happy ako.

"Sabi ko nga, bago niya ako niyakap, ’Aalis ka na bukas, ’di ba, parang...’

"Actually, akala ko makakapunta pa siya, pero siyempre may mga inasikaso siya, so very understandable naman.

"Mahaba-haba din kasi ang pag-alis niya, ayoko na mabigat yung dinaramdam ko.

"Siyempre hinihintay ko, ipinagdarasal ko lagi na maayos na maayos."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Karylle sa It’s Showtime kahapon, February 26.

Aminado si Karylle na nagulat siya sa ginawang pagyakap sa kanya ni Vice sa "Sine Mo ’To" segment ng programa nila noong Martes.

Saad niya, “Oo, siyempre. Parang alam mo yun, ’Ano ba ito?’

"Kasi ang tagal kong hinintay, napaginipan ko na niyakap ako, siguro nakadalawang panaginip na ako na ganun.

"Iniisip ko, ’Nanaginip ba ako?’

"Matagal ko rin siyang inantay and happy lang ako na kagabi nga [February 25], nag-text kami, siguro madaling-araw.

"Ang sarap ng feeling na, ’Heto na yun!’"

Gaano ba katagal inabot ang tampuhan nila ni Vice?

Natatawang sagot ni Karylle, “May anniv [anniversary] na yata! May monthsary!

"Whatever it was, it was a very long tampuhan and misunderstanding."

DEFENDING YAEL. Ipinagtanggol din ni Karylle ang fiancé niyang si Yael Yuzon, na sinasabing dahilan ng tampuhan nila ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kasi pabor si Yael sa "loveteam" nina Karylle at Vice, na sa dinami-rami raw ng puwedeng ipareha sa kasintahan ay sa bakla pa.

Ayon kay Karylle, "Gusto ko lang i-clear, sabi ko nga sa mga friends ko, nakakatawa, kasi si Yael, never naman ‘yang nagbawal sa akin.

"Ultimo Bench nga, wala siyang reklamo.

"Ang pinagbawal niya lang sa akin ever ay kumain ng extra rice, understandable naman yun.

"Yun lang ang gusto kong i-clear ngayon, kasi siya naman ang kinukutya ng mga tao, ’Bakit ganyan ka?’

"Hindi pa nga kami kasal, ang dami nang ipinagbabawal?

"Actually, hindi siya nagbabawal, yung extra rice lang."

Kung hindi si Yael ang dahilan, ano ang pinag-ugatan ng tampuhan nila ni Vice?

Sagot ni Karylle, “Ano lang, miscommunication.

"Actually, tina-try kong intindihin kung saan nanggaling din, e.

"I think pag nag-uusap kami ni Yael, nagsasabay kami, nae-excite kami pag may nakikita kaming friends.

"One time, nakita, ’O, nagkasabay tayo! Kaya pala tayo nagkakagulo kasi pareho tayong madaldal, mabilis magsalita.’

"I think ganito yung nangyari."

VICE & YAEL. Kinumpirma rin ni Karylle na nagkausap na sina Vice at Yael tungkol sa nangyari.

"Hindi ko na tinanong kasi kanila na yun. Basta na-clarify lang niya at okay na," sabi ng singer-actress.

Tulad ng ibang pagkakaibigan, naniniwala si Karylle na dumaan lang sa pagsubok ang pagkakaibigan nila ni Vice.

“I think in any friendship naman, dadaan at dadaan ka sa ganito.

"Yung best friend ko, nagkatampuhan din kami recently at matagal ko rin siyang ipinagdasal.

"Nakakatawa nga kasi binibilhan ko siya ng card nung time na hindi pa kami okay, ’tapos yung nag-offer pa sa akin, yung hindi ko kilala na Singaporean na nagbebenta ng card.

“I think it’s a way na people will connect you with other people also, who will help you find a path to a better friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, it really happened."

VICE IS INVITED TO HER WEDDING. Sa panayam noon kay Vice ay sinabi nitong hindi pa siya iniimbitahan nina Karylle at Yael sa nalalapit nilang kasal sa March 22.

Nang tanungin namin si Karylle tungkol dito, tiniyak niyang imbitado ang kaibigang komedyante.

“Oo naman. Ninong? Huwag na, bagets pa, pag nagka-baby na lang.

"I think nakabalik na sila by then, pero hindi ko pa siya natatanong about that, kasi iba ang napag-usapan namin.

"Pero, of course, invited naman siya."

Pumunta ng Amerika si Vice para sa isang concert.

Ngayong maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Vice, masasabi kaya ni Karylle na magaan na talaga ang kalooban niya?

Sagot ni Karylle, “I think naman in any wedding, we have to focus in the love and everything else will follow.

"I’m very blessed na ang daming tao ang nagdarasal para sa akin.

"May mga things na dapat maayos, si God na ang bahala.

"Kita naman natin, naging maganda naman ang kaayusan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN