PBB Teen Clash winner James Reid denies attitude problem was the reason for moving from Star Magic to Viva Artists Agency

Nilinaw ni James Reid na ang kagustuhan niyang maging singer ang naging dahilan kung bakit umalis siya noon sa poder ng Star Magic pagkatapos niyang manalo sa reality show na PBB Teen Clash.Sabi pa niya, "It’s more on work and what I really wanted to do. I was not just happy with what was happening then."


Noong 2010 pa nanalo sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Teen Clash si James Reid. Pero marami ang nagtataka kung bakit hindi umabante ang showbiz career nito, ’tulad ng mga naunang winners ng PBB Teen Edition na sina Kim Chiu at Ejay Falcon.

Inamin ng Fil-Australian reality-show star na noong pumasok siya sa Bahay Ni Kuya, maraming bagay ang hindi pa niya nauunawaan.

Unang naging big challenge kay James ay ang makaintindi at magsalita ng Tagalog.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “That was my real problem then.

"When my dad and I moved here in the Philippines from Australia, I knew very little Tagalog.

"That’s why I had a very hard time adjusting to my studies here.

“Then came PBB Teen Clash. I thought that it would be cool to be on this show.

"I never really expected anything big that would happen to me while I was on this show.

“I just thank my lucky stars that I turned out to be the winner, despite of the fact that there were times that I really can’t understand a lot of what my housemates were talking about.

"But it was a great experience for me."

Nakapanayam ng PEP si James sa cast launch ng Diary Ng Panget: The Movie, sa The Library Metrowalk, noong February 20.

I WANT TO BE A SINGER. Pagkatapos manalo ni James sa PBB Teen Clash ay nabigyan siya ng ilang projects sa Kapamilya network, ’tulad ng Shout Out, Good Vibes, at Precious Hearts Romance Presents Pintada.

Pero ang gusto talaga ni James ay ang maging singer at hindi maging aktor, kaya dito raw sila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang manager.

“We wanted different things. They wanted me to act but I wanted to be serious with my music.

“From the start naman, yun ang gusto kong gawin—to sing and perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I guess they have other plans for me and I was not having that good relationship with them,” sabi ni James.

Kaya noong 2012 ay umalis siya sa management ng Star Magic at pumirma sa Viva Artists Agency.

Pinabulaanan naman ng 20-year-old singer-actor na dahil sa attitude problem niya kaya siya lumipat ng ibang management.

Sabi ni James, “That’s not true.

"I never had that kind of problem, kahit itanong pa nila sa iba.

“It’s more on work and what I really wanted to do.

"I was not just happy with what was happening then.

“I can say that I am much happier now with Viva as my manager.

“I’ve been with them for two years now and they’ve been supportive of my singing career.

“I came out with my self-titled album last year and it’s a dream come true for me.

“Music gives me more flexibility to express myself artistically.

“Ito yung matagal ko nang gustong gawin, and Viva Records helped me making it come true.”

Proud nga si James sa kanyang album na puro R&B songs ang laman. Una na rito ang kanyang carrier single titled "Alam Niya Ba?"

“The song is about this guy who got his heart broken.

"He loves the girl so much that, even though it hurts, he’ll wish the girl well and hopes that the next guy she loves will treat her well.”

Kasama rin sa self-titled album ni James ang mga sumusunod na kanta: "Rock With You," "You Make My Body Move," "Game Changer," "Gone," and "Loving Arms."

ACTING. Ngayong natupad na ang pangarap ni James na maging singer, okay na sa kanyang sumubok ulit sa larangan naman ng pag-arte.

Sa pagsasapelikula nga ng hit teen novel on Wattpad.com na Diary Ng Panget, gagampanan ni James ang role na si Cross Sandford, ang masungit at mapang-aping amo ng bidang si Nadine Lustre (bilang Eya Rodriguez).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Diary Ng Panget ang una niyang pelikula simula nang pasukin niya ang showbiz.

Sabi ni James, “It’s a very exciting project and I am happy to be part of it.

“When they offered me the role and described to me, I found it interesting and I immediately had to read the novel just to familiarize myself with my character Cross and the rest of the characters, like si Chad [played by Andre Paras] and Lori [played by Yassi Pressman].

“They asked me one thing and that is to take up Tagalog lessons so that I can relate more to the story.

“Mas okey na po ang Tagalog ko kesa noon. I’ve been taking lessons sa bahay.

"It took some time but I was able to understand a lot.

“Hindi nga lang fluent, but I know that I will get there soon.

“But with the help of my co-stars, I know na magagawa ko nang maayos ang pag-arte ko sa pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN