Julie Anne San Jose shy about being considered as the next Songbird

Julie Anne San Jose counts among the local celebrities with the most number of Facebook and Twitter followers, and she is grateful: "Ganun lang ka-active ang supporters ko at nagpapasalamat ako sa pagmamahal nila sa akin na buhos talaga."


Nami-miss na raw ni Julie Anne San Jose ang umarte matapos niyang gawin ang teleseryeng Kahit Nasaan Ka Man noong isang taon, kung saan nakatambal niya si Kristoffer Martin.

"Sobrang miss ko na!" halos mapasigaw niyang sabi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad pa niya, "’Yung mga teleserye ngayon sa Kapuso, ang gaganda.

"Pero I’m not yet sure kung kailan nila ulit ako kukunin for a soap.

"Pagdating sa paggawa ng soap [opera], perfect timing lang talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) si Julie Anne noong kapistahan sa Sta. Maria, Bulacan, February 22.



NO MORE LOVETEAM. Hindi ikinaila ni Julie Anne na nabuwag na rin ang loveteam nila ni Elmo Magalona na isa pa man din sa pinakasikat na loveteams nung mga nakaraang taon.

"Oo nga," sambit niya.

"Pero, I don’t see anything na sobrang negative about it.

"Kahit maraming fans ang nagki-claim na ’we want Julie and Elmo back,’ it’s still up to the [GMA] management, ’di ba?

"We all grow individually and we learn more from other people as well.

"At saka mahirap din yung nagde-depend ka sa ka-partner mo kasi, ’di ba?

"So, parang mas gusto mo pang mahasa ka nang husto on your own at hindi ka lang ma-stuck [sa isang loveteam].

"Pero malaki ang pasasalamat ko sa sumuporta sa amin noon ni Elmo and to those na lagi pa rin kaming hinahanap.

"Kasi, career-wise, ang laking advantage nun sa aming dalawa."

NEXT SONGBIRD? Tungkol sa kanyang career, nasabi ng young singer-actress na "open" siya "to all possibilities."

Saad pa niya, "Sa ngayon kasi, I’m still exploring other things in my capacity, like gumagawa ako ngayon ng second album ko."

Pagdating sa kantahan, ayaw isipin ni Julie Anne San Jose na siya ang ginu-groom ng Kapuso network na susunod sa yapak ni Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo na’t ang self-titled debut album niya, na ni-release noong 2012 pa, ay tumanggap ng 8X Platinum record award.

"Hindi naman po siguro," tila nahihiyang sabi ni Julie Anne.

"Hindi ko naman po iniisip ang mga bagay na ganyan.

"Masaya lang po ako na nabigyan ako ng opportunities at marami ang tumangkilik.

"At yun po, nagpapasalamat ako sa GMA-7 for giving me the chance to prove what I have.

"Sobrang nakaka-flatter.

"Passionate ako about what I’m doing, and everything I do dito sa showbiz ay galing po sa puso ko.

"Kaya grabe ang pasalamat ko sa lahat ng supporters ko.

"Sobra talaga silang sumuporta."



FAN BASE. Kung suporta lang ng mga tagahanga ang pag-uusapan, hindi malayo sa katotohanan ang labis-labis na pagmamahal ng mga ito kay Julie Anne.

Basehan dito ang mataas na bilang ng kanyang Facebook shares, tweets and retweets, at comments sa artikulong naisusulat tungkol sa kanya.

Nangingiting saad ng 19-year-old singer-actress, "Ganun lang ka-active ang supporters ko at nagpapasalamat ako sa pagmamahal nila sa akin na buhos talaga.

"Siguro nga yun na rin ang advantages ng socal media. People get to link and share stuffs, ’di ba?

"At saka, what’s good about digital media, libre at lahat ng bagay ay makikita mo na dun."

Sa kabila nito, aware naman daw si Julie Anne na marami sa showbiz ang sumasama ang loob sa mga pangba-bash ng ilang followers ng celebrities na kagaya niya.

Saad niya tungkol dito, "Nakakalungkot din po minsan.

"Pero kinausap ko na rin sila [fans], kasi yung iba napagbibintangan din lang po.

"Pinag-usapan na namin ito and alam ko na naiintidihan nila ako at cooperative naman sila sa akin.

"Hindi ko naman kasi hawak ang kanilang emosyon kahit sabihin pang malapit sila sa aking puso.

"Kung ano ang gusto nilang gawin o kung ano ang nasa isip nila, hindi ko naman sila kontrolado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although bilang idolo nila, kinakausap ko sila."

Sa mga nangba-bash naman sa kanya, ito ang kanyang masasabi:

"I don’t see anything negative about it.

"Mababait po ang aking mga tagahanga, yun nga lang, may sarili silang opinyon.

"Ang bawat tao kasi, may kanya-kanyang pag-iisip talaga.

"You can’t please everyone and you’ll just get tired of it.

"Ako kasi yung tipong paghihirapan ko ang lahat na ginagawa ko kasi nag-start ako na simpleng tao lang at pamumuhay, ’di ba?

"My parents tell me na ’Always keep my feet on the ground.’

"Kung may nambabato raw sa akin, meron namang pumupuri.

"At yung constructive feedbacks, yun ang dapat ko ring i-consider."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN