Luis Alandy on leading-man role in a primetime series: "Darating din yun kung bibigyan ng chance."

Nagwakas man daw ang lovelife ni Luis Alandy noong nakaraang taon, ngayong 2014 ay magaganda naman daw ang nangyayari pagdating sa kanyang career: "Busy, masaya kahit medyo pagod."


Single daw si Luis Alandy ngayon dahil nag-break na sila ng non-showbiz girlfriend niya noong 2013.

Pero hindi naman daw niya masasabing malungkot na dumaan ang birthday niya noong February 7 at Valentine’s Day noong February 14 dahil loveless siya.

Ayon sa Kapuso actor, “Hindi naman malungkot kasi kasama ko ang family ko.

"Noong Valentine’s Day, nasa taping kami ng Innamorata, so okay lang, masaya pa rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa regional show ng afternoon soap na Innamorata, sa SM Baguio, noong Sabado ng gabi, February 22.

LEADING MAN. Kung pagbabasehan ang mga karakter na ibinibigay ng GMA kay Luis, isa siya sa masasabing kinikilalang leading man ng network.

Ang kulang na lang ay gawin siyang leading man sa mga primetime series.

Reaksiyon ni Luis dito, “Depende naman sa GMA yun kung bibigyan ako ng chance sa primetime slot.

“Darating din yun kung bibigyan ng chance.

"Nabigyan naman ako ng chance sa Binoy Henyo, early primetime nga lang.

"At saka masaya naman ako ngayon sa afternoon slot.”

FULFILLED. Masaya nga raw si Luis sa bago niyang soap sa GMA, lalo pa’t maganda ang nagiging rehistro ng Innamorata sa ratings.

"Kahit na sobrang pagod kami, natatapos kami 6 a.m. o 10 a.m… fulfilled kami na ganoon ang reaksiyon nila.

“Bukod dun, lahat kami magkakasundo rin talaga, yung mga kalokohan ng isa’t isa.

"We make it a point na magkaroon ng kulitan ang isa’t isa para pagdating sa work, hindi mabigat ang pakiramdam.”

Pati raw yung mga artistang nakakausap nila ay nagagandahan sa istorya.

"Hindi siya yung normal na heavy drama. May pagka-fantasy, may pagka-mystery ito," sabi ni Luis tungkol sa kanilang programa.

Ngayong maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa Innamorata, ang importante raw ay ma-sustain nila ito.



OUTREACH. Noong February 12 ay nakahanap ng oras si Luis na makapag-celebrate ng birthday niya sa isang charitable institution.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang Cradle of Joy Foundation, kung saan namigay siya ng book shelves, 100 pieces na storybooks, colouring books, at crayons sa mga estudyante rito.

Nasa taping naman daw siya noong February 7, mismong araw ng birthday niya.

"Two weeks straight akong may work, nag-taping pa ng Magpakailanman.

“Sabi ko, mag-a-outreach muna ako sa Cradle of Joy Foundation.

"Two hours lang naman akong nag-outreach,” kuwento niya.

Dati na raw niyang ginagawa iyon at nagkaroon lang ng coverage itong pinakahuli dahil sa tulong ng GMA Artist Center.

Pakli niya, “Nag-donate sila ng mga pagkain, ’tapos ako iyong mga reading at arts materials.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN