Bandila apologizes for “unintentional” fear and panic caused by report about flesh-eating disease in Pangasinan

Lumikha ng ingay ang ulat ng reporter ng ABS-CBN na si Jasmin Romero tungkol sa diumano’y misteryosong sakit na dumapo sa dalawang taga-Pangasinan. Kaagad ding naging usap-usapan sa social media ang hashtags na #MisteryosongSakitSaBandila at #PrayForPangasinan.


Ikinabahala ng maraming manonood ang ulat ng late-night news program ng ABS-CBN na Bandila tungkol sa diumano’y "flesh-eating disease" na umatake diumano sa dalawang katao sa Pangasinan.

Inilabas ang balitang ito noong Lunes, February 24, kung saan naka-hashtag pa sa simula ng ulat ang "#MisteryosongSakitSaBandila."

Sa news report, makikitang nakasuot pa ng lab gown, masks, at gloves ang reporter ng ABS-CBN na si Jasmin Romero.

Naging viral kaagad ito sa social media at nag-trending din ang hashtag na #PrayForPangasinan.

Naikonek pa nga ito ng ilan sa prophecy ng Indian prophet na si Sadhu Sundar Selvaraj.



FLESH-EATING DISEASE, A HOAX? Noong February, 25, mariing pinabulaanan ng mga opisyales at health officials ng Pangasinan ang kumakalat na haka-haka tungkol sa naturang sakit.

Ayon sa kanilang pahayag, ang 21-year-old na may "pambihirang sakit sa balat" sa Sta. Barbara, Pangasinan, ay may leprosy o ketong.

Ang sakit naman ng lalaki mula saVillasis, Pangasinan, ay severe psoriasis.

Pati ang Department of Health (DoH) ay naglabas din ng pahayag na walang “flesh-eating” disease na kumakalat sa Pangasinan.

Ayon sa statement ni Health Secretary Enrique Ona, “There is no reported case of ‘flesh-eating’ skin disease in the country yet. Absolutely no reason for the public to panic.”

Dagdag pa niya, “There are a lot of diseases that may manifest through changes in the skin.

"It is good to consult our doctors or go to the nearest barangay health unit when we need medical advice and treatment.

"Let us avail of the free healthcare service in our health facilities."



TOURISM AFFECTED. Umalma rin ang ilang opisyales ng lalawigan sa lumabas na report.

Nangangamba silang malaki ang maging epekto nito sa kanilang turismo, lalung-lalo na sa Hundred Islands sa Alaminos City, Pangasinan.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV noong February 26, marami na raw local and foreign tourists ang nagkansela ng kanilang hotel reservations at tours sa Pangasinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, nagkasa raw kaagad ang mga opisyales ng Pangasinan ng information drive na walang katotohanan na may "flesh-eating" disease na kumakalat sa kanilang lalawigan.

Ayon sa provincial administrator ng Pangasinan na si Raffy Barraan, “Nakakainis na na-blow up yun without investigating the story, without coordinating the local government officials, for example yung aming provincial health office.”

Nagkaroon na din ng isang campaign sa Facebook—ABS-CBN Should Apologize to the People of Pangasinan—upang humingi ng paumanhin ang Kapamilya network sa balitang ito.



BANDILA APOLOGIZES Kagabi, February 27, naglabas naman ang Bandila ng kanilang official statement tungkol dito.

Humingi sila ng dispensa sa hindi raw sinasadyang pagdulot ng pagkabahala sa mga manonood ng kanilang ulat tungkol sa naturang sakit sa balat.

Narito ang buong statement ng Bandila:

"Humihingi ang Bandila ng paumanhin kung ang ulat naming tungkol sa dalawang magkaibang kaso ng sakit sa balat ay nagdulot ng takot o pangamba lalo na sa lalawigan ng Pangasinan.

"Iniimbestigahan na ngayon ng ABS-CBN’s Office of the Network Ombudsman (ONO) ang mga pangyayari sa likod ng naturang ulat.

"Sisiguraduhin ng ABS-CBN News na magpapatupad ito ng karampatang aksyon ayon sa resulta ng imbestigasyon ng ONO."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN