G Tongi explains why she does not want to be addressed as "Tita" by younger co-stars

“When I meet someone new that I’ve never met before, and they address me in a certain manner, hindi naman ako nahihiya na sabihin sa kanila kung ano yung mas kumportable ako. ’Di ba? It’s better that you are upfront from the beginning,” pahayag ni G Tongi.


Per program ang kontrata ni G Tongi sa GMA Network, kung saan napapanood siya ngayon sa early primetime series na Paraiso Ko’y Ikaw.

Si G ang isa mga artistang nakakatawid sa tatlong malalaking networks sa bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA.

Ano ang malaking pagkakaiba sa pakikipagtrabaho niya sa mga artista ng tatlong networks, lalo na sa young stars?

Tugon ni G, “Pareho rin lang.

"Kasi, actually, yung mga bagets talaga, hindi ko kilala kasi matagal akong nawala.

“So, all of the bagets, no matter what channel, ngayon ko lang nakikilala."

Natatawang sabi pa niya, “Si David Archuleta lang ang kilala ko. O!

“Kasi sa Amerika, kilala ko na siya dahil sa American Idol.

Gumanap siyang ina ni David sa ginawang drama series ng American Idol Season 7 runner-up sa TV5, ang Nandito Ako (2012).

“Kasi ako ang nanay niya doon. At G ang tawag niya sa akin!”



ISSUE WITH JOYCE CHING. Dahil siya na rin ang nagbanggit tungkol dito, tinanong ng PEP si G kaugnay ng isyu sa pagitan nila ng co-star niya sa Paraiso Ko’y Ikaw na si Joyce Ching.

Ayon sa kuwento ni Joyce, sa isang hiwalay na panayam, tila hindi nagustuhan ni G ang pagtawag niya ritong “Tita G” nang magpakilala siya sa taping nila.

Mula raw noon ay tila nahiya nang bumati si Joyce kay G.

Read: Joyce Ching clams up after a scolding from Paraiso Ko’y Ikaw co-star G Tongi

Sabi naman ni G tungkol dito, “Isyu ba ‘yan, isyu ba ’yan? Ano bang isyu ‘yan?”

Ngunit nagpaliwanag din ang aktres kung bakit ayaw niyang patawag ng “Tita” sa mga kasamahang artista.

Saad ng 35-year-old actress, “He’s [David] in his 20s, I’m in my 30s, you know.

“I feel like someone in their 20s… I know we’re in the Philippines, naintindihan ko yung pagrespeto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But bilang isang babae, I just feel na pag working environment, okay lang yung address me by my first name.”

Dahil nasanay siya sa Amerika?

“Hindi rin. Maski naman dito, ayokong tini-Tita ako,” sabi ni G.

Bakit?

“Mukha ba akong Tita?” sagot ng aktres.

Nang nag-guest nga raw siya sa The Ryzza Mae Show kamakailan, ang tawag sa kanya ni Ryzza Mae Dizon ay “Ate G”.

“Yeah! O, Ryzza Mae yun, ha?” sambit pa ni G.

Pero hindi naman daw siya galit kay Joyce, 19.

“Hindi naman. Hindi ko nga alam na naging isyu.

“My gosh, no! Of course not, of course not.

“When I meet someone new that I’ve never met before, and they address me in a certain manner, hindi naman ako nahihiya na sabihin sa kanila kung ano yung mas kumportable ako.

“’Di ba, it’s better that you are upfront from the beginning.”

Nakausap ng PEP si G sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw noong Miyerkules, February 26, sa Cainta, Rizal.



SOCIAL EXPERIMENT. Ayon naman kay Joyce, sa panayam din noong araw na yun sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw, nagulat siya na lumabas ang isyung ito dahil off-the-record daw nang ikuwento niya ito sa ilang tao.

Ngunit paniniguro naman ni G, “No, that’s okay.

“We’re in showbiz, it happens, and you know, it’s fine.

“’Tsaka alam mo, sa totoo lang, meron kasi akong ginawang social experiment.

“Last year, gumawa ako ng musical, The Producers.

“Ang director ko dun, si Jaime del Mundo.

“Ang social experiment niya sa amin… kasi lahat ng mga tao sa teatro, very close, ‘di ba, magkakakilala.

“But to be more professional, we address everyone by their last name. ‘Miss Tongi! Please go here.’

“E, alam mo naman, social experiment lang ito, pero feeling ko, parang, ‘Oo nga naman!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When we’re in a working environment, it’s nice to be addressed professionally. Yun lang.

“So siguro, nakarga na rin yun ng disiplina ng teatro na, you know, even if we’re friends, when we’re working, we’re working.

“’Tsaka ano, type ko siya, ‘di ba? ‘Mr. Eigenmann, can you please do this? Mr. Eigenmann, do you mind if we read this?’

“Pero si Gabby naman, matagal ko na ring kilala, so I’ve known Gabby matagal na,” pagtukoy niya sa isa pa niyang co-star sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Dagdag pa ni G, “Hindi po ba, parang napaka-professional?

“Pero hindi, wala yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN