Alice Dixson on dating guys: “Ayoko nga ng showbiz.”

“If I have somebody in entertainment na boyfriend ko, wala na akong privacy, wala na kaming privacy,” paliwanag ni Alice Dixson nang usisain siya kung bakit ayaw niyang magkaroon ng boyfriend na taga-showbiz.


“Ayoko nga ng showbiz.”

Ito ang sagot ng aktres na si Alice Dixson sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters nang usisain siya kung bakit walang namuong pagtitinginan sa kanila ni Derek Ramsay nang magkatrabaho sila sa For Love or Money, isang teleserye sa TV5 noong 2013.

Nakausap si Alice sa press conference ng upcoming TV5 teleserye, Confessions of a Torpe, sa Oasis Manila, sa Aurora Blvd., Quezon City, noong February 26, Miyerkules.

Paliwanag pa ng aktres, “I haven’t found anybody [from showbiz] ever since.

“But in the future, I don’t know, kasi sa totoo lang, I haven’t found anyone engaging enough in conversations, or in interests, or may personality na ka-click ko.

“Second reason, I really like my personal space, my private space.

"So if I have somebody in entertainment na boyfriend ko, wala na akong privacy, wala na kaming privacy.”

Muli siyang inusisa kung bakit walang namuong pagtitinginan sa kanila ni Derek, gayong guwapo, matipuno, at matalino naman ang aktor.

“The truth is, I’m attracted to guys that are taller than me, yun lang,” maikling sagot ni Alice.

Ang height ni Alice na makikita sa Internet ay 5’7” habang si Derek naman ay 5’9”.

Pagpapatuloy pa niya, “When I see a guy and he’s tall, I go, ‘Oooo. Winner ‘to!’

“’Tapos, siyempre, titingnan ko siya [for] face value. Sometimes meron, sometimes wala.

“Okay, sige, kuwento-kuwento. [Kapag] di marunong mag-carry ng conversation, lose.

"Pero pag marunong mag-carry ng conversation, winner!”


DATING A NON-SHOWBIZ GUY. Lumabas dito sa PEP ang isang ulat noong February 23 kung saan inamin ni Alice na may idine-date siyang non-showbiz guy.

Tumanggi siyang pangalanan ito dahil pribadong tao raw ang naturang lalaki, pero hindi naman niya ito itinatago dahil may mga nakakita na sa kanilang nagdi-date.

Ayon kay Alice, inspirasyon para sa kanya ang manliligaw dahil nakakausap niya ito sa tuwing may problema siya at gumagaan ang pakiramdam kapag magkasama sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Alice Dixson on dating again: “Ang sarap pala. Feeling-teenager tayo ulit!”

Isang taon na ang nakalilipas mula nang maaprubahan ang divorce ni Alice at ng kanyang dating asawa, ang businessman na si Ronnie Miranda.

Naaprubahan noong February 2013 ang kanilang divorce petition sa Canada na isinumite nila noong December 2012.

Nagtagal ang kanilang pagsasama ng 13 taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN