Marian Rivera wows even Kapamilya stars in her second FHM cover pictorial

Marian Rivera on her second FHM cover pictorial: "Nakita ko naman kung paano magtrabaho ang FHM at inalagaan naman nila ako. At in fairness sa FHM, nirerespeto nila kung ano lang yung kaya kong ibigay, gawin. At yun nga, maganda naman ang kinakalabasan."


Si Marian Rivera ang cover girl ng 14th anniversary issue ng men’s magazine na FHM Philippines.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-cover ang two-time Sexiest Woman in the Philippines sa nangungunang men’s magazine mula sa Summit Media.

Ang unang beses ay noong January 2013.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa telepono ngayong araw, February 28.

Tinanong namin siya kung ano ang nagpakumbinsi sa kanya para mag-cover pictorial muli sa FHM.

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Siguro kasi, maganda yung kinalabasan ng una kong pictorial.

“Nakita ko naman kung paano magtrabaho ang FHM at inalagaan naman nila ako.

“At in fairness sa FHM, nirerespeto nila kung ano lang yung kaya kong ibigay, gawin.

“At yun nga, maganda naman ang kinakalabasan.

“At bago nila ilabas, ipinapakita nila sa akin, pinapa-approve nila kung ano yung mga napili rin nila, kaya yun din naman.”



REIGNING FHM SEXIEST WOMAN. Sa Balesin Island, Quezon Province, ginawa ang pictorial ni Marian para sa March 2014 issue ng FHM.

Sabi pa niya, “Isa rin siguro yun sa dahilan, anniversary nila, ‘tapos ako ang palaging hinihiling na mag-cover.

“Nakakatuwa naman, kasi parang last year yata, kung hindi ako nagkakamali, anniversary rin nila o may sine-celebrate silang special.

“Siguro, nagkakataon din na talagang anniversary nila.”

Ang unang cover pictorial ni Marian ay para sa 150th issue ng FHM.

Si Marian ang may hawak ng titulong FHM’s Sexiest Woman in the Philippines.

Dahil sa ginawa niyang bagong cover shoot at pictorial para sa FHM, hindi malayong siya pa rin ang humawak ng titulong ito ngayong taon.

Natawa naman si Marian saka sinabing, “Hindi ko alam, basta nag-pose ako para sa kanila.

“At yun nga, masaya ako at natutuwa dahil halos lahat ng shot ni Mark Nicdao, magaganda namang lumabas.”



MARIAN WOWS KAPAMILYA STARS. Hindi lamang mga tagahanga at ordinaryong mambabasa ang humanga at nagandahan sa bagong pictorial ni Marian para sa FHM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging ilang Kapamilya stars ay napahanga niya at nag-post pa ng kanilang mga komento sa pamamagitan ng Instagram account.

Kabilang na rito sina Anne Curtis, Kathryn Bernardo, at Jodi Sta. Maria.

Ano ang reaksiyon ni Marian dito?

“Oo nga, siyempre thankful ako na naa-appreciate nila ang picture ko.

“Si Kathryn naman, kakilala ko naman dahil dati, siya yung gumanap na batang Marian sa Endless Love.

“Si Anne naman, very good friend ko naman siya.

“Kahit hindi kami madalas na nakakapag-bonding, alam kong kaibigan ko si Anne.

“’Tapos si Jodi, siyempre nagpapasalamat ako kasi, yun nga, naa-appreciate nila yung picture ko.

“Si Jodi kasi, hindi pa kami nagkakakilala, pero parang pareho yata kami ng make-up artist minsan, si Krist Bansuelo—siya yung make-up artist ko sa shoot.

“Thank you, ‘di ba, nakakatuwa lang na kahit Kapamilya sila, Kapuso ako, alam namin na trabaho lang ang lahat ng ito.”

Tinanong din ng PEP si Marian kung kinailangan pa ba ng approval ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes bago niya ginawa ang pagpu-pose muli sa FHM.

Sagot niya, “Hindi, kasi una sa lahat, sa aming dalawa ni Dong, ang trabaho ay trabaho.

“Yes, nagha-heart-to-heart talk kami, like, ‘Eto ang mga gagawin ko.’ Pero ang trabaho sa amin, trabaho.

“At saka bago naman lumabas, ipinakita ko sa kanya yung mga pictures.

“At sabi nga niya, okay raw, maganda raw lumabas.

“Yung cover, isa yun sa mga nagustuhan din niya.”

Kung sa TV ay siya ang “pinakamagandang babae sa mundong ibabaw” dahil sa primetime series niyang Carmela, ngayon nga ay siya rin ang “sexiest woman” dahil sa FHM.

Kaya halos nasa kanya na ang lahat.

“Yay! Hindi naman! Basta, thank you na lang!” natatawa ngunit tila nahihiyang reaksiyon ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN