Ogie Alcasid returns unkind comments of detractors with show of kindness: “Bless those who curse you.”

Ogie Alcasid admits to feeling pressured about his comedy series Confessions of A Torpe going against drama series on primetime come March 2. He says, "...but not only for me, but for the whole network and sumugal sila. They’re willing to do a project that is a comedy. Alam naman natin ang primetime, ang hari ay ang drama."


Sa press conference ng Confessions of a Torpe, ang upcoming comedy series ng TV5, natanong si Ogie Alcasid tungkol sa mga bashers ng asawang si Regine Velasquez.

Naisulat kasi sa isang tabloid noong Enero na ayaw raw palapitin ng nakababatang kapatid ni Regine ang Asia’s Songbird sa mga fans, na sumama ang loob.

Hindi raw alam ni Ogie ang tungkol sa ulat, pero alam niyang may bashers ang kanyang asawa, gaya na lang sa social media.

“It always happens,” ani Ogie sa presscon na ginanap sa Oasis Manila, Quezon City, noong February 26.

“Just the other day, a fan of Regine was asking me kung kakasuhan ko daw yung mga fans na naninira sa kanya.”

Pagpapatuloy ng singer-songwriter: “I tried to read…

"Terrible! Talagang may mga fans that say so many evil things.

“It’s evil, it’s terrible, it’s bad, it’s malicious.

“Parang paano kaya nasusulat ng isang tao ang gano’n?

“So those things, you cannot fight. Those things, you cannot retaliate."

Paliwanag ni Ogie, marahil ang mga taong gano’n ay may mabigat na pinagdadaanan.

“There’s nothing you can do,” diin ng singer.

“So I told that person, and this is always in the Bible, ’Bless those who curse you.’”



FROM BASHERS TO FRIENDS. Ibinahagi ni Ogie na may mga bashers siya dati na naging kaibigan niya kinalaunan.

“They’ll always be there. I’ve had had so many bashers, who eventually became my friends.

“They started retweeting my tweets, who started promoting my stuff, and ang ganda nung nangyari.

“That’s why when you bless those who curse you, it’s so good.”

Kuwento niya, may mga komentong panlalait at may kasama pang mura.

Ang isinasagot daw ni Ogie sa kanila ay, “God bless you.”

Ang sabi niya, dati ay pinapatulan ni Regine ang mga bashers na ito dahil pati ang anak nilang si Nate ay idinadamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung una kasi, pinapatulan niya, but I think she’s learned na there’s really nothing you can do.

“Ganun na rin siya,” ang ibig sabihin ay natuto na si Regine.


GRATEFUL TO TV5. Malaki naman ang pasasalamat ni Ogie sa Kapatid Network na sumugal na magprodyus ng isang programang iba sa nakaugalian.

Ang Confessions of a Torpe, na magsisimula sa March 3, ang siyang magiging kaisa-isang comedy series sa primetime, kung saan dominante ang mga teleserye.

Nakakaramdam ba siya ng pressure?

“Definitely, but not only for me, but for the whole network and sumugal sila.

“They’re willing to do a project that is a comedy.

“Alam naman natin ang primetime, ang hari ay ang drama.

“Sumugal sila sa comedy, that speaks a lot about them.”

Ano naman ang expectations nila pagdating sa kanilang proyekto?

“Hindi kami nag-e-expect ng major changes na makuha namin yung market.

“This will offer something different, something very, very entertaining comedy-wise,” sagot ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN