Paulo Avelino still in touch with KC Concepcion: “She’s been inspiring me..."

Paulo Avelino realizes that talking to press about some details of his personal life is part of his job. He says, "Parte rin talaga ito ng trabaho namin. Kumbaga, it’s a way of giving back din sa mga tao kasi gusto naman nila na may malaman sa personal na buhay namin at ‘yon naman po ang ibinibigay namin.”


Tuloy pa rin ang komunikasyon sa pagitan nina KC Concepcion at Paulo Avelino kahit magkalayo.

Binanggit ito ni Paulo sa press conference kahapon, February 28, na inihanda ng Dreamscape para sa nalalapit na finale ng Honesto.

Matatandaang noong nakaraang taon, inamin ni Paulo na nililigawan niya ang dalagang anak ni Megastar Sharon Cuneta.

May ilang nag-akala na hindi na ito natuloy dahil bukod sa naging tahimik na sila tungkol dito, kasalukuyang nasa U.S. ngayon si KC para mag-aral ng short courses.

Gayunman, tila hindi ito naging hadlang para kay Paulo, na nagsabing “may effort pa rin naman” sa panliligaw kay KC.

Sabi ni Paulo sa entertainment press, “Sinabi ko naman dati sa TV ‘yon, that I was dating her.

“Now, pareho po kaming busy. Ngayon, I’m doing a soap here and she’s in the U.S. taking classes.

“Although, we still communicate.

“Siguro, masasabi ko po ngayon na I’m inspired.

“Nagko-communicate pa rin naman po.”

Dagdag pa niya nang makausap siya ng media matapos ang press conference, “You know, she’s studying there, winter doon.

“So, parang medyo malungkot, you just wanna inspire someone.

“She’s been inspiring me also, giving me advice.”

Hindi ba nag-aalala si Paulo na maaring may ibang pumorma si KC habang nag-aaral sa Amerika?

“Let’s see,” sabay ngiti ni Paulo

“Kung ‘yon naman talaga ang ibibigay ng tadhana at ng Diyos, huwag nating pigilan.”


REALIZATIONS. Sa naging takbo ng panayam kay Paulo, kapansin-pansin na mas naging open na ito sa pagsagot sa mga tanong ng entertainment press, kahit pa ang topic ay tungkol sa personal niyang buhay.

Isa raw ito sa mga natutunan ng aktor noong sinimulan niyang gawin ang teleseryeng Honesto.

“Honest naman ako [sa mga sagot ko],” natatawang sabi ni Paulo.

“Kumbaga, noong mga nakaraang taon, I just didn’t know how to communicate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa ‘yon sa mga what I constantly practice now.

“I wanna be more open to the press.

“Dito sa show na ‘to, I’m being honest.

“Hindi lang honest tungkol sa pera, sa mga materyal na bagay, pati sa totoong nararamdaman.

“We should always be honest with how we feel.

“Kumbaga, huwag mong itatanggi ang mga nararamdaman mo.”

Kailanman, ayon kay Paulo, hindi naman siya nagsinungaling sa mga nakaraan niyang interview.

“I always try to be honest naman noon pa,” aniya.

“Isa ‘yan sa mga trait na ipinasa sa akin at itinuro sa akin ng mga magulang ko.

“Pero kumbaga, ang dami ko lang din na-realize at parang mas lumaki ‘yong scope ng nalalaman ko about honesty.”

Sa halos walang taon na ni Paulo sa showbiz, napagtanto raw niya na bahagi ng pagiging aktor niya ang mapag-usapan ang personal niyang buhay paminsan-minsan.

Aniya, “Parte rin talaga ito ng trabaho namin.

“Kumbaga, it’s a way of giving back din sa mga tao kasi gusto naman nila na may malaman sa personal na buhay namin at ‘yon naman po ang ibinibigay namin.”

Aminado si Paulo na tuwing natatanong siya tungkol sa personal na buhay niya noon, makikita sa kanyang mukha ang pagiging iritable.

Ngayon ay sinusubukan umano niyang mabago ito.

“Kumbaga, dati kasi, it’s just about acting lang talaga ‘yong focus ko.

“Kumbaga, I just wanna act, bakit kailangang malaman pa ng mga tao ang personal kong buhay?

“Pero ngayon, na-realize ko na it’s a different thing.

“Kumbaga, parte na ng pagiging aktor ko ‘yon. They see you on TV, they’d want to know who you are.

“They want to know small things about my life.”

Hanggang saan naman kaya magiging bukas si Paulo para pag-usapan ang personal niyang buhay?

“I’m honest. Hindi ko lang sinasabi ang lahat pero honest naman ako,” nakangiting sagot ni Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN