Bayani Agbayani on having teenage daughters: “Nakaka-stress palang may dalaga kang anak...kung anu-ano na ang naiisip mo na baka nagpapaligaw na..."

Despite being close to his daughters, Bayani Agbayani can’t help but worry about them constantly. He confesses, “Ngayon ko lang na-experience na mag-worry sa mga anak kong babae. Hindi naman sa babaero tayo noon dahil ang Mommy lang naman nila ang babae sa buhay ko. Pero ang panahon ngayon kasi, lalo na’t may mga Facebook, Twitter, Instagram, kailangan alam mo rin ang mga ginagawa ng mga anak mo.”


Nagpapasalamat ang komedyanteng si Bayani Agbayani dahil sa sunud-sunod na projects niya sa TV5.

Since 2010 pa raw nagsimulang mag-host si Bayani para sa isang children’s show titled Kiddie Kuwela for the Kapatid Network.

At kahit pa nagkaroon siya ng shows sa GMA at ABS-CBN, hindi raw siya nakakalimutang bigyan ng projects ng TV5 sa tuwing available siya.

“Maganda naman ang relationship ko sa mga TV networks, e. ‘Ika nga nila, I don’t burn bridges kaya kapag natapos na ang isang show, may kapalit kaagad.

“Mas nagkasunud-sunod ang projects ko with TV5. Yung last show ko sa GMA-7 ay JejeMom pa noong 2010. Sa Dos naman, huli kong ginawa yung Toda Max noong 2012.

“Dito sa TV5, kakatapos ko lang sa Madam Chairman with Sharon Cuneta. Ngayon, kasama ako dito sa Confessions of a Torpe with Ogie Alcasid at Alice Dixson.

“Ako at si Jojo Alejar ang barkada ni Ogie dito na tinuturuan naming huwag maging torpe sa mga babae. Mga chickboy kasi kami dito ni Jojo,” kuwento ni Bayani nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Confessions of a Torpe sa Concordia College, Paco, Manila, noong February 20.

GRATEFUL FOR PROJECTS. Malaki raw ang naging tulong ng magkakasunod na trabaho ni Bayani sa TV dahil apat ang kanyang anak na pinag-aaral.

Hindi tinatago ni Bayani na minsan ay umaaray na rin siya sa malaking halaga na kailangan niya para sa matrikula ng kanyang mga anak. Kasama na rin ang pang-araw-araw nilang gastusin sa bahay.

“Akala kasi ng ibang tao, porke’t artista ka, ang laki na ng kinikita mo parati.

“Depende naman kung sinong artista, e. Kung milyun-milyon ang kinikita mo sa isang show, okey lang yun at wala kang poproblemahin.

“E, ang mga tulad ko na wala naman akong kontrata at umaasa lang tayo sa mga ibigay na projects sa atin, malaking bagay na iyong magkasunud-sunod ang trabaho natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aba, hindi biro ang matrikula ng mga bata ngayon. Mapapasigaw ka sa taas! Grabe ang tinaas ng matrikula ngayon.

“Hindi ko nga mapigilan na ikumpara ang matrikula ko noon. Walang-wala sa halaga ngayon.

“Tulad na lang ng panganay ko, Culinary Arts ang kurso niya. Alam naman siguro ng lahat kung gaano kamahal sa mga Culinary Arts school, ‘di ba?

“Halos mahimatay ako noong sabihin sa akin ang presyo, e!” sabay tawa niya.

ALL-OUT SUPPORT FOR KIDS’ EDUCATION. Pero dahil nga sa magandang edukasyon ang gusto ni Bayani para sa kanyang mga anak, kahit magkano pa ang halaga ay hindi siya nag-atubiling paglaanan ito.

“Para naman ‘yan sa mahusay at maayos na pag-aaral ng mga anak ko. Kahit na magkano pa ‘yan, sige, bayaran na dahil alam mong magagaling ang mga nagtuturo.

“Kaya pakiusap ko sa mga anak na huwag silang magpabaya sa pag-aaral. Huwag silang tutulad sa iba na parang balewala ang perang tinatapon ng magulang nila sa edukasyon ’tapos magloloko lang."

Mabuti na lang at masipag sa pag-aaral ang mga anak niya.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na mababait at matatalino ang mga anak ko kaya worth it ang mga binabayad ko sa school nila. Para ka lang nag-i-invest sa future nila, ‘di ba?

“Magaganda at matataas ang grades na nakukuha nila kaya happy ako sa pagpapalaki namin ng misis kong si Lenlen sa kanila."

DADDY BLUES. Fifteen years old na nga ang panganay ni Bayani na si Thalia kaya bantay-sarado ito.

“Nakaka-stress palang may dalaga ka ng anak!” natatawa niyang kuwento.

“Noong mga bata sila, hindi ko sila masyadong intindihin dahil nandiyan naman ang Mommy nila.

“Pero nitong nagdalaga na sila, kung anu-ano na ang naiisip mo na baka nagpapaligaw na, may boyfriend na, at kunsaan-saan na nagpupunta na hindi mo alam.

“Ngayon ko lang na-experience na mag-worry sa mga anak kong babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa babaero tayo noon dahil ang Mommy lang naman nila ang babae sa buhay ko.

“Pero ang panahon ngayon kasi, lalo na’t may mga Facebook, Twitter, Instagram, kailangan alam mo rin ang mga ginagawa ng mga anak mo.

“Okay lang siguro kung mga lalake sila. Madali ko silang makausap at alam mong kaya nilang alagaan ang sarili nila.

“Kaso mga babae, e. Hindi ko alam ang approach sa kanila ngayon kasi mga dalaga na.

“Noong mga bata sila, madali lang kasi lalambingin mo lang sila at bilhan mo lang ng candy, dalhin mo sa mall, okay na kayo.

“Kaya mabuti na lang at nandiyan ang misis ko para alamin ang mga activities nila.

“’Tsaka pasalamat din ako na kahit mga babae ang mga anak ko, very open sila sa akin. Wala silang tinatago sa akin."

AGREEMENT WITH ELDEST DAUGHTER. Malaking bagay na close siya sa mga anak.

“Yung panganay kong si Thalia, close pa rin kami hanggang ngayon at naglalambing pa rin sa akin ‘yan. Lahat ng mga nangyayari sa kanya ay kinukuwento niya sa akin.”

May maayos na usapan daw si Bayani at ang kanyang panganay tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend nito.

Dagdag pa ni Bayani, “May usapan naman kami ni Thalia na habang nag-aaral siya, hangga’t maaari ay huwag muna siyang maging seryoso sa pakikipag-boyfriend.

“Okay lang na may manligaw dahil hindi naman maiiwasan na may magkagusto sa kanya na lalake.

“Huwag naman sanang maging serious kasi gusto ko na isipin nila ang kinabukasan nila.

“Kapag tapos na sila at professionals na sila, yun na ang panahon na puwede ko na silang pabayaan na magkaroon ng lovelife.

“Sa awa naman ng Diyos, wala pa naman sa isip ni Thalia ang magkaroon ng boyfriend. Marami naman siyang mga friends na boys at kilala ko naman silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pangako naman ng anak ko na kapag may nanligaw sa kanya, malalaman ko raw agad,” ngiti pa ni Bayani.

Nami-miss na rin daw ni Bayani ang gumawa ng pelikula. Ang huli niyang nagawa ay ang El Presidente noong 2012.

Ngayong taon ay baka may magawa raw siyang pelikula at ipu-produce daw ito ni Sharon Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN