Wendell Ramos on lesson learned from Vhong Navarro mauling incident: “Mag-ingat ka lang.”

Wendell Ramos on lesson learned from Vhong Navarro mauling incident: “Mag-ingat ka lang, maging aware lang sa lugar na pupuntahan natin na hindi na safe ngayon. Whether may CCTV cam or kung ano pa man o kung gaano man kaayos yung lugar na pupuntahan mo, yun lang ang ano sa akin, yung awareness.”


Kahit na hanggang ngayon, marami pa rin daw ang nagkaka-crush sa 35-year-old actor na si Wendell Ramos.

Binanggit niya ito sa press conference ng Confessions of A Torpe, ang bagong tawaserye ng TV5 na magsisimula nang mapanood sa Lunes, March 3.

Pero bagamat nabansagan siyang “chick magnet” mula noon hanggang ngayon, inamin ng Kapatid hunk na natu-torpe rin daw siya paminsan-minsan.

“Well, normal yun, e.

“Normal sa mga lalaki na maging torpe, so it’s up to you kung papaano yung gagawin mo or kung papaano mape-penetrate at papaano mau-overcome ang pagiging torpe.

“Maybe, it comes from your friends or family or sa mga napapanood mo or whatever,” umpisa niyang kuwento.

DEFINING TORPE. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell noong presscon nila sa Oasis Garden sa Aurora Boulevard noong February 26, kung hindi ba niya pinagsisihang naging torpe siya at hindi siya nakapagtapat ng saloobin sa babaeng napupusuan?

Aniya, “Alam mo ang pagiging torpe, hindi lang dahil sa manliligaw ka.

“Let’s say if you wanna approach someone or gusto mong makipagkilala lang, gusto mong maging kaibigan yung girl dahil nagandahan ka, nagustuhan mo, pupuwedeng makakaramdam ka ng pagiging torpe no’n.”

Sa kaguwapuhan niya, nagiging torpe rin siya?

Natawa ito at saka sinabing, “Alam niyo, hindi ko kayo naiintindihan. Bakit ba hindi kailangang maging torpe?

“Kahit na ikaw ang pinaka-outstanding sa school or sa work, natural sa isang lalaki ang pagiging torpe.

“Yung iba siguro, kaya hindi nakakaramdam ng ganun is because na-overcome na nila or naging too much.

“Yung torpe kasi, natural sa ng tao at yun siguro ang maganda sa ugali ng mga Filipino kaya tayo tinawag na konserbatibo.

“Nagsimula rin sa mga babae kaya naging torpe ang mga lalaki noon,” pag-aanalisa niya.

GRATEFUL FOR TV5 SHOWS. Sa tawaserye ng TV5, siya raw ang bully at hindi siya ang may karakter na torpe talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang kanilang taping?

“Sobrang saya, totoo ang sinabi ni Ogie, ang magiging reklamo ko lang dito which is normal sa lahat ng artista, lahat ng nagtatrabaho, kapag inabot na ng late.

“Siyempre hindi rin gusto ng mga artista, mga director, lahat ng production, yun na lang.

“Pero aside from that, nai-ignore yun. Tulad nga ng sinabi ko, gusto ko ang buhay ko ngayon dahil meron akong trabaho.

“But this time, parang hindi ko lang gusto na meron akong trabaho dahil gusto ko lang ang mga trabaho ko.

“I feel so blessed,” pahayag niya.

ON OGIE’S TRANSFER TO TV5. Natapos na ang tatlong taong kontrata niya simula nang maging Kapatid siya mula sa pagiging Kapuso.

Pero muli siyang pumirma ng panibagong tatlong taong kontrata kaya nangangahulugang masaya siya bilang isang Kapatid.

“Oo, oo naman,” nakangiti niyang sabi.

“And aside from that, yung mga nakukuha kong show, yung mga kasama ko, sila Ogie [Alcasid], si Bayani [Agbayani], although ngayon ko lang siya nakasama sa show, pero good friend ko na si Bayani, yung mga humor nila nakakatawa.

“So Jojo A [Alejar], si Tita Pilits [Pilita Corrales] ngayon ko lang din naka-work.”

Papasok pa lang dawsa TV5 si Ogie, na nakasama niya nang matagal sa Bubble Gang ng GMA, nang mag-desisyon si Wendell na pumirmang muli ng kontrata sa network.

Dagdag na kuwento ni Wendell, “...yung una kong reaksiyon when I found out na si Ogie ay sigurado na...

"At first kasi, matunog pa lang ang balita. Pero noong malaman ko na si Ogie sigurado na, tinawagan ko siya at sabi niya, ’Wendell, magkikita na tayo diyan.’

“’Tapos, lumabas ang isyu na hindi na matutuloy. So ako naman, excited lang ako dahil siyempre, na-miss ko sila.

“Ang tagal kong nakasama at up to now, ngayon pa lang kami nakakapagbiruan nang todo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong pakiramdam na nakakapagbiruan silang muli? Nagkaroon ba ng ilangan?

“Hindi naman ilangan, pero hindi pa lumalabas ang natural na usapan. Hindi ko naman pinipilit pero ngayon, lumalabas na. Ang saya. Ganoon pa rin,” pakli niya.

CHICK BOY IMAGE. Matagal na rin sa showbiz si Wendell, pero siya ang tipo ng artista na nagagawang maging pribado pa rin ang ilang aspeto ng buhay niya, lalo na pagdating sa kanyang lovelife.

Napag-usapan na kung sakali at isasa-telebisyon ang buhay niya, iku-confess daw ba ni Wendell ang lahat sa buhay niya?

Sabi niya, “Hindi ko inisip. Parang dati, na-offeran yata ako, sa GMA, yung Magpakailanman, pero ayoko. Parang for me, hindi na proper. Siguro time will come, pero ngayon, artista pa ’ko.

“Although, siguro, lahat naman ng tao...”

May nagbiro kay Wendell na okay naman daw ang pagiging chick boy niya.

Pero natatawang sabi naman niya, “Okay ‘eto ha, maraming nagsasabi na chick boy raw ako. May nakita na ba kayong naintriga sa akin? Bakit sinasabing chick boy ako, may nakita na bang kasama ko sa party?

May nagbanggit naman kay Wendell ng pangalan ng ilang aktres, pero ayon sa kanya, “Mga kaibigan ko lang naman ang mga yun.

“Chick boy ba ’ko? Ganoon ba yung image ko?” balik-tanong niya sa mga showbiz writers nang nakangiti.

ON VHONG NAVARRO. Napag-usapan din ang nangyari kay Vhong Navarro kaya naitanong kay Wendell kung may mga pagkakataon ba noon na nasabit siya sa gulo dahil sa babae.

Sagot niya, “Wala naman, hopefully, huwag namang dumating sa mga ganun. Kahit hindi sa akin, kahit sa ibang mga...hindi lang sa mga artista kung hindi sa mga kabataan.

“Unang-una, ako, hindi ako ganoon ka-close kay Vhong, but there are some na nagsasabing dapat lang ‘yan, nagpupunta ka sa mga blah, blah, blah…whatever it is, para sa akin, masakit yun para sa mga anak niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naalarma rin ba siya na may ganoong pangyayari?

“Dahil may ganoong senaryo? Na iiwasan ko yung mga ganoon? Lahat naman tayo, e. Oo naman, siyempre. Hindi lang sa ganoong situwasyon.

“Hindi lang sa sitwasyon na kasi magpupunta ka sa bahay ng friend mo, kung hindi mag-ingat ka lang, maging aware lang sa lugar na pupuntahan natin na hindi na safe ngayon.

“Whether may CCTV cam or kung ano pa man o kung gaano man kaayos yung lugar na pupuntahan mo, yun lang ang ano sa akin, yung awareness.”

Hindi raw ba boring ang personal life niya?

“Hindi boring, masaya ang buhay ko,” paglinaw niya.

Dugtong pa ni Wendell, “Alam niyo, ang trabaho ko talaga, magpaunlak sa mga manonood, pero hindi pag-isipin at i-share ang buhay nang ganun lang.”

Ayaw niya na sine-share ang personal na buhay niya?

“Hindi, okay lang, pero hindi siguro lahat,” pagklaro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN