OPM President Ogie Alcasid clarifies their stand on foreign acts; says OPM concerts are still the biggest sellers

Ogie Alcasid on knowing that wife Regine Velasquez has settled issues with Gelli de Belen and Ariel Rivera, who was once linked to Regine: “Ang ganda, nakakatuwa. And ako, I’m very close to Ariel’s family.”


Walang duda na malaking bahagi ng puso ni Ogie ay nakalaan sa Original Pilipino Music (OPM).

Maraming naiisip na proyekto si Ogie para sa ikasusulong ng local singers at ng industriya sa kabuuan.

Kabilang na rito ang Ogie Cup, isang golf tournament na gaganapin sa March 10, sa Sta. Elena Country Club. Magiging fundraiser daw ito para sa OPM.

Magkakaroon din daw sila ng OPM Summit sa March 19 naman.

Ayon kay Ogie, nang makausap PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang Summit, lahat po ng stakeholder sa industry, mga recording artists, recording companies, mga retainers, lahat magtitipun-tipon and we will talk about the industry...

“What we can do, what is the present situation, how can we improve it, how do we bring back the glory days of OPM, what is OPM...

“So, it’s a day of all of us trying to define these things and come up with some recommendations.”



PUSHING OPM. Aminado si Ogie na mahirap, lalo pa nga’t non-government organization (NGO) ang OPM at dahil dito’y madalas silang nababatikos.

Sabi niya, “Hindi naiintindihan ng iba ang aming adhikain kaya minsan, nababatikos pa kami.

“But it comes with the territory, so we have to really condition yourself.

"In a way, you’re doing this for a good cause. So, ganoon talaga.”



OPM CONCERTS RULE. Kahit maraming foreign acts na nagpupunta sa bansa at nagku-concert, base raw sa report na nakukuha nila, pinakamalakas pa rin daw sa sales ang OPM concerts.

Sabi ni Ogie, “The biggest selling concerts are still OPM concerts, like with Regine [Velasquez]...

"Last year, I had a concert, yung kasabay ng kila Bamboo, and it did very well. Kasabay yun, ha?

“Wala naman kaming... we’re not against it [foreign concerts].

"As long as the promoter paid the necessary equity, wala namang problema yun, which they do, they comply.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And you have to think of it in a way na nandiyan na ‘yan at saka hinahanap ng mga tao ang concerts nila.

"And yun nga, I was told na biggest sellers are still the OPM concerts.”



INTERRELATED ADVOCACIES. Bilang isang TV5 talent sa loob ng kalahating taon, nakikita ba ni Ogie na mas malaki ang nagagawa ng pagiging Kapatid niya sa advocacies ng OPM?

Pahayag ni Ogie, “Hindi ko masabing mas malaki ang nagagawa ko, pero parang mas nagku-coincide sa ginagawa ko because TV5 also airs PhilPop.

"And my boss, MVP’s [Manny Pangilinan] very, very supportive with the music industry.

“Nagdya-jibe sa trabaho ko as OPM President.

“Hindi ako nahihirapang i-explain sa kanila na kailangan kong gawin ‘to and most of the new projects now.

“Like this year, we’re going to have the very first Filipino Music Awards, so that’s supported by MVP.

"Parang nagwu-work, nagku-compliment."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa pocket presscon ng TV5 rom-com series na Confessions of A Torpe sa RYU Ramen, sa Tomas Morato Ave., Quezon City, last week.



RISING UP TO THE CHALLENGE. Kumusta naman siya ngayon bilang isang Kapatid.

Ayon kay Ogie, “I’m very, very happy with everybody that I’m working with.

"I like the path that we’re all trying to go through together, trying to establish the network’s aim.

"As to what it wants to be, that remains to be seen.

“Hindi naman secret na we’re the third network, palaging behind sa ABS-CBN and GMA-7.

"And the challenge there is to establish, ano ba ang gusto mong ipakita sa audience?

“And that’s exciting for me, I like that. Maglalaro na ngayon ang utak mo, ‘di ba?

“Nandoon pa ang hunger ko at habang nandoon yun, ang sarap nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re a very young network. Hanga kami sa nagagawa ng ABS, GMA, but we’re trying to do something here that’s different from what they are doing.

“Like this primetime show nga that we’re doing is comedy. It’s a romantic-comedy which is every day.

“Nag-start sa Madame Chairman na ngayon, ‘eto naman sa Confessions… daragdagan pa namin.

"May konting drama rin, but it’s on the part of Gelli [de Belen].

"Meron ding konti sa akin, but it’s all comedy talaga.”



SURPRISE PROJECT. Itong Confessions of A Torpe na magsisimula ng umere sa March 3 tuwing 7:30 ng gabi, isa ba ito sa mga plinano niyang gagawing show sa TV5 nang lumipat siya?

Saad niya, “Well, it came as a surprise.

“Noong ipinakita sa akin noong nag-storycon ako, sabi ko, ’Okay ‘to, a!’

"Obviously, yung writing team, talagang nag-isip sila kung ano ba ang pupuwedeng gawin na babagay sa cast natin.”

Marami siyang creative inputs sa show?

“Kailangan, e, kailangan.

“Kapag hindi mo inalagaan yung project mo in a way na wala ka nang pakialam, yung tirahin mo na lang kung ano ang gusto nila, isinusulat nila, parang wala kang amor sa ginagawa.

“So, kami, every scene, pinag-uusapan namin.

"Hindi trabaho lang, we put every effort to each scene.”



MISSING BUBBLE GANG CAST. Hindi ba niya nami-miss ang mga ginagawa niya noon sa kanyang dating network, ang GMA?

“Well, siyempre, nami-miss ko si Bitoy [Michael V], nami-miss ko ang Bubble Gang.

"E, hindi puwede, e," tugon niya.

Napapanood pa rin ba niya ang Bubble Gang?

“Hindi, e, wala akong time, taping kami palagi,” pakli niya.

Aminado si Ogie na nalulungkot o nadi-disappoint din siya na pagdating sa rating. Madalas ay mababa talaga ang TV5 kumpara sa dalawang networks.

Sabi nga ni Ogie, “Siyempre, nakaka-disappoint, pero alangan namang magpaka-disappoint ka na lang, gawan mo ng paraan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita ba niyang bago magtapos ang taong ito o sa susunod na taon, nakakasabay na talaga sila?

“Hindi ko alam, ang audience ang makakapag-decide diyan.

"But what’s definite, yung output namin dito, todo kami,” pagmamalaki niya.



NEVER COURTED GELLI. Sa Confessions of A Torpe pa rin, hindi na bago para kina Ogie at Gelli ang magkasama sa isang show.

Bukod sa mga proyektong pinagsasamahan nila, magkaibigan talaga sila sa totoong buhay.

Ang alam namin noon, nag-attempt siyang manligaw kay Gelli. Pero, pareho nila itong itinanggi.

Sabi ni Ogie, “Alam niyo, ‘yang si Gelli, yung mga naging girlfriends ko dati, nagiging kaibigan niya.”

Ano ang nararamdaman niya ngayong maayos na ang lahat sa pagitan ng mag-asawang Gelli at Ariel Rivera at ng misis ni Ogie na si Regine Velasquez?

Sagot ni Ogie, “Ang ganda, nakakatuwa. And ako, I’m very close to Ariel’s family.”



CRUSH ON ALICE. Bukod kay Gelli, ang love interest niya sa show ay si Alice Dixson, na ibinuko ni Gelli na crush daw ni Ogie.

Sabi naman niya, “E, sino ba ang hindi nagka-crush kay Alice?

“Alam niyo, ’eto na lang, may pinapanood kami ni Regine noong isang araw, hindi ko alam kung ano ang title.

“May eksena dun na yung guy, hindi naman siya pogi, ’tapos yung girl, ang ganda-ganda.

"Maghihiwalay na sila, I think they are supposed to kiss each other in the cheeks, ang nangyari, biglang ganun-ganun... ’tapos bigla silang naglaplapan.

“Sabi ni Regine, ’Ang sweet, sana ganyan ang kiss niyo ni Alice.’ Sinabi niya talaga yun!” natatawa niyang kuwento.



IS REGINE THE JEALOUS TYPE? Nasabi ni Regine sa isang interview na hindi siya selos. Pero minsan, nasabihan daw niya si Ogie dahil napansin ni Regine na tila nagpi-flirt na ang mister sa babaeng kausap.

Paglilinaw naman ni Ogie, “Hindi, ang asawa ko, ganito ’yan...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siya, she’s not selosa at all. Pero kapag may sinabi siyang hindi na maganda ’yan, alam mo na ang ibig sabihin nun.

“Ang lalaki kasi, kapag inuunahan mo ng selos agad, ’Ano ’yan,’ ’Hindi, a!’

“Pero kapag, ’Wala ’yan, wala ’yan,’ hindi na maganda ’yan, ikaw naman, magmumukha ka nang ano nun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN