Empress Schuck on falling out with Kim Chiu: “Feeling ko, na-outgrow lang talaga namin ang isa’t isa...”

Empress Schuck on falling out with Kim Chiu: “Siguro, masasabi ko lang na na-outgrow na namin ang mga sarili namin. Para lang ’yang isang relationship, ’di ba? Parang magkasama kayo sa umpisa na habang tumatagal, nagiging ibang tao kayo. Hindi naman necessarily in a bad way, may good way din naman.”


Hindi ipinagkaila ni Empress Schuck na nalipasan na ng panahon ang pagiging magkaibigan nilang dalawa ni Kim Chiu. Pero hindi raw ibig sabihin nitong tuluyan na itong nawala.

Ang dalawa ay parehong bahagi ng magbabarkadang “ChiuRiGoGoBaShu,” na binubuo nina Kim Chui, Melissa Ricks, Erich Gonzales, Beauty Gonzales, Soraya Ray Banas (Kitkat), at si Empress, na nagkawatak-watak noong 2011.

Sinabi ni Kim sa isang TV interview na si Xian Lim ang itinuturing niyang best friend ngayon. Si Xian din ang nauugnay sa kanya romantically.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment media si Empress sa kanyang 21st birthday celebration noong Linggo, February 23, sa McDonald’s, Quezon Avenue, inalam namin sa kanya kung ano ang nagyari.

“Siguro, masasabi ko lang na na-outgrow na namin ang mga sarili namin,” kaswal na bungad ng birthday celebrator.

“Para lang ’yang isang relationship, ’di ba? Parang magkasama kayo sa umpisa na habang tumatagal, nagiging ibang tao kayo.

“Hindi naman necessarily in a bad way, may good way din naman.

“Meron namang nagse-separate kayo in good way dahil may gusto pala kayong gustong gawin.

“Parang nag-iba yung mga taong gusto mong samahan.

“May ibang gusto mo ang ugali.”

Dugtong pa niya, “Ganun naman talaga ’yan, e.

“May naririnig nga ako na every thing in five years, nagbabago talaga ang mga tao, nagbabago ang goals in life.

“So, feeling ko, na-outgrow lang talaga namin ang isa’t isa, yun.”

HAPPY FOR KIM. Pagkatapos daw nilang naghiwalay ng landas, ang naging kaibigan ni Kim ay si Maja Salvador, na nakaalitan ng chinita actress dahil kay Gerald Anderson.

“Siguro naman Kim learned her lesson," ani Empress, saka nito idinugtong na, “...masaya ako para sa kanya kasi, katulad nga niyan, mga bata pa kami na may decisions kami na kung anu-ano lang."

Ang tingin daw niya kay Kim, mas alam na raw nito ang gagawin tungkol sa pakikipag-kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, pare-parehas na kami may isip, alam na namin talaga kung ano ang totoong mundo na nangyayari.

“At para sa akin, nakikita ko na nakikita na talaga ni Kim kung ano ang dapat niya talagang makita.

“Masaya ako na nandun siya sa point na yun kasi there were times na talagang... kahit lahat naman ng tao, hindi lamang si Kim, na hindi alam kung ano ang desisyon.

“Hindi mo alam kung sino ka, kung sino ang mga kasama mo, at kung tama ba ang ipinapakita nila sa ’yo.

“At ngayon, andun na siya sa point na alam na niya kung sino ang dapat niyang samahan at ano ang desisyon niya para sa sarili niya.”

Dagdag pa niyang sabi tungkol sa nangyayari sa buhay ngayon ng kanyang kaibigan, “Masaya ako na okay siya ngayon, masaya siya.

“And why not? Kung si Xian ang itinuturing niyang friend, kung ganun talaga ang napi-feel niya na secure siya kay Xian e ’di good for her.”

PAST IS PAST.” "Sa tingin ba niya ay hindi na maibabalik ang dati nilang samahan?" tanong ng kasamahan sa panulat na si Melba Llanera.

Sagot ni Empress, “Okay kami. Okay kami ni Kim kahit sa ASAP.

“Never naman kaming nagkaroon ng issue, never kaming nagkaaway.

“Sa iba, honestly, halata naman na hindi siya [dating pagkakaibigan] ganun kaganda. I can’t talk about it. Past is past, isyu nila yun, e.

“With the others, okay naman ako, it’s just sad na hindi na katulad ng dati.”

Sa ibang miyembro ng dating grupo nila, ano ang naramdaman ng mga ito sa sinabi ni Kim tungkol sa kanyang itinuturing na kaibigan ngayon?

Aniya, “Wala na. Dedma na lang.

“Yun talaga ang ano niya e yung pakiramdam niya, gusto niya, buhay na niya yun, wala kaming kinalaman.

“Never na kaming...” bitin na pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN