Honesto child star Raikko Mateo accommodates fans who mob him

Raikko Mateo on being mobbed in the malls by eager fans wanting to take his picture: “Pinagbibigyan ko naman po sila. Kasi yun na po yung pagpapasalamat ko sa kanila sa panonood ng Honesto.”


Punumpuno ng katapatan ang mga salitang binigkas ng batang si Raikko Mateo tungkol sa saloobin niya sa nakatakdang pagwawakas ng primetime teleserye nitong Honesto sa ABS-CBN.

Nagsimulang umere ang drama series noong October 2013 at magtatapos ito sa March 14.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Raikko sa finale presscon ng Honesto—kasama ang dalawa pang bida na sina Cristine Reyes at Paulo Avelino—noong February 28, sa ELJ Building sa ABS-CBN compound.

Unang inalam ng PEP kung ramdam na ba niya na sikat na sikat na siya bilang isang batang artista.

Sagot ni Raikko, “Masaya po ako na nakikita ko na ang sarili ko sa TV.

“’Pag pumunta po ako ng mall, nagpapa-picture po sila lahat sa akin.

“Minsan nga po, ’pag pumunta kami sa mall, pinagkakaguluhan po ako.”

Ano naman ang ginagawa niya kapag pinagkakaguluhan siya? Natatakot ba siya o mas lalo pa niyang ini-enjoy ang pagbabagong ito sa kanyang buhay?

Aniya, “Pinagbibigyan ko naman po sila

“Kasi yun na po yung pagpapasalamat ko sa kanila sa panonood ng Honesto.”

Hindi maikakailang kumikita na si Raikko sa murang edad niyang limang taon.

Meron ba siyang hiniling na bilhin mula sa kanyang mga kinikita?

“Wala po,” sagot niya.

Pero maaaring iniipon lang daw ito ng kanyang mga magulang para sa kanyang kinabukasan.

Pagkatapos nito ay inalam namin kung ano ang wish niya kapag nagwakas na ang kanyang teleserye.

Walang kagatul-gatol na pahayag ng child star, “Gusto ko pa pong magkaroon ng isa pang show.”

NEW SHOW. Sa puntong ito ay tiniyak naman ni Biboy Arboleda, AdProm Manager ng Dreamscape na siyang nag-produce ng Honesto, na mayroon kaagad kasunod na proyekto ang kanilang pambatong child star.

Pagpapatunay ni Biboy, “Ang next show po ni Raikko ay Wansapanataym.

“This Saturday [March 1] ay maglu-launch kami ng new episode ng Wansapanataym.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That will run for four to five weeks, then afterwards, Raikko takes over.

“Then, after that, may niluluto ang ABS-CBN at Dreamscape na isang teleserye... maganda din po ang niluluto at binibigyan namin ng puwang at tamang panahon para dito.

“Na-realize po ng ABS-CBN at Dreamscape na may power at potential ang isang teleserye kapag nakasentro tayo sa sa market ng mga bata.

“So try to imagine kung ano ang susunod na proyektong coming soon.”

HONEST IN REAL LIFE. Naitanong din ng PEP kay Raikko na mula nang magkaroon siya ng sariling pag-iisip, kung hindi ba siya nagsinungaling sa kanyang mga kaibigan o mga magulang.

“Opo,” maikli niyang sagot.

Never ba siyang napalo ng kanyang mga magulang?

“Opo,” muli niyang sagot.

Talaga nga bang mabait siyang bata sa simula’t simula?

“Opo,” sagot niya ulit.

Pagkatapos nito ay inalam sa kanya kung na-meet na niya sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat na sikat ding child stars ng Kapamilya network.

“Opo, kilala ko po silang lahat,” muli niyang sabi.

Ano ang pakiramdam niya na halos kasing-sikat na rin siya ng mga ito?

Matagal na nag-isip si Raikko sabay sabing, “A, gusto ko pa pong makita sila.”

ADMIRES BUGOY. Sino naman ang idolo niya sa mga batang artista at gusto niyang tularan habang tumatagal siya sa showbiz.

Mabilis niyang sagot, “Si Bugoy [Cariño] po.”

Si Bugoy ang grand winner sa Star Circle Kid Quest noong 2009.

Pagkatapos nito ay hinilingan siyang magbigay ng sample dance moves ni Bugoy, na kanya namang ginagawa at ikinatuwa ng mga taong present sa presscon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN