Cristine Reyes admits being courted by Gilas Pilipinas cager Kevin Alas

Cristine Reyes traces her rebellious nature to her formative years when she grew up under the care of her foster family: “Ayoko sanang pag-usapan, ayokong ma-hurt ang mga totoong magulang ko. Ayokong i-tackle siya kasi ayokong ma-hurt ang mommy ko. Feeling ko, dahil nga dun sa nangyari nung childhood ko, naghahanap ako ng love ng family.”


Sa kabila ng pagsasabi na binibigyan niya ang sarili ng isa hanggang dalawang taon na i-enjoy ang pagiging single, may mga nanliligaw pa rin sa aktres na si Cristine Reyes.

Isa na rito ang miyembro ng Gilas Pilipinas, ang national basketball team, na si Kevin Alas.

Pagkumpirma ni Cristine, “Si Kevin, siguro kasi right now, baka ngayong time na ito, ganun na ang panliligaw.

“Kasi, ’di ba, ang usual ligaw, pupunta sa bahay? Naabutan ko pa kasi yun, yung pupunta sa bahay.

“Laging nagte-text. Sabi ko nga, tanggapin na natin, wala na yatang ganun ’ata. ’Di pa siya nakakapunta sa bahay.

“Niyayaya niya ako mag-watch ng PBA, pero papasok pa lang siya ng PBA.

"Bata pa siya, e. Twenty-five ako, siya 23."

Patuloy niya, “Alam mo, nakilala ko lang siya sa Instagram.

"Kasi palagi siyang nagku-comment sa Instagram, ’tapos lagi siyang nagse-send sa akin ng pictures.

“Pinakilala siya sa akin ni Vice [Ganda], e. Pinapanood niya ang Honesto.

“Nakyukutan ako sa kanya lalo na pag nakikita ko yung mga posts niya, lagi niyang kasama yung little brother niya.

"Weakness ko kasi yung mabait sa mga bata."

Nakausap ng PEP. (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa finale presscon ng Honesto noong Biyernes, February 28, sa Chronicle lounge ng 9501 resto sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

WAIT AND SEE. May pag-asa ba si Kevin sa kanya?

Sagot ni Cristine, “Feeling ko mayroon, kasi mabait siya.

"Pero ’di ko sinasabing pag-asa na magiging boyfriend ko na agad.

“Kumbaga, yung qualities niya ay puwede.

"Kasi nakikita ko na mabait siya, nakikita ko na totoo siyang tao.

“Maghintay siya, pero sabi ko nga, ’di mo masasabi kung darating.

"Malay mo may dumating at bigla akong ma-in love, ’di ba?”

Para sa aktres, parehong may advantage ang pagiging single at may karelasyon.

“Actually, parehong masaya.

"Pag single ka, hawak mo ang time mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya rin ang may partner kasi may inspirasyon ka.

“Ngayon, ang daming work, saan ko isisingit?

"Unless yung manliligaw or whatever, siya ang gagawa ng way para makasama ako,” saad niya.

BAD-GIRL IMAGE. Bad-girl image ang naikabit noon kay Cristine kung ang pagbabasehan ay ang mga negatibong isyu na kinasangkutan ng aktres.

Noong nakaraang taon lamang natuldukan nang tuluyan ang away nila ng kapatid na si Ara Mina, at marami ang natuwa nang maayos ang hidwaan na nauwi pa nga noon sa demandahan.

Ayon kay Cristine, ang pinagmulan ng kanyang pagrerebelde ay ang paglaki niya sa hindi mga tunay na magulang.

Kuwento niya, “Ayoko sanang pag-usapan, ayokong ma-hurt ang mga totoong magulang ko.

"Ayokong i-tackle siya kasi ayokong ma-hurt ang mommy ko.

“Pareho kong sinusuportahan. Hindi ako open about it.

"Kaya sabi ko kanina, napag-usapan lang naman, tinanong lang kasi.

“Feeling ko, dahil nga dun sa nangyari nung childhood ko, naghahanap ako ng love ng family.

“Now I have two families at lahat ng pamilya ng mga kaibigan ko, pamilya na rin ang turing sa akin.

"Talagang pag may naging kaibigan ako, nagiging parang pamilya na rin ako ng pamilya nila.”

CRISTINE THE REBEL. Naikuwento ni Cristine na lumaki talaga siyang pasaway at sakit ng ulo noon kung saan laman siya lagi ng guidance office dahil sa mga kalokohang nagawa.

Hindi rin naging maganda ang relasyon niya sa kanyang mga kapatid, pero ngayon ay naayos na ang lahat.

Patuloy pa niya, “Oo, nagkaroon ng ganun. Lagi akong nasa discipline office sa school, kaya pasaway talaga ako, hindi ko dine-deny yun.

"Before mga prep pa, lumipat na ako sa Provident, prep ako.

“Nung final na nagkabati na kami ni Ate... ’Di ba, away-away kami dati kasi nga rebelde talaga ako?

"Last year lang, ang dami ko pa talagang angst nun, sa ginawa sa akin nung bata ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tahimik lang ako sa bahay, malayo loob ko sa kanila. ’Di ko talaga sila nakakausap sa bahay, tahimik lang ako.

“Marami kasi, at least kumpleto na kami, sobrang happy ako nung birthday ko.

"Last year Boracay, lahat, nandun sila Ate.

"Pero right now, I feel complete. Katas yun ng trabaho ko.

“Wala na talaga [angst], kung mayroon man, mga little stuff na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN