Nadine Lustre downplays resemblance with Kathryn Bernardo

Though flattered, Nadine Lustre admits she’s making an effort to look different from Kathryn Bernardo: “Nag-usap naman kami ng stylist at nagpaiba-iba na kami ng makeup at hairstyle para lang hindi ako masabihan na ginagaya ang hitsura ni Kathryn. Pero proud po ako na masabihan na kahawig ni Kathryn kasi sikat na sikat siya talaga.”


Marami ang nakakapansin na malaki ang pagkakahawig ng Diary ng Panget: The Movie star na si Nadine Lustre sa ABS-CBN teen star na si Kathryn Bernardo.

Noon pa raw siya sinasabihan na kahawig niya ang ka-loveteam ni Daniel Padilla, kaya ginawa na raw ng nagma-manage sa kanyang Viva Artists Agency ang lahat ng paraan para hindi maikumpara si Nadine kay Kathryn.

“Nag-usap naman kami ng stylist at nagpaiba-iba na kami ng makeup at hairstyle para lang hindi ako masabihan na ginagaya ang hitsura ni Kathryn,” lahad ng dalaga.

“Pero proud po ako na masabihan na kahawig ni Kathryn kasi sikat na sikat siya talaga.

“Isa nga po ako sa humahanga kay Kathryn at sana yung mga fans nila ni Daniel ay huwag magalit sa akin kasi ito na po talaga ang hitsura ko noon pa.”

BIG BREAK. Maituturing na big break para sa Viva Films young star ang pagiging bida sa pagsasapelikula ng Diary ng Panget, isang best-selling teen novel na nagsimula sa Wattpad.com.

Ito ay sinulat ni Denny a.k.a. HaveYouSeenThisGirl na nagsimula noong 2011 at nakakuha ito ng 12 million reads.

Nang gawing paperback series ang Diary ng Panget, naging best-seller ito noong 2013.

Si Nadine ang gaganap sa lead role bilang Eya Rodriguez, isang pangkaraniwang teenager na pinapangarap na makilala ang kanyang magiging "Prince Charming" sa kabila ng kanyang kakaibang pisikal na kaanyuhan.

HANDPICKED FOR ROLE. Hindi raw in-expect ni Nadine na siya ang mapipiling bida sa Diary ng Panget: The Movie dahil marami raw silang nag-audition para sa role na ito.

Kuwento niya, “Si Ate Denny po mismo ang pumili sa akin.

“Sabi po niya, sa akin daw niya nakita ang pagkakasulat niya ng character ni Eya. Hindi raw sa physical kundi yung pagkatao ni Eya.

“Nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap ni Ate Denny at mas nakilala niya po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pareho raw kami ng character niyang si Eya na simple, dreamer, bubbly, at confident.

“Kaya natuwa po siya na mabubuhay si Eya sa big screen through me,” masayang kuwento ni Nadine nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Diary ng Panget: The Movie sa The Library Metrowalk kamakailan.

BEGINNINGS. Nagsimula si Nadine bilang miyembro ng all-girl group na Pop Girls na nagpe-perform noon sa SOP at Party Pilipinas.

Noong ma-disband ang Pop Girls, kinuha ng Viva Artists Agency si Nadine para i-build up bilang isang teen star at lumabas siya sa mga pelikulang Petrang Kabayo ni Vice Ganda at Who’s That Girl ni Anne Curtis.

Isa rin si Nadine sa mga naging bida sa teen series na Bagets ng TV5 at sa teleserye na P.S. I Love You. Ipinareha siya kay AJ Muhlach.

Lumabas din siya sa shows na Hey, It’s Saberdey at Sunday Funday sa TV5; Luv U ng ABS-CBN 2; at sa Wapak at Especially 4 U ng Viva Channel.

“Happy po ako dahil ito na nga yung big break na matagal ko nang hinihintay," saad ni Nadine.

“Tamang-tama lang ang pagdating ng Diary ng Panget dahil I just turned 20 last year at ready na nga raw ako para sa mga ganitong mga teen romance roles.

“Promise ko naman sa kanila, especially sa mga taga-Viva, that I will do my best para patunayan na hindi sila nagkamali sa pagpili sa akin,” ngiti pa ni Nadine.

CO-STARS. Sa Diary ng Panget ay itatambal si Nadine kina Andre Paras and James Reid.

Sabi pa niya, “Andre will play Chad Jimenez. Siya yung unang guy na nagkaroon ako ng crush pero in love siya sa iba, kay Lori [played by Yassi Pressman].

“Si James naman ay si Cross Sandford. Siya yung mayabang, arogante pero guwapo na pinagsisilbihan ko. Siya yung nagkalat sa campus na girlfriend niya ako para pagselosin ang ex-girlfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parehong masayang katrabaho sila Andre at James. Naging very close na nga kaming lahat sa set.

“At nakakatuwa ang mga scenes namin dito sa movie.

“Kaya para sa mga nagbasa at nag-aabang sa mga adventures at misadventures ni Eya, abangan nila ang movie version ng Diary ng Panget this coming April.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN