Wally Bayola’s wife stands by the comedian’s side amidst video scandal

Riza Ruen Bayola on husband Wally Bayola’s infidelity: "Sa totoo? Naawa din ako sa babae, e. Sabi nga nila, parang kakaiba raw ako. Hindi, e, kawawa, e... kawawa. Siya yung sobrang na-expose. Though parehas sila, kasalanan nila, parehas silang may kasalanan. Kaya lang, ang iniisip ko na lang, kung ano din yung nararamdaman namin, siguro ganun din yung naramdaman nung babae."


Sa kabila ng mga pinagdaanang eskandalo ng komedyanteng si Wallly Bayola ay hindi nawala sa tabi nito ang kanyang asawa na si Riza Ruen Bayola.

“Ganun talaga pag pamilya yata, e. Kailangan ganun kayo ka-intact.

"Ganun, sama-sama kayo, sa hirap at ginhawa, kumbaga.

“Dapat ganun,” pahayag ni Riza sa phone interview sa kanya ng StarTalk na inere kaninang hapon, March 2.

Si Riza ay isang registered nurse at nagtatrabaho bilang cashier at encoder sa comedy bar na pinagtatrabahuhan ni Wally, ang Zirkoh.

Dahil madalas kasama ni Wally, na-expose na rin si Riza sa buhay-showbiz.

SHE KNEW ABOUT WALLY & YOSH. Ayon kay Riza, matagal na niyang alam ang tungkol sa relasyon ni Wally at ng dating EB Babes dancer na si Yosh Rivera.

Kaya nang pumutok ang eskandalong kinasasangkutan ng asawa, hindi na raw siya nagulat.

Saad niya, “Matagal na kasi yung video na yun, kaya nung nakita ko, siyempre kahit naman sino yata na asawa, masasaktan.

“Sa totoo? Naawa din ako sa babae, e.

"Sabi nga nila, parang kakaiba raw ako.

"Hindi, e, kawawa, e... kawawa. Siya yung sobrang na-expose.

“Though parehas sila, kasalanan nila, parehas silang may kasalanan.

"Kaya lang, ang iniisip ko na lang, kung ano din yung nararamdaman namin, siguro ganun din yung naramdaman nung babae.

"’Tsaka ganun din yata ang naramdaman siyempre nung pamilya.

“So, ano, e, kawawa din, kawawa din."

Patuloy ni Riza, “Nakausap ko din kasi yung babae, nagkausap na din kami bago pa yung nangyari, nakausap ko na siya.

"Pinangaralan ko siya.

"Sabi ko, family man si Wally, alam naman niya siguro sa umpisa pa lang.

“Sabi ko sa kanya, bata pa siya, maganda, maraming-marami pang manliligaw, sabi ko pa nga sa kanya.

“Hindi ko siya inaway na ano, e, pinangaralan ko siya.

"Kahit sigurong asawa ganun yung sasabihin, ‘Hiwalayan mo yung asawa ko kasi pamilyadong tao yun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-sorry siya. Umiiyak nga siya nung nag-sorry siya... kaya nga hindi ko inaway.”

SUPPORT FOR WALLY. Naging mahinahon si Riza sa pakikipag-usap kay Wally at sa babae nito, na kapwa naman daw umamin sa kanilang pagkakamali.

Ang akala niya, tuluyan nang babalik sa normal ang buhay nilang mag-asawa.

Hanggang sa pumutok na nga ang isang pagsubok sa kanilang katatagan—ang pagkalat ng sex video nina Wally at Yosh.

Lahad ni Riza, “Nung time na yun, hindi siya [Wally] lumalabas ng kuwarto, umiiyak talaga siya.

“So, sino ba naman ako? Tao lang din ako para hindi maramdaman yung nararamdaman niya.

"Naawa ako, sobra.

“Talagang sinabi niya, gusto na lang daw niyang, iyon nga, sabi niya, ‘Parang gusto ko na lang mawala, mamatay!’

“Parang ganun. Sa sobrang kahihiyan.

“Siyempre, pinangaralan ko siya, ganun.

"Pero ang ano ko sa kanya, huwag siyang bibigay.

"Kasi talagang, sabi ko sa kanya, ‘Andiyan ang mga anak mo, nandito kami para sumuporta sa ’yo.’

“Iyon yung sinabi ko din sa mga anak ko, na sa time na ganun, na sobrang down si Papa nila, sabi ko, sa amin din siya kukuha ng lakas.”

Napatawad na ba ni Riza si Wally at ang babaeng naugnay dito?

Tugon niya, “Actually, matagal na.

"Matagal ko na silang napatawad, bago pa man yun lumabas, yung video na yun.

“Sa akin kasi, hindi naman masamang tao si Wally talaga.

“Mabait siya, mabait siya.

"Nagkataon lang na siguro, iyon nga, yung weakness niyang yun, iyon lang dapat siguro yung nakontrol niya.

“Yung kahinaan niya, yung weakness, so natukso siya.

“Kailangan lang talagang bigyan ng chance, kailangan lang siguro silang bigyan ng chance.

"Iyon lang siguro yung kailangan nila para ma-realize nila na ganun, iyon ang kailangan nila.”

May mensahe rin si Riza para sa kanyang asawa:

“Kahit anong mangyari, nandito lang kami ng mga anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We will support him all the way.

"Mahal namin siya kahit sino pa man, kahit ano pa man siya, mahal namin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN