Alice Dixson to Anne Curtis playing Dyesebel: “Have fun, enjoy the experience.”

Ayon kay Alice Dixson, may posibilidad na makatapat ng TV5 project niyang Confessions of a Torpe at ang Dyesebel ng ABS-CBN na parehong magsisimula ngayong Marso. Nagkataong ginampanan dati ni Alice ang iconic role noong 1990 sa isang pelikula, na ngayo’y gagampanan naman ni Anne Curtis.


Malaking adjustment daw para kay Alice Dixson ang pinakabago niyang project sa TV5 na Confessions of a Torpe na isang comedy series.

Bago ito, sunud-sunod ang mga drama series ng actress sa Kapatid Network: Babaeng Hampaslupa (2011), Glamorosa (2011), Isang Dakot na Luha (2012), Never Say Goodbye (2013), at For Love or Money (2013).

Matagal-tagal na rin kasi nang huli siyang gumawa ng comedy, sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa Panagbenga Festival program ng TV5 sa Baguio City, noong March 2, Linggo.

Ito ay ang Okay Ka, Fairy Ko ng GMA-7 noong 1987-1991.

Sa Confessions of a Torpe, makakasama ni Alice sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Mark Neumann, Albie Casiño, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, at marami pang iba.

ON DYESEBEL. Sinabi rin ni Alice na may posibilidad daw na makatapat ng Confessions of a Torpe ang upcoming fantaserye ng Dos, ang Dyesebel na pagbibidahan ni Anne Curtis.

Ginampanan ni Alice ang iconic role noong 1990 sa isang pelikula na lalong na nagpasikat sa aktres.

Tanong ng PEP kay Alice, ano ang masasabi niya na si Anne Curtis na ang susunod na magsusuot ng buntot para sa papel ni Dyesebel?

“Actually, Anne is a very beautiful girl.

“Dyesebel is a great role to play.

“I can only tell her enjoy... Enjoy it.

“For me, Dyesebel was one of my most memorable roles and it made me [a star].

“So I think that’s all she can do, [to] have fun with the role and enjoy the experience.”

ON ANNE CURTIS. Nagkatrabaho na rin daw sila ni Anne noon sa GMA Network.

“Nakasama ko siya sa GMA before.

“She played my daughter in Ang Iibigan Ay Ikaw [2002] directed by Joyce Bernal.

“Nakasama ko do’n si Richard Gomez and Lani Mercado.

“She [Anne] and Angel Locsin, both of them, played my daughters.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan pa ni Alice kay Anne, “I remember her to be very outspoken, very cute, very popular already, as she was starting.

“You knew naman... you could tell she would go a long way.”

FLEXIBLE. Hanggang Disyembre pa raw ang kontrata ni Alice sa Kapatid Network, pero aniya, pinapayagan siya ng nasabing network na gumawa ng iba pang proyekto sa ibang TV networks hangga’t hindi ito nagko-conflict sa mga proyekto niya sa TV5.

Sa katunayan, nakagawa pa nga siya ng mga pelikula kagaya ng Just One Summer (2012) at When the Love is Gone (2013) na mula sa magkaibang production outfits.

“If there are special projects, I [take a] look at them.

“If I like them, pinapaalam ko sa TV5.

“If there is no reason to withhold permission, they will allow me,” sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN