Albie Casiño says he has been single for eight months: "Honestly, ngayon wala talaga akong time."

Albie Casiño is letting his lovelife slide at the moment because he hasn’t got the time: “Shooting for Confessions of a Torpe, and I’m in school, ’tapos ngayon nadagdag pa yung gym."


Walong buwan nang single si Albie Casiño simula nang magkahiwalay sila ng dating girlfriend na si Dawn Jimenez (dating Dawn Balayot), isang aspiring actress at nakapareha ni Albie sa 2012 indie movie na The Animals.

Si Dawn ay ang nakilalang sumunod na girlfriend ni Albie mula nang maghiwalay ang aktor at ang dating kasintahang si Andi Eigenmann.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie sa press conference ng upcoming TV5 tawa-serye na Confessions of a Torpe na ginanap sa Mario’s Restaurant sa Baguio City, Linggo, March 2.

NO TIME. “What went wrong?” usisa namin kay Albie kung bakit nagkahiwalay sila ni Dawn.

“Nothing naman,” pa-safe na sagot ng Kapatid actor.

“Sa akin naman hindi naman kailangan something to go wrong to end a relationship.

“Parang nagtsi-change lang yung tao, so something like that.”

Siya ba ang nagbago o si Dawn?

“Hindi naman, it’s just [that] mali yung timing.

“Marami kasing variables why it wasn’t a successful relationship.

“Shooting for Confessions of a Torpe, and I’m in school, ’tapos ngayon nadagdag pa yung gym.

“Honestly, ngayon wala talaga akong time,” pag-amin niya.

Sinabi ni Albie na siya ang nakipagkalas at tinanggap naman daw ito ni Dawn.

“Okey naman, in-explain ko rin naman sa kanya, natanggap naman din niya.

“She’s doing [some] stuff also.”

Aniya, wala rin daw siyang bagong idini-date ngayon.

“Wala talaga akong time.

“I really wish I could pero as much as possible yung free time ko, with family."

Kung mayroon mang matira sa oras niya, dun lang daw sila nagkikita ng mga friends niya.

Pagpapatuloy niya, “Hindi sa club, I really don’t have time to go out.

“Gusto ko nakakapag-usap kami, matagal kaming ’di nagsasama.”



HAPPY FOR KATHRYN AND DANIEL. Natanong din kay Albie kung ano ang masasabi niya na ang kanyang mga kasabayan dati na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay namamayagpag ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago si Daniel, unang naging leading man ni Kathryn si Albie sa teleseryeng Mara Clara (2010).

“It’s good for them, I’m happy for them,” sagot ni Albie.

“I know Kath’s birthday is coming up soon, March [26] debut niya.

“Recently, she told me about the birthday, about the debut.”

Kinumpirma niya na inimbitahan siya ni Kathryn sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Depende pa raw sa trabaho niya kung makakapunta siya.

“If I have no taping or anything, I will be there.

“I was there for Julia’s [Montes] debut, why wouldn’t I be there for Kath?

SCHOOL AND SHOWBIZ. Bukod sa Confessions of a Torpe na pinagbibidahan din nina Ogie Alcasid, Alice Dixson, Mark Neumann, at Gelli de Belen, isa pang pinagkakaabalahan ni Albie ay ang kanyang pag-aaral.

Sophomore student ang binata sa College of Saint Benilde sa Taft Avenue, Manila, at kumukuha ng kursong Export Management.

Hindi raw nanghihinayang si Albie kung hindi man siya ang lead sa bagong comedy series niya sa Kapatid Network dahil hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang pag-aaral.

Desidido siyang tapusin ang pag-aaral kahit na nagso-showbiz siya.

Kung tatanggap man daw siya ng acting project gaya ng pelikula, depende ito sa luwag ng kanyang schedule.

“I’m trying to limit myself to one project at a time because of my school nga.

"So, maybe, if I’m not doing anything after Confessions of a Torpe, if I like the script enough, why not, ’di ba?"

Ano ba ang long-term goal niya sa showbiz?

“As of now, gusto ko lang talaga to finish my school and figure everything out after that, yun ang pina-prioritize ko talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN