Alden Richards overawed by Superstar Nora Aunor: "Parang naka-jackpot ako!"

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

Nasa listahan na raw ni Alden Richards ang short film na pinagsamahan nila ng Superstar na si Nora Aunor, ang Kinabukasan, bilang "pinaka-remarkable at pinaka-memorable na hinding hindi ko makakalimutan sa lahat" ng pelikula at teleseryeng nagawa niya.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng Kapuso young actor na si Alden Richards ang pagkakataong makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Ito ay sa pamamagitan ng isang short film para sa Cinemalaya, ang Kinabukasan, na idinirehe ni Adolf Alix Jr.

Sabi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Parang naka-jackpot ako

"Isang malaking karangalan sa akin na makasama siya at makaeksena."

Nakausap ng PEP sa backstage ng #Fearless concert ni Jonalyn Viray noong Byernes, February 28, sa Music Museum.

Ayon pa kay Alden, hindi makikita kay Nora na Superstar siya kapag katrabaho ito.

"Sobrang bait niya sa aming lahat at sobrang down to earth.

“Noon pa man nakakarinig na ako na si Ate Guy ay mabait, very professional, at saka napakahusay.

“Sabi nga niya, instant anak na daw niya ako.

"Nakakataba ng puso na anak ang turing niya sa akin.

“Kumbaga, nagustuhan niya yung outcome nung project na ginawa namin.

“So, happy ako, kasi maganda yung resulta nung pagsasama namin sa proyektong ito."

PREPARING FOR THE SCENE. Pinayuhan ba si Alden ni Ate Guy tungkol sa pag-arte?

Tugon ng young actor, “Wala naman po, nag-prepare lang talaga ako nang todo.

“Nag-effort talaga ako, binasa ko yung script nang paulit-ulit at inilagay ko sa sarili ko yung character.

“Ate Guy is Ate Guy, Superstar ’yan, so kailangan maging magaling din ako kahit papa’no.

“Yung bottomline, wala pang artistang nakarating sa narating ni Ate Guy, so flattered talaga ako na makasama siya.

“Para akong nabiyayaan ng proyekto.

“Laking tulong ito, sana lang magustuhan nila yung proyekto naming ito ni Ate Guy, kasama din si Ms. Rosanna Roces."

SLEEPLESS. Diretso raw si Alden mula sa taping ng GMA primetime series na Carmela kaya wala raw siyang tulog noong shooting ng eksena nila ni Nora.

Aniya, "Hindi rin naman ako makatulog kasi excited ako na makatrabaho ang nag-iisang Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kahit walang tulog, nag-shooting ako.

“’Tsaka ayokong ma-late kasi si Ate Guy yung makakaeksena ko.

"Ayoko rin talagang ma-late sa mga trabahong ginagawa ko, kailangan professional."

Ano ang pakiramdam nung unang makaeksena niya ang Superstar?

“Ay, nakaka-distract yung kaba!

"Siyempre Superstar yung kaeksena mo, first time pa.

"Pinipilit kong i-overcome, ang hirap naman na magka-cut yung director dahil hindi ako maka-deliver dahil sa kaba."

Naramdaman ba ni Nora na kinakabahan siya, at kinausap ba siya nito?

Sabi ni Alden, “Hindi naman, basta after take, napapangiti siya."

LOSING PATRONAGE. Kuwento pa ng Kapuso star, "very bubbly" si Ate Guy sa set at makuwento kapag break nila.

"Kinukuwento niya noong tinatangkilik ng mga Pilipino ang gawang Pilipino, yung mga soaps, yung mga pelikula.

"Sabi niya, ang laki na daw ng ibinaba ng showbiz industry ngayon.

“Siguro disappointed lang si Ate Guy na mas sinusuportahan at pinapanood na ng mga Pilipino yung mga foreign films kaysa sa Tagalog films.

“Sinabi ko kay Ate Guy na nararamdaman ko din yun…

"Hindi ganun kasuporta o ganun ka-solid ang mga Pinoy sa mga pelikulang Pilipino."

TIPS FROM SUPERSTAR. Hiningan daw ni Alden ng feedback tungkol sa acting niya ang Superstar.

"Nagtanong ako sa kanya kung kamusta ang bato ko ng linya.

"Sinagot naman niya ng okey lang, ganun lang naman yun sa umpisa.

"Tinanong ko nga siya kung ano’ng iniisip niya pag umaarte.

"Sabi niya, wala daw, inaalam lang niya yung character na ginagampanan niya at inaaral niya ang mga linya.

“Kailangan daw natural lang ang pag-arte.

"Kaya nga nang kaeksena ko siya, natural na natural siyang umarte, nakakabilib.

"Nakaka-starstruck ang galing niya. Alam mo yung mga simpleng bato niya ng linya, may marka.

"Ang galing niya mag-deliver ng lines, madadala ka.

“Yung nag-iyakan kaming dalawa, nadala ako sa galing niyang umiyak.

“Hinding-hindi ko makakalimutan yung eksenang yun, kasi after the take, umiiyak pa rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng eksena niya, markado.

"Sana makatrabaho ko siya ulit."

MEMORABLE. Nasa listahan na raw ni Alden ang short film na pinagsamahan nila ni Ate Guy bilang "pinaka-remarkable at pinaka-memorable na hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat."

Dagdag pa niya, “Akala ko matagal ko pa siyang makakatrabaho.

"Parang yung Carmela, hindi ko akalain na makakapareha ko si Marian [Rivera] nang ganito kabilis.

“Biruin mo, three years and three months pa lang ako sa industriya, naka-partner ko na ang dalawang reyna—si Marian at ngayon nga si Ate Guy.

“So, parang bonus talaga.

"Isang malaking biyaya ang pagkabigay sa akin ng proyekto na kasama si Ate Guy."

May mga artista pa bang gusto niyang makatrabaho at kukumpleto ng pagiging kctor niya?

Sagot ni Alden, “Marami pa, si Ate Vi [Vilma Santos], si John Lloyd Cruz, Anne Curtis...

"Siguro lahat ng mga veterans stars, gusto ko makatrabaho.

"Si Tito Eddie [Garcia] nakasama ko na siya, pero maikling pagsasama lang.

"Sana mabigyan kami nung proyekto na medyo intense yung acting, kasi marami pa akong matututunan sa kanya pagdating sa pag-arte.

“Nasusubukan kasi yung pagiging actor ko kapag yung mga nakakatrabaho ko e yung mga experienced actors.

"Masarap silang katrabaho kasi madadala ka sa kanila, like si Ate Guy.

“Andami kong natututunan. Kahit hindi nila ako pinapayuhan, I observe them.

"Marami na akong nakukuhang pointers para sa acting."

ON SUCCESS. Nasa kasikatan ngayon si Alden at sabi niya, hindi siya binabago nito.

“Hindi naman, puwede kasi na yun ang huli kong project kung hindi ko gagalingan.

"Iniingatan ko lang talaga yung mga projects na ibinibigay sa akin.

"Wala pong small projects sa akin. And I treat each project na last ko na para mas galingan ko.

“Mas maganda nga raw makipag-compete ka sa sarili mo kaysa sa ibang artista.

“Pag kinalaban mo ang sarili mo, you will become better every time na may project na ibibigay sa ’yo," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dream roles?

Sagot ni Alden, “Ang dami pa, like bading, baliw…

"Siguro mas maganda na bigyan ako ng role na baliw na bading, very challenging yun.

"So far, medyo nakakarami na tayo sa roles, siguro more out of the box."

Hindi rin nagbabago kay Alden ang pag-alay niya sa yumaong ina at sa kanyang pamilya ng mga magagandang natamo niya sa showbiz.

“Sa mom ko pa rin, hindi nagbabago yun, sa family, sa mga taong sumusuporta sa akin, sa mga fans.

"Higit sa lahat sa Diyos, talaga kasi Siya yung nagpahiram sa akin ng talent na meron ako ngayon."

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42618/alden-richards-overawed-by-superstar-nora-aunor-parang-naka-jackpot-ako" data-desc="Alden Richards recalls he couldn’t stop crying after shooting a tearful scene with Nora Aunor to illustrate the Superstar’s prowess in drawing o" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b970ea791.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN