Deniece Cornejo’s grandmom attests: “Very conservative ’yang batang ‘yan… kasi laking simbahan ‘yang batang ‘yan, e.”

Sinabi ng lola ni Deniece Cornejo (right) na si Florencia (left) na labis silang nasasaktan ng kanilang pamilya sa mga batikos na kanilang natanggap simula nang pumutok ang balitang ginahasa diumano ni Vhong Navarro ang apo.


Isa na namang kamag-anak ni Deniece Cornejo ang nagtanggol sa modelo laban sa pambabatikos na nakukuha nito kaugnay ng akusasyon nitong ginahasa diumano siya ng aktor na si Vhong Navarro.

Ito ay ang paternal grandmother ni Deniece na si Florencia Cornejo.

Sa panayam sa kanya ng programang Showbiz Police ng TV5, nagbuhos ng sama ng loob si Lola Florencia sa mga batikos na ibinabato sa kanyang apo.

Ayon sa lola ni Deniece, ang buong pamilya nila ay nakakatanggap na ng batikos.

“Rape ang aming kaso pero iba, e.

"Pakiramdam namin, kami na si Napoles, ganun. Masyado na kaming makasalanan dito sa mundo.”

Si Napoles na nabanggit ni Lola Florencia ay si Janet Lim-Napoles, ang itinuturong pork-barrel scam queen.

Dagdag pa niya, “Napakasakit kasi, gaya nga ng sinabi ko sa inyo, lahat apektado.

"Ang mga apo ko, ako… ang paglabas-labas ko sa araw-araw, pagka kami ay lumalabas sa mall, pinagtitinginan kami.

“May mga ngumingiti, may mga halos gustong dumura sa amin.”

“LAKING SIMBAHAN SI DENIECE…” Pagpatuloy pa ni Lola Florencia, disente raw ang pamilya ni Deniece.

Aniya, “Ang kanyang ama ay sixteen years nang nagtatrabaho sa cruise ship at ang kanya namang ina ay isang plain housewife.”

Maganda raw ang naging pagpapalaki ng mga magulang nito kay Deniece.

Hindi raw nito dudungisan ang pagkatao para lang sumikat, kabaligtaran ng mga akusasyon at paninira sa apo sa social media.

Dagdag pa ni Lola Florencia, “Recently lang narinig ko, inu-offer ‘ata siya ni Dingdong, ‘no, pero nag-refuse siya kasi ayaw niya ng kissing scene.”

Marahil ang tinutukoy nitong "Dingdong" ay ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

May nai-post kasi si Deniece noon sa kanyang Instagram na larawan, kung saan kasama niya si Dingdong, ang fashion designer na si Randy Ortiz, at ang negosyanteng si Cedric Lee.

May caption pa itong: “Late meeting and bonding with my good friends ding dong,ced lee and randy ortiz #inspiteofbusyschedule #justcoffee.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ni Lola Florencia tungkol kay Deniece, “Very conservative ’yang batang ‘yan

"Lagi siyang nasa commercial, may mga raket siyang ganyan, pero never nag-smoke. Never nag-drink.

“Kasi laking simbahan ‘yang batang ‘yan, e.”

“GOD IS GOOD.” Hindi rin daw siya naniniwalang may relasyon sina Deniece at Cedric.

Saad pa nito, “Nung nakita ko yun, talagang nagulat ako.

"Pero nung maipaliwanag sa akin ng apo ko, ang sabi niya [tungkol kay] Cedric, ‘Huwag ka na mag-nerbiyos, kasi si Cedric, yun bang harot, yun bang ganun.’

“Sabi niya, ‘Huwag ka nang mag-ano, o sige, beso-beso na tayo, beso-beso na tayo.’”

Marahil, ang tinutukoy ni Lola Florencia ay ang closed-circuit television (CCTV) footage kung saan nakuhanang tila hinalikan ni Cedric si Deniece matapos nilang maipa-blotter si Vhong Navarro noong madaling-araw ng January 23, 2014.

Read: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro

Magandang balita naman daw para sa kanila ang paglutang ni Roxanne Cabañero, na diumano ay isa ring biktima ng panggagahasa ni Vhong.

Sabi pa ni Lola Florencia, “God is so good. Talagang ‘pag meron kang masamang ginawa, lalabas at lalabas.”

Sa huli, nagpaabot naman ito ng mensahe sa actor-TV host.

Aniya, “Kinilala mo sana ang pamilya namin.

“Pero sa ginawa mong ito, hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa iyo.

“Pinakamaganda, magsisi ka na, umamin ka na.

“Yun lang ang aking hangad para sa ating kapayapaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN