Toni Gonzaga touched by Vice Ganda’s block screening of Starting Over Again; wants to guest on Eat Bulaga!

Toni Gonzaga says no more to sensual love scenes, she has done it in Starting Over Again and that’s the last of it: "Hindi ako magla-love scene kung hindi katawa-tawa. Bagay lang ako sa comedy."


“Hala, Titanic?! Ganun? O Avatar, lume-level sa Avatar!”

Ito ang natatawang sabi ni Toni Gonzaga sa birong malapit nang umabot sa P1 billion ang kinita ng Starting Over Again, ang pelikula niya katambal si Piolo Pascual na nasa ikatlong linggo na ng pagpapalabas sa mga sinehan.

Bulalas pa ng TV host/actress/singer, “Gusto namin ‘yan lahat, ‘yan nga ang ipinagdarasal namin.”

Sa thanksgiving pocket presscon ng Starting Over Again, sa Packo’s restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, noong Sabado ng gabi, March 1, ayaw namang magbigay ng eksaktong figure ni Toni kung magkano na ang inabot ng kita ng kanilang pelikula.

Ngunit ayon sa Star Cinema, mahigit sa P300 million na ang kinikita nito sa Pilipinas, hindi pa kasama ang kinita ng pelikula sa pagpapalabas nito sa ibang bansa.

RECORD-BREAKER. Kahit daw sa Amerika ay lumaban daw ito pagdating sa box-office.

Ani Toni, “Nagulat sila na this newcomer, this Filipino movie is making waves.

"’Tapos, nag-52 cinemas lang, naka-$600,000.

"Hindi pa nga nakaka-count [yung local] kaya idadagdag pa yun.

“Bongga! Kaya sabi ko, ’Thank You, Lord! Maraming salamat, Lord!’”

Kapag umabot naman daw sila sa P420 million, mauungusan na nila ang box-office record ng pelikula ni Vice Ganda na Girl Boy Bakla Tomboy.

Sabi naman ni Toni, “Siyempre, hindi ko pa iniisip yun.

"Actually, ang target lang namin talaga ay kumita ang pelikula.

"Sabi nga nila, makalampas lang ng P100 million, okay na yun.

"Kasi nga, iba ang timpla ng pelikula.

"Mabigat na light na lalabas ka ng sinehan na parang pinag-isip ka niya.

“Na parang isipin mo yung nangyari sa buhay mo, parang ganun, ’Naka-relate ka ba? Sino ka dun sa tatlo?’”



SUPPORT FROM VICE. Natutuwa naman si Toni kay Vice Ganda na nagpa-block screening pa dahil sa hindi ito nakapunta noong premiere night ng Starting Over Again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May problem daw sa eyes niya, nagpa-check-up siya, so nagpaano siya, block screening!

“Sabi ko, first time na may gumawa sa akin na artista ng ganoon.

"Sobrang touched akong talaga," pahayag niya.

Biniro naman daw ni Vice si Iza Calzado sa It’s Showtime na, "Hanggang P390 million lang kayo, huwag na kayong lalampas."

Natatawang sabi ni Toni, “Mahal ko naman si Vice, pero kung lalampas, e, magkaibigan pa rin kami.

“Kahit ano pa ang mangyari, hindi yun makakaapekto sa pagkakaibigan namin.

"Malaki na ang napatunayan ni Vice sa kanya na yung trono na Phenomenal talaga.”

STANDOUT. Sa female actresses, mukhang na-break na raw ni Toni ang record pagdating sa box-office. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Hala, hindi ko yun alam!

"Hindi ko yun inaalam sa ngayon, kasi lutang kami sa pelikula.

"Kasi, noong dina-dubbing ko ‘to at ginagawa ko ang pelikula, isa ako sa mga nagpoprotesta.

"Ayoko nung mangyayari sa pelikulang ‘to, sa kahihinatnan ng character ni Ginny.

“Sa hinaba-haba ng tinakbo ko at hinabol ko, ganito ang kahihinatnan ni Ginny. Ang bigat!

"Isa ko sa mga umapela. But I trusted my director so much and her vision.”

Ang Starting Over Again ay idinirek ni Olivia Lamasan.

May mga nagsasabing nakatulong daw si Toni nang malaki sa tagumpay ng pelikula.

Pakli naman niya, “Ayokong kumuha ng credit, hindi sa akin lahat ito.

"Nagkataon lang na napagbigyan tayo at malakas talaga ang tulong ng prayers.

"And I also believe that this is God’s grace kaya naging ganito yung reception ng tao sa pelikula.”

PIOLO PASCUAL. Sa obserbasyon naman ng ilan at sa mga nasusulat, dahil daw sa pelikulang Starting Over Again ay muling nakabalik si Piolo. May nagsasabi rin na ang aktor ang dahilan kaya nagtagumpay ang pelikula.

Saad naman ni Toni, “Hala, hindi ko alam, Piolo Pascual na ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsisimula pa lang ako, Piolo Pascual na siya.

“Siguro, everything comes at the right time and good director at good storytelling.

"Kasi, yung mga nanonood naman ng pelikula, kahit hindi namin fans, na-curious sila sa pelikula.

"I think, maganda talaga ang istorya and, I think, it’s more on the artista sa pelikula, it’s really the material.

“The story is really strong and really relatable kaya siguro naka-relate sila sa pelikula.”

Nagkita na raw silang muli ni Piolo nang mag-guest ang aktor sa sitcom nina Toni at John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home.

Wala si John Lloyd dahil sa naging aksidente nito, at si Piolo muna ang naging guest nila kunsaan gumanap ito bilang pinsan ni John Lloyd.

Kuwento pa ni Toni, “Nagkita kami, nagyakapan kami.

"Matagal din kaming hindi nagkita after ng premiere sa San Francisco.

"Masaya, parang I found a new partner in him.

"Ayokong tawaging loveteam kasi parang mature na kami to call it a loveteam.

“More than a loveteam, I think it’s a good partnership na nagkatrabaho kami sa isang pelikula.”

May balitang gagawa raw silang muli ni Piolo ng pelikula sa Star Cinema. Totoo ba ito?

Sagot ni Toni, “Magmi-meeting pa next week, magkikita kaming lahat para sa victory party.

"Nag-usap kami nila Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director], nila Inang [Olivia Lamasan].

"Pero siyempre, wala pa ring final.

"Hihintayin pa rin natin kung ano ang magiging pagtatapos ng pelikula, kasi umeere pa.

“Titingnan pa natin kung ano ang magiging desisyon, kasi lahat naman management decision.”



ANSWERED PRAYERS. May nagsabi naman kay Toni na kung kailan maingay ang tungkol sa isyung kasal nila ng nobyong si Paul Soriano, saka naman kumita nang husto ang pelikula niya sa box office.

Pasasalamat niya, “Ako, naniniwala talaga ako ngayon, everything in God’s timing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kahit ano... ang tagal kong naghintay, dinasal na makatrabaho si PJ [Piolo], nagkasabay-sabay.

"Akala ko noon, si Inang makakatrabaho ko after twenty years pa ako in the business.

“Na parang kailangan ko pang patunayan ang sarili ko para ma-deserve ko na makatrabaho ko si Inang.

"’Tapos, nakatrabaho ko siya this year.

"Si PJ rin, akala ko magkakaanak muna ako bago ko siya makatrabaho.

"’Tapos yun, after 13 years, nagkatuluyan din kami sa project."

BOSSING VIC SOTTO. Naitanong din kay Toni kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho.


Sagot niya, “Si Bossing [Vic Sotto].

“E, kasi, gagawa kami ng filmfest dapat, hindi ako pinayagan ni Tita Malou.

"Ewan ko ngayon kung papayagan ako, baka hindi na naman."

Baka co-produced?

“Sinabi ko na yun, sabi ko, ’Tita Malou, sama ako kay Bossing para makapag-guest ako sa Eat Bulaga!.’

"Sabi niya talaga sa akin, ’Sira-ulo ka!’

“Hindi pa kaya ako nakakabalik dun, ten years na.

"Hindi ko na alam ang hitsura ng studio.

“Nakita ko si Ryzza Mae [Dizon], niyakap ko nga.

"Parang feeling ko, kapag yakap ko siya, nakita ko na ang buong Eat Bulaga.

"Yun… pero siyempre, depende kung papayagan o gugustuhin."

Dating host ng Eat Bulaga! si Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN