Frencheska Farr takes control of her career: "Tapos na akong umasa sa iba!"

Frencheska Farr says her first concert will be a revelation: "Gusto kong ipakilala na ’eto ako talaga, ’eto yung mga kantang paborito ko, ’eto yung mga kantang gusto ko... Kung bakit ako ganito ngayon, yung mga taong nag-inspire sa akin, yung mga genre.”


Excited na si Frencheska Farr sa napipintong pagsasakatuparan ng kanyang pangarap na magkaroon ng malaking solo concert.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Frencheska sa lobby ng GMA-7 studio pagkatapos ng live stint niya sa Sunday All Stars, noong Linggo, March 2, sinabi niyang ipu-produce ng Vans ang nasabing event.

Nag-grand champion si Frencheska sa singing-talent search ng Kapuso network na Are You The Next Big Star? limang taon na ang nakalilipas.

Bakit ba nagtagal bago siya magkaroon ng solo concert?

Saad ng singer, “Hindi ko rin alam, pero masaya na rin ako na nagtagal, kasi parang ngayon yung perfect time.

“Ngayon, alam ko na kung saan ako, alam ko kung saan ako as a solo artist, alam ko na kung anong klaseng mga songs ang gusto kong gawin at ayaw ko.

“Actually, gusto kong mapanood ng marami yung concert, kasi ako yung nag-conceptualized.

"Hands-on talaga ako, pati pagkuha ng mga tao na kailangan ko, ako ang gumagawa ngayon.

“Kumbaga, gusto kong ipakilala na ’eto ako talaga, ’eto yung mga kantang paborito ko, ’eto yung mga kantang gusto ko...

"Kung bakit ako ganito ngayon, yung mga taong nag-inspire sa akin, yung mga genre.”

Pinag-iisipan daw ni Frencheska na gawin ang solo concert niya bago dumating ang kalagitnaan ng 2014.

Gusto nilang isang gabi lang ito gagawin, pero ayaw muna niyang ibigay ang detalye para hindi ito ma-preempt.

Kabilang daw sa tumango na sa kanyang imbitasyon na mag-guest sa concert ay si Julie Ann San Jose, na kasamahan niya sa Sunday All Stars.

“Actually, kami pa lang yung nag-confirm sa isa’t isa nung kinausap ko siya.

“’Yung legal na confirmation sa [GMA] Artist Center, hindi pa naman napag-uusapan.

“Saka gusto kong mag-guest ng OPM band kasi gusto ko talagang buhayin yung OPM.”

MISS SAIGON. Sa final auditions para sa revival ng Miss Saigon sa London, silang tatlo nina Rachelle Ann Go at Aicelle Santos ang natira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Rachelle Ann ang nakuha para sa project.

Kahit hindi siya pinalad na mapasama sa cast, masaya naman daw si Frencheska para sa kapwa niya Kapuso artist.

“Napanood ko nga siya sa concert niya [noong February 22], parang na-feel ko sa kanya na bagay siyang mag-Broadway.

"Ang galing niya, ang sarap niyang panoorin kapag Broadway ang kinakanta niya, bagay na bagay sa kanya," sabi niya.

Hindi raw nanghihinayang si Frencheska na hindi siya pinalad sa Miss Saigon.

"Kaming tatlo, ang saya, kasi parang sabay-sabay kami na may pinupuntahan yung career namin.

"Parang kusa kaming gumagalaw sa sarili namin.

“Si A [Aicelle], may mundo sa theater, gumagawa ng sariling pangalan.

"Si Shin [Rachelle], pupunta ng London.

"Ako, masasabi ko na mai-express ko na yung music ko.

“Natatamo na namin nang slight yung blessings na tinatrabaho namin for the past years na nagsisikap kami.”

Iniisip din daw ni Frencheska na baka hindi pa niya oras na magkaroon ng international career.

“Iba siguro ang itinakda para sa akin, baka para talaga ako dito sa mga Pinoy.

"Parang kanya-kanya rin talaga," sabi niya.

NEGLECT. Noong nakaraang taon ay nagpahayag ng pagkadismaya si Frencheska sa takbo ng kanyang career.

At ngayon, ayon kay Frencheska, “Tapos na akong umasa sa iba!” saka niya sinundan ng malakas na halakhak.

“Oh, my God! Oo, tapos na akong umasa sa mga promises ng iba.

“Gusto kong lang maging honest, kung ano yung na-feel ko talaga na parang may neglect akong na-feel for the past few years."

Aniya, thankful naman daw siya sa namamahala ng kanyang career, ang GMA Artist Center (GMAAC), kaya lang ay hindi raw ito nagpu-push ng project para sa kanya.

"Kumbaga, neutral na sila ngayon."

Nag-meeting daw sila ni Gigi Santiago-Lara, isa sa executives ng GMAAC, at game naman daw ito sa mga plano niya.

“Sinabi ko na gusto kong magkaroon ng concert, inilatag ko kung ano yung mga plano ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sobrang okey si Miss Gigi, yes lang siya talaga kung ano raw yung gusto ko, go!

"Susuportahan daw ng GMAAC ako sa mga promotions.

"Alam ko naman na yun lang talaga ang maibibigay nila sa akin."

CLARITY. Ano ba yung negligence na tinutukoy niya?

Paliwanag ni Frencheska, “Na-feel ko na kung kailan nandito na, meron nang album, parang may kulang.

"Yun ang hindi ko ma-pinpoint, for the past few years, yun ang tanong ko.

"Hindi ko rin alam ang isasagot ko, e."

Ayon sa singer, ngayon ay nagiging malinaw na sa kanya ang magiging takbo ng career niya.

"Eto yung perfect time para ilabas ko yung gusto ko.

"Dati, pag tinatanong ako, ’O, anong gusto mong kantahin?’ sinasagot ko, ’Ay, kayo na pong bahala kung ano ang gusto ninyong marinig.’

“Pero ngayon, kung ano ang gusto kong kantahin... alam ko na.

"Parang nag-mature na ako as a person, nag-mature na ako as an artist.

“So ngayon, mas klaro na. Okey siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN