Jackie Rice preps herself for intimate love scenes; surprised by Iwa Moto’s transition to a mother

Pahayag ni Jackie Rice, "Dati kasi takot akong gumawa ng love scene pero ngayon, parang handa na akong i-explore kung hanggang saan pa ang kaya ko bilang artista.”


Handa na raw si Jackie Rice na gumawa ng pelikang may intimate love scenes, gaya ng kapwa niya StarStruck alumni na LJ Reyes at Nadine Samonte.

Si LJ sa indie movie na Intoy Syokoy kung saan gumanap itong isang bayarang babae. At si Nadine naman sa indie movie rin na Nuwebe na sa kagipitan sa buhay ay kumapit sa patalim.

May mga maseselang eksena sina LJ at Nadine sa kani-kanilang pelikula, ’tulad ng oral sex at pumping scene.

Papayag na si Jackie sa ganitong papel?

“Malaswa ang eksena!” natatawang sabi ni Jackie.

Dagdag niya, “Pero kung maganda yung story at kung dun ako mananalo ng award, oo, tatanggapin ko.

"Dati kasi takot akong gumawa ng love scene, pero ngayon, parang handa na akong i-explore kung hanggang saan pa ang kaya ko bilang artista.

OKAY WITH BOYFRIEND. Papayag ba ang ang non-showbiz boyfriend ni Jackie kahit may pumping scene ito sa pelikula?

Sagot ng Kapuso actress, “Siguro, hindi naman siya nakikialam talaga as long as alam niya mahal ko ang trabaho ko.

"Alam niya hindi ko gustong sumikat, ang gusto ko yung may trabaho.

“Gusto ko yung tumatagal, yung steady ang work. Iyon din ang sinabi ko sa [GMA] Artist Center.”

Limang taon na si Jackie at ang boyfriend niya. Mabuti at nakakapaghintay ang BF niya?

“Oo naman!” bulalas niya.

Nagyayaya na ba itong magpakasal?

“Hindi pa rin, ayaw pa rin niya.

"Pero mahilig siya sa bata, at sinabi niya pag nagka-baby raw kami e hindi raw siya mahihirapang mag-alaga.

“Pero yun nga, parang hindi ko pa ma-imagine ang sarili ko na laging yung baby na lang ang atensiyon ko.

"Ngayon, laging sa sarili ko pa, kasi bata pa ako, twenty-three pa lang ako."

IWA MOTO. Sobrang bilib nga raw si Jackie sa StarStruck batchmate niyang si Iwa Moto.

Ngayon ay may anak na si Iwa sa karelasyon nitong si Pampi Lacson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Facebook at sa Instagram na lang daw ang komunikasyon nila ni Iwa, ayon kay Jackie.

Ano ang una niyang naging reaksiyon nang nalaman niyang may anak na si Iwa?

“Masaya! Masaya ako para sa kanya kasi hindi ko inaakalang magiging ganun siya kaseryoso, yung magiging nanay-material type.”

Na tatalikuran ni Iwa ang showbiz?

“Oo, yung ganun.

"As in ngayon, nakikita ko siyang masayang-masaya siya, hawak niya yung anak niya, hindi ko ini-expect talaga.

“Alam kong naiintindihan niya ako, kasi sobrang alam ko naman na pasaway din siya!” tumatawang pahayag ni Jackie.

Pahabol nito, “Pero yung pasaway in a way na hindi naman masama.

"Alam ko lang na hindi siya yung type na serious girl na magiging mommy-material.

“Iyon, masaya ako kasi ang laki ng ipinagbago niya.”

Naiinggit ba siya kay Iwa?

Mabilis na sagot ni Jackie, “Hindi. Ayoko pang magka-baby, hindi pa ako handa.

“Gusto ko ng baby, pero hindi ko pa nai-imagine yung sarili ko na ako yung nagbuntis at nagpapalaki sa isang tao.”

Kapag nandun na si Jackie sa ganoong sitwasyon ay kakayanin naman niya siguro.

“Sana, sana!” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN