Toni Gonzaga distracts boyfriend Paul Soriano from watching her love scene with Piolo Pascual

Hindi na raw alintana ni Toni Gonzaga ang walang-katapusang pagtatanong ng mga tao kung kailan sila magpapakasal ng longtime boyfriend niyang si Paul Soriano. Sabi ni Toni, “Tapos na kami sa pressure. Mga ika-two years lang namin, tinatanong na kami. Ngayong magse-seven na, sanay na sanay na kami, alam na namin.”


Si Toni Gonzaga raw ang tipo ng babae na gusto munang matupad ang mga pangarap at marating ang mga gusto maabot sa buhay bago mag-asawa.

Paliwanag ng Kapamilya star, “Kasi, alam ko na darating ang babae sa ganoong point ng buhay niya.

"Naramdaman ko noong nag-twenty-five na ako na, eventually, I will settle down.

“So, darating yun.

“Siyempre, pinagpi-pray mo yun na everything is God’s will.”

Nakahanda na rin naman daw siya kung sakaling mag-propose sa kanya ang longtime boyfriend niyang si Paul Soriano.

Hindi niya gagawin ang ginawa ng karakter niyang si Ginny sa pelikulang Starting Over Again?

Sagot ni Toni, “Hindi, ang sakit, ang dami ko ngang natutunan sa pelikulang yun.

"Parang nag-mature ako pagdating sa pananaw sa pag-ibig.

"Pahalagahan, let go of what is done... yun ang pinakamahirap.

“Pero nakita ko noong dinilete niya, parang gumaan.

"Noong nag-decide siyang mag-move on, ganoon pala yun, ang dami pala niyang nami-miss na mga lalaki."

Natatawang hirit niya, "Naku, lalaki!

“Hindi, ang dami niya palang nami-miss kasi ikinulong niya ang sarili niya sa isang tao.”

PRESSURE. Kahit madalas daw mapag-usapan ang kasal, hindi naman daw napi-pressure si Paul sa isyung ito.

Sabi ni Toni, “Tapos na kami sa pressure.

"Mga ika-two years lang namin, tinatanong na kami.

"Ngayong magse-seven na, sanay na sanay na kami, alam na namin.”

May bahay na rin daw na ipinapagawa si Paul para sa kanila.

“Meron na siya, ginagawa na, pero kinakabahan ako.

"Nagpa-extend itong nanay ko, nilakihan ang isang lote, e.

"Parang may gustong patunayan na doon ako titira, parang hindi ako makakaalis!" natatawang sabi ni Toni.

Nabanggit nga raw ng daddy ni Toni na kung puwede, kapag nag-asawa siya, sa Taytay sila titira.

“Depende ‘yan. Ito nga, wala pa akong engagement ring, doon na tayo sa bahay.

"Pinangungunahan na naman natin kaya nauudlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kung sa Taytay, mas okay.

"Pero kahit saan ako tumira talaga, okay rin," saad ng TV host/actress/singer.



MOVIE DATE. Noong una raw, ayaw ni Toni na mapanood ni Paul ang Starting Over Again.

Pero na-curious at nagpilit daw ang director-producer dahil sa unang araw pa lang ay naka-P25 million na sa box-office ang pelikula.

“Sinamahan ko siya para masiguro ko na may guidance, SPG, e!” biro ni Toni.

“Don kami sa pinakadulo ng Shangri-La at saka na-distract ko siya nang sobra.

"Binigyan ko siya ng popcorn, ’Kumain ka nito, candy, chocolates...’ Tingin nang tingin sa screen.

"Sabi ko, ‘Huwag ka munang tumingin diyan!’”

Hindi niya nakita ang love scene nila ni Piolo Pascual?

“Nasipat-sipat nang konti, pero na-distract ko pa rin,” sabi ni Toni.

Hindi niya pinapanood nang buo ang pelikula?

“Ay, hindi puwede, hindi puwede!

"Sabi ko nga sa kanya noong ginagawa ko, ’Huwag ka nang manood ng pelikulang ‘to.’

"Sabi niya, ’I want to watch.’

"Hindi talaga siya dapat manonood ng pelikula dahil sinabihan ko, e, nagulat siya nag-P25 million noong first day, so nanood ulit noong first day.”

Walang reaksiyon si Paul sa love scene nila ni Piolo?

“Shock lang, shock lang.

"Sabi niya, bakit daw pumayag ang mommy ko.

"Sabi ko, ’Walang magagawa, nagrebelde, nagrebelde?!’” biro niya.

Paliwanag ni Toni, “Si Inang [Olivia Lamasan] naman yun at saka sabi ko, ’Hindi ko kaya ang mga love scenes na gusto mong ipagawa sa akin.’

"Pero sabi niya, ’Ako ang bahala, iko-comedy ko ‘to. Iba-brand ko na parang sa ‘yo.’”

DARING NO MORE.Nagawa na niya ang love scene sa Starting Over Again. Posible kayang sa susunod niyang pelikula, o kung kinakailangan muli ng love scene, mas daring pa ang kaya niyang ipakita?

Sagot ni Toni, “Hindi na, sabi ko kay Inang, ito na. Ito na ang pinakasagad na sagad na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanggap man siya ng tao sa love scene niya, tila naiilang pa rin daw siya.

“Hindi ba kasuka-suka? Parang ako nasuka, e, kari-karimarim!” natatawang biro niya.

Dagdag ni Toni, “Hindi ako bagay sa ganun. Bagay lang ako sa comedy.

“Matatawa nga sila ‘pag ako ang nag-love scene.

"Kaya ganun lang, hindi ako magla-love scene kung hindi katawa-tawa.

"Hindi puwede ang sensual."

Ang susunod na pagkakaabalahan ni Toni ay ang hosting stints niya sa Pinoy Big Brother at The Voice, bukod pa sa sitcom nila ni John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN