Kathryn Bernardo does not want to rush into entering a relationship with Daniel Padilla

Kathryn Bernardo evades queries about the status of her relationship with Daniel Padilla: "Basta gusto ko maging masaya lang ako. Chill lang ako ngayong 18 [na ako]. Ayoko madaliin lahat. Yun ang natutunan ko last year."

Seen in photos above: Daniel and Kathryn holding hands when they arrived at the concert grounds in Globe Circuit Makati last Sunday, March 2.


Inamin ni Kathryn Bernardo na malaki ang impluwensiya sa kanya ni Daniel Padilla para mas maging open at mature pagdating sa mga pananaw niya sa buhay.

“Madami akong natutunan kay DJ [palayaw ni Daniel] bilang tao, sa mga realities na nangyayari sa buhay.

“Malalim siyang tao. Parang ako, super gullible ko, super walang masyadong alam sa mga nangyayari.

"Ngayon, parang naging aware na ako," saad ni Kathryn.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling reporters si Kathryn sa Got To Believe finale concert sa Globe Circuit Makati noong Linggo ng gabi, March 2.

Sabay dumating sa concert grounds ang magka-loveteam at kapansin-pansing magkapares ang dala nilang GMC van—black ang kay Daniel at white naman kay Kathryn.

Pagbaba ng sasakyan ay magkahawak-kamay pa ang dalawa habang papasok ng dressing room sa backstage area.

Ngunit kahit na kitang-kita ang sweetness sa pagitan nina Kathryn at Daniel, nanatiling mailap ang young actress pagdating sa tunay na estado ng relasyon nila.

Sa isang hiwalay na panayam, tinanong ng PEP si Kathryn kung handa na ba siyang gawing opisyal ang relasyon nila ni Daniel, lalo na’t malapit na siyang mag-18 years old.

Paiwas na sagot ni Kathryn, “Hindi ko nga naramdaman na 18 [years old] na ako, e.”

Muling tinanong ng isa pang reporter kung magiging open na ang young actress tungkol sa kanyang lovelife.

Ngunit ang tanging pahayag lang ni Kathryn: “Basta gusto ko magiging masaya lang ako. Chill lang ako ngayong 18 [na ako].

“Ayoko madaliin lahat. Yun ang natutunan ko last year."

Matatandaang sinabi ni Daniel sa nakaraang presscon ng Got To Believe na hindi niya minamadali si Kathryn na pumasok sa isang relasyon kahit na nasa tamang edad na ito.

Read: Daniel Padilla on asking Kathryn Bernardo to be his girlfriend: "Huwag na muna sagot-sagot para hindi muna siya ma-pressure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATHRYN’S DEBUT. Samantala, masayang ibinalita ni Kathryn na bukod sa last taping week ng Got To Believe ay abala rin siya sa preparasyon para sa kanyang nalalapit na 18th birthday sa March 26.

Sabi niya, “Sa March 29, dun ise-celebrate yung debut ko.

"Yun yung pang personal. Kasama yung family and close friends.

“’Tapos meron din isa pang party na yung fans naman, sila ang nag-arrange.

"So, parang dalawa ang magiging celebration ko.’

Vintage ang napiling theme ni Kathryn para sa kanyang debut, at ang celebrity designer na si Francis Libiran ang gagawa ng kanyang gown.

“Yung sa gown, basta two changes lang.

"Pina-finalize pa yung color kasi medyo nagka-cram kami sa preparation.

"Medyo marami pang kailangan gawin."

Sinuguro rin ni Kathryn na si Daniel ang kanyang escort sa espesyal na okasyong iyon.

“Pupunta siya. Kahit saan naman escort ko si DJ," saad ng Kapamilya actress.

YOUTH ROLE MODEL. Sa pagtatapos ng Got To Believe sa Biyernes, March 7, ibinahagi ni Kathryn na medyo nakaramdam siya ng lungkot dahil mami-miss niya ang kanyang co-stars.

“Merong lungkot kasi maganda yung relationship namin sa set, sa mga artista.

"And hindi mo naman masisigurado na makakasama mo ulit sila sa susunod.

“Mami-miss mo yun.

"Pero masaya ako na may mga bago akong nakilalang mga kaibigan,” nakangiting saad ng young actress.

Ano ang masasabi ni Kathryn na nabansagan sila ni Daniel na "Teen King and Queen" dahil sa tagumpay ng kanilang teleserye?

Sagot ng Got To Believe star, “Paano ba namin ‘yan sasagutin? Feeling ko kasi hindi pa.

“Ang dami pa namin kailangan i-prove to deserve yung gano’n kabigat na title.

"Pero thank you po sa mga taong nagsasabi ng gano’n."

Bagamat mataas ang expectations sa kanila ni Daniel na manatiling role models ng kabataan, iginiit ni Kathryn na importante ring maging totoo siya sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Ang pangit naman na good example ka, pero hindi naman totoo yung ipinapakita mo sa kanila.

“Siguro ipakita mo lang kung sino ka talaga.

"At the same time, kailangan maging responsible ka sa mga gagawin mo.

“Isipin mo muna mabuti kasi maraming nakatingin sa ’yo.

"And try your best na maging magandang example sa lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN