Ken Chan admits friendship with Bea Binene was ruined after her reconciliation with Jake Vargas

Aminado si Ken Chan na nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Bea Binene nang makipagbalikan ang young actress kay Jake Vargas. Saad ni Ken, "Ako kasi yung taong kapag may nagawa sa akin, hindi ko kayang maibalik yung dati na ginagawa namin. Kung espesyal man siya noon, hindi ako plastic sa sarili ko na... Puwedeng magkabati tayo, pero parang hindi na lalagpas dun. Magkakilala tayo, hindi tayo magkaaway, magkaibigan tayo, pero hanggang dun na lang."


Inamin ng Kapuso young actor na si Ken Chan na hindi pa sila nagkakausap nang masinsinan ni Bea Binene mula nang magkabalikan ang young actress at si Jake Vargas noong November 2013.

Matatandaang na-link si Ken kay Bea matapos makipaghiwalay ng dalaga kay Jake, pero agad din itong nagtapos nang makipagbalikan si Bea ay Jake.

Matatandaan ding sumama ang loob ni Ken nang makipag-duet si Bea kay Jake sa dapat sana ay album launch nilang dalawa na ginanap noon sa Harrizon Plaza sa Manila.

Read: Ken Chan dismayed by Jake Vargas’s appearance at Bea Binene’s album launch

Sabi ni Ken sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Actually, hindi pa kami nagkikita ni Bea simula ng mga nangyari.

"Okay naman po kami ni Bea and... actually, nag-text sa amin nung Valentine’s Day ang kanyang mommy sa akin at sa mommy ko, and I really appreciated it.

"’Tapos... yun, hindi pa rin kami nagkakausap ulit after nung mangyari nga last year.

"Pero nagkaroon kami ng screen test n Bea sa GMA na magkasama kami pagkatapos nun.

“At bilang artista, naging professional na lang po kami sa isa’t isa."



BROKEN FRIENDSHIP. Ibig bang sabihin nito ay mayroon nang lamat ang pagiging magkaibigan nila ni Bea?

Pag-amin ng Walang Tulugan mainstay, "Honestly speaking, hindi naman ako magsisinungaling o magpapaka-plastik para sabihin kong wala o okay na kami ni Bea.

"Actually meron, may mga misunderstanding o tampo, o sabihin na nating lamat.

“Pero ako naman, ayoko na maraming kaaway, lalo na dito sa showbiz industry. Ayokong may kaalitan.

“Pinipilit ko at aking pinag-aaralan na gusto kong makipagkaibigan ulit sa mga naging kaibigan ko o sa mga nakatampuhan ko, especially kay Bea."

Bakit nga ba hindi magawan ng paraan na muli silang maging malapit sa isa’t isa?

Dumaan na ang maraming okasyon na maaaring nakapagpabalik sa kanilang friendship, ‘tulad ng Christmas, New Year, at Valentine’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa 19-year-old actor-singer, "Yes, actually naisip ko na rin po ’yan.

"Hindi po kasi nagkakaroon ng pagkakataong magkita kami nang matagalan.

"Pero sa text po, nagkapalitan naman kami ng greetings. Pero ganun na lang.

"Hindi na ganun kaespesyal, hindi na ganun ka-intense yung closeness."

Sabi pa ni Ken, "Ako kasi yung taong kapag may nagawa sa akin, hindi ko kayang maibalik yung dati na ginagawa namin.

"Kung espesyal man siya noon, hindi ako plastic sa sarili ko na...

"Puwedeng magkabati tayo, pero parang hindi na lalagpas dun.

“Magkakilala tayo, hindi tayo magkaaway, magkaibigan tayo, pero hanggang dun na lang."



JAKE VARGAS. Sila naman ni Jake, kumusta silang dalawa?

Apektado rin ba ang kanilang pagiging magkaibigan mula nang maging sina Jake at Bea ulit?

Sagot ni Ken, "We’re good… Jake and me are good."

Napag-usapan ba nila yung tungkol sa nangyari? Nilinaw ba nila ito sa isa’t isa?

Sagot niya, "Napag-usapan namin.

"Humingi siya ng sorry sa akin, humingi rin ako ng sorry sa kanya.

"After all, we’re all good."



BEA-XIAN ISSUE. Sa puntong ito ay napag-usapan naman namin ang tungkol sa naging isyu ni Bea at ng Kapamilya star na si Xian Lim.

Matatandaang binatikos si Xian dahil sa pagkukumpara nito sa isang ka-lookalike ni Kim Chiu kay Bea.

Natatawang sabi ni Ken, "Para sa akin, wala namang masama sa ginawa ni Xian Lim.

"Sa tingin ko, wala namang problema dun, e.

"Actually, parang nakatutuwa pa nga, kasi ang Kapuso at Kapamilya, kahit papaano ay nagkakakilala.

"Pero ssa fans ni Bea, maaaring ganun ang nasa isip nila sa ginawa ni Xian.

“Pero sa akin, hindi naman ganun ka-big deal for me yung pangyayari.

"Nagpadala naman ata si Xian ng flowers kay Bea."



MUSCLE MAN. Napag-usapan din ang tungkol sa posts ni Ken sa Instagram na naka-topless siya at ipinakita ang kanyang maskulado nang pangangatawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang gusto niyang iparating sa post niyang ito?

Natatawang paliwanag ni Ken, "Yun naman po ay para maiba naman.

"Para for me, hindi pa naman ako tapos sa pa-tweetums [na roles].

“Hindi pa naman ako kailangang magpa-sexy, hindi pa ako magku-Cosmo, hindi pa.

"Nasa teens pa naman ako kasi nineteen pa lang ako.

“Gusto ko lang mapaiba para hindi magsawa sa akin ang mga tao, lalo na ang fans ko."

Dugtong pa niya,"Unang-una po, gusto kong magkaroon ng sabik ang mga tao.

"Kahit paano kasi, with that ay mati-tease mo sila… kailangan ng isang artista yun, e.

"Natutuwa naman po kasi wala akong natanggap na negative [reaction].

"Para sa akin, isang good move ito para preparation na rin sa future career moves, e.

"Bago ko naman ipinost yun, ang dami ko munang pinagtanungan—yung parents ko, yung executives sa GMA, yung tumutulong sa career ko.

"Sabi nila, ‘Post mo ’yan,’ kaya ipinost ko nga po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN