Deniece Cornejo denies STD rumor

Ayon kay Deniece Cornejo, pagdating daw sa batas ay walang sikat at maimpluwensiya. Lahat daw ay pantay-pantay.


Binasag na ni Deniece Cornejo ang kanyang katahimikan ukol sa malisyosong balitang kumakalat sa Internet laban sa kanya.

Isa na rito ang tungkol sa balitang mayroon daw siyang sakit na bacterial vaginosis, isang vaginal disease na pag hindi naagapan ay magreresulta sa pagkakaroon ng sexually-transmitted disease (STD).

Kalagitnaan ng Pebrero nang kumalat ang larawan ng diumano’y medical results ni Deniece Millenette Cornejo last January 20, 2014—tatlong araw pagkatapos mangyari ang unang pagkikita nila ni Vhong Navarro noong January 17, at dalawang araw bago ang pangalawang pagtatagpo nila na nagresulta sa hindi magandang pangyayari.

“I DON’T HAVE STD…” Kahapon, March 3, sa Instagram account ng Showbiz Police (@showbizpolicetv5) ng TV5 ay naglabas si Deniece ng kanyang statement tungkol sa mga kumakalat na isyu laban sa kanya.

Narito ang buong pahayag ni Deniece:

“I don’t work in any illegal club.

“I don’t have STD.

“I don’t have any relationship with any man.

“I don’t have any record that I cheated with my past relationships.

“I don’t have vices.

“I’m not materialistic. Everything I sell is just for business.

“And I hate pretenders.

“Pinoy love teleserye that’s why we love dramas.

“Lahat ng ‘bakit at paano’ na tanong ng marami ay aking sasagutin at haharapin sa tamang oras at panahon.

“Sa larangan ng batas, walang sikat at maimpluwensiya, tayo ay pantay-pantay lamang.”

“#TELECOMCANTLIE.” Kagabi rin, nag-post naman si Deniece sa kanyang Instagram account (@realdeniece) ng screenshot diumano ng text message niya kay Cedric Lee noong madaling-araw ng January 18, ilang oras makalipas ang unang pagkikita nila ni Vhong.

Nakasulat sa mensahe: “Help im being harrased.”

Naka-hastag dito ang mga salitang, “#telecomcantlie #Godistrue #stopmakingstories

Ito rin ang nakasaad sa counter-affidavit ni Cedric na isinumite sa Department of Justice noong February 21.

Bahagi pa ng sinumpaang salaysay ni Cedric, “On 18 January 2014, between 1:30 – 2:00 A.M., I noticed a text message from my friend Ms. Deniece Cornejo (“Deniece”) asking for help. Deniece’s text message was, “Help Ced I’m being harassed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once, but twice



EDITED TEXT MESSAGE? Pero marami naman ang nagkomento na madali na lang daw baguhin ang date and time sa mga cellphone units ngayon.

Sa ngayon, naka-private na ang Instagram account ni Deniece.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN