Deniece Cornejo says she doesn’t know Roxanne Cabañero; ready to face long legal battle with Vhong Navarro

Deniece Cornejo lashes back at Vhong Navarro: "I was the one who asked to sent you in jail and you agreed and you feel sorry about it. At para huwag na mang-rape ng paulit-ulit dahil hindi lahat ng babae easy to get. And I know you know me from the very start that is why you grabbed the opportunity,” said Deniece in her Instagram post yesterday, March 3.

Seen in photos above: Deniece Cornejo (left) at DOJ hearing last February 21; Vhong Navarro


Nilinaw ni Deniece Cornejo na hindi sila personal na magkakilala ni Roxanne Cabañero, dating beauty contestant na naghain din ng reklamong panggagahasa laban kay Vhong Navarro.

Matatandaang minsan nang nabanggit ni Deniece, 22, na may mga “random people” na nagpadala ng text message sa kanya at sinabing biktima rin sila ng seksuwal na pang-aabuso ni Vhong, 37.

Read: Deniece Cornejo stands by rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Kaugnay nito, sinabi ni Roxanne, 24, na ang paglantad ni Deniece sa publiko ang nagbigay ng lakas ng loob sa una na pormal na maghain ng reklamo laban kay Vhong.

Read: Roxanne Cabañero seeks justice; but testimonials contradict her allegations

Ngunit itinanggi ni Deniece na isa si Roxanne sa mga babaeng nakapalitan niya ng mensahe tungkol sa “history” ni Vhong na mayroon pa itong ibang “minanyak, minolestiya” noon.

Ito ang pahayag ni Deniece nang direktang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung si Roxanne ang isa sa mga babaeng tinutukoy niya na diumano’y minolestiya rin ni Vhong:

“No. From random [people], my model friends. General lang mga sinabi.

“’Cause they know the attitude of that guy na hindi ko naman alam.”

Dagdag pa ng modelo, “I don’t know Roxanne. ‘Di naman ako sumasali sa beauty pageant. I’m in fashion industry.”

Nakapalitan ng text messages ng PEP si Deniece ngayong hapon, March 4.

DENIECE’S RAPE ALLEGATION. Kahapon, March 3, sunud-sunod naman ang Instagram posts ni Deniece kung saan nanindigan ang modelo na siya ay ginahasa ni Vhong noong gabi ng January 22.

Isa sa mga isyung sinagot ni Deniece ay kung bakit nakasaad sa police blotter na wala siyang balak magsampa ng reklamong panggagahasa laban kay Vhong.

Ang naturang police blotter ay isinumite ng dalaga sa tanggapan ng District Investigation and Detection Management (DIDMD) sa Southern Police District (SPD) sa Taguig City, noon ding gabi ng nangyaring insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A timeline

Pahayag ni Deniece sa isang bahagi ng kanyang mahabang Instagram post kahapon, March 3:

“You’re not just afraid for your family. You’re afraid of people to know your real character behind the camera.

“I was the one who asked to sent you in jail and you agreed and you feel sorry about it.

“At para huwag na mang-rape ng paulit-ulit dahil hindi lahat ng babae easy to get.

“And I know you know me from the very start that is why you grabbed the opportunity.”

Iginiit din ni Deniece na pawang kasinungalingan ang alegasyon ng kampo ni Vhong, na plinano raw ng grupo ng modelo at ni Cedric Lee na pagkakuwartahan ang actor-host.

Masyado raw mababa ang isang milyong piso para sa isang movie and TV star na katulad ni Vhong, kung ang intensiyon talaga nila ay extortion.

BIASED NEWS REPORTS. Bukod dito, naglabas ng sama ng loob si Deniece sa media, partikular na sa isang “TV station” na panay ang labas ng mga ulat, kung saan nagmumukha siyang masamang babae.

Sabi pa ni Deniece, “Dear station I understand your just doing your job and that is business.

“You portrayed me as a bad girl which everything ay ‘kasinungalingan at kabaligtaran.’ Wala kahit isa pinalabas na maganda at tama.

“You did not even had the courtesy to ask permission to televised my private life and confirmed if everything you wrote ay makatotohanan ba.”

Marahil, ang pinatutungkulan ni Deniece ay ang Buzz Ng Bayan February 9 report, kunsaan ibinalita na diumano’y dati siyang empleyada sa Room 526 Piano Bar and Restaurant sa Malate, Manila.

Sabi pa sa naturang ulat: "Ayon naman sa naunang source ng Buzz ng Bayan, halos lahat umano ng baabeng nagtratrabaho sa Room 526, may alias daw o pekeng pangalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman umapela ang modelo sa media at pati na rin sa publiko na maging responsable pagdating sa pagpapalaganap ng impormasyon, lalo na kung wala itong basehan.



READY TO FIGHT AGAINST VHONG. Sinubukan din ng PEP na hingan ng pahayag si Deniece tungkol sa isinumite niyang sinumpaang salaysay sa Department of Justice (DOJ) noong February 21.

Dito ay inihayag ni Deniece na ginahasa siya ni Vhong, hindi lang noong gabi ng January 22, kundi pati na rin noong unang bisitahin siya ng actor-host sa condo unit na tinutuluyan niya noong gabi ng January 17.

Ngunit hindi nagbigay ng anumang pahayag si Deniece kaugnay ng January 17 incident.

Ang tanging sinabi ng modelo ay handa siyang manindigan at harapin ang mga legal na isyung kinahaharap niya ngayon.

Ito ay sa kabila ng kaalamang maaaring tumagal ang patung-patong na reklamong inihain nila ni Vhong sa isa’t isa.

“Yes, I promise it to them po. And I thank them for supporting me,” saad ni Deniece, na tila pinasasalamatan ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Sa huli, kinamusta ng PEP si Deniece kung nakakapagtrabaho pa rin ba siya sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.

Sagot ng dalaga, “My freedom is limited because of the issue. I was a workaholic woman.

“Maybe this is God’s way for me to rest for a while. There is a perfect time for everything."

Nabanggit ni Deniece sa pinakaunang panayam ng PEP na bukod sa pagiging modelo ay isa rin siyang stylist, motivational speaker, at entrepreneur.

Read: PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo on Vhong Navarro: "Pinakitaan ko siya ng kabutihan, sinuklian niya ako ng kasamaan."

Ayon pa sa ulat ng YES! March 2014 issue, pagmamay-ari niya ang Dark Closet, isang online shop na nagbebenta ng luxury goods.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN