Marian Rivera happy for Anne Curtis as new Dyesebel; excited about possible movie projects with John Lloyd Cruz and Piolo Pascual

Marian Rivera on reported projects with John Lloyd Cruz and Piolo Pascual: "Hangga’t hindi pa nagsisimula yung isang project, alam mo minsan mahirap magsalita... So, siguro kapag nandiyan na at may script na at nagro-rolling na kami, siguro doon masasabi ko na matutuloy na talaga."


Sa 14th anniversary issue ng FHM ay si Marian Rivera muli ang naging cover girl sa very sexy pero high-fashion photo shoot.

Hindi lang Kapuso stars ang pumupuri sa bagong FHM cover ni Marian, kundi pati mga Kapamilya stars gaya nina Anne Curtis at Kathryn Bernardo.

Ano ang masasabi ni Marian dito?

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Si Anne kasi ay kaibigan ko naman talaga.

"Si Anne, nagkikita kami sa shoot.

"Hindi man kami nagte-text-an o lumalabas na magkasama e alam namin na magkaibigan kaming dalawa.

"’Tapos si Kathryn kasi is naging bata sa Endless Love at naging malapit din sa akin iyang bata na iyan.

"So, nakakatuwa.”

Ano ang gusto niyang sabihin kina Anne at Kathryn?

“Thank you, thank you, at least na-appreciate nila yung ganyan.

"Kahit na hindi ako taga-kanila [ABS-CBN], at least, ’di ba, dito nawawala yung wall ng networks na hindi naman masamang pumuri at magmahal ng iba kahit na hindi mo ka-network."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marian sa press launch ng pagiging endorser niya ng Sof & mmmmm Premium Fragrances fabric conditioner kahapon, Marso 4, sa Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City.



DYESEBEL. Si Anne ang gaganap bilang bagong Dyesebel ngayong Marso 2014 sa ABS-CBN. Nauna itong ginampanan ni Marian sa GMA Network noong 2008.

Kaya naman sa social media ay tila pinagkukumpara na agad sila at ginagawan ng isyu.

Ano ang reaksyon ni Marian dito?

Tugon niya, “Si Anne, mabait siyang kaibigan, sobrang bait niyan sa akin.

"Kasi sa Instagram, makikita niyo na nagpapalitan kami ng mga message namin sa isa’t isa.

"And wala akong nakikitang masama na, alam mo yun, maging Dyesebel si Anne.

"Dahil Anne is very beautiful, napaka-lovable ni Anne, at bagay siya bilang Dyesebel.

"Ganun talaga ang mundo, may papalit at papalit bilang Dyesebel at bilang Darna, bilang kung sino pang mga character, dahil ang tao, umiikot iyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy ako na si Anne ang gagawa niyan."

Bukod sa Dyesebel ay ginampanan din ni Marian ang Pinoy superhero na si Darna.

KAPAMILYA LEADING MEN. Bali-balita namang may future project daw na inihahanda kung saan makakasama umano ni Marian ang alinman sa Kapamilya actors na sina Piolo Pascual o John Lloyd Cruz.

Gaano ito katotoo?

Sagot ni Marian, “Mahirap kasi magsabi na, ’A, oo, gagawa ako ng movie with John Lloyd, gagawa ako ng movie with ganito.’

"Hangga’t hindi pa nagsisimula yung isang project, alam mo minsan mahirap magsalita.

"Kasi ang daming nababago, like Coco Martin before. Dapat may gagawin kaming pelikula, hindi natuloy.

"So, siguro kapag nandiyan na at may script na at nagro-rolling na kami, siguro doon masasabi ko na matutuloy na talaga."

Pero halimbawang matuloy ito, excited ba siya?

"Oo naman!" bulalas ng aktres.

"Every moment na may bagong project, babae man iyan o lalaki, siyempre excited po ako na makatrabaho sila.

"Dahil alam ko na may matututunan ako sa kanila."

Ano ang masasabi niya kay John Lloyd?

“Hindi ko pa siya kilala personally at hindi pa kami nagkikita ever.”

Pero bilang aktor?

“Magaling siyang aktor,” sagot ni Marian.

How about si Piolo?

“Ay, napakabait. Nagka-work na kami niyan, napakabait, napaka-gentleman talaga.”

Nagkasama sina Marian at Piolo nang mag-guest sila sa first indie film ni Vilma Santos na Ekstra.

Nakakontrata si Marian sa Regal Entertainment. Hindi ba magkakaproblema kung gagawa siya ng pelikula with Piolo o John Lloyd na ibang film outfit ang producer?

Parehong exclusive contract stars ng Star Cinema ang dalawang Kapamilya actors.

Saad ni Marian, “May kontrata pa ako kay Mother Lily [Monteverde, Regal matriarch].

"So, bilang respeto din kay Mother, kung ano yung desisyon ni Mother, yun ang susundin ko.

"May dalawang pictures pa ako sa kanya, so tatapusin ko muna.

"Mabait naman si Mother at makunsiderasyon naman siya sa mga bagay-bagay, lalo na kung makakaganda para sa career ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO PRODUCE AGAIN. Balak niya bang mag-produce ulit ng pelikula pagkatapos ng co-production nila ni Ai-Ai delas Alas sa pinagbidahan nilang Kung Fu Divas?

Tugon ni Marian, “Bakit hindi kung maganda ang proyekto at magiging okay, bakit hindi?”

Sino naman ang gusto niyang makasama kung sakaling mag-produce ulit siya ng pelikula?

“Naku, madami! Ang hirap isa-isahin e.

"Sa Channel 7, halos lahat ay nakatrabaho ko na.

"Sa Dos, e, parang si Ate Ai palang ang nakakatrabaho ko."



PINAKAMAGANDA AT PINAKAMABANGO. Sa audio-visual presentation ng Sof & mmmmm Premium Fragrances fabric conditioner ay ipinakilala si Marian bilang "pinakamaganda at pinakamabango" sa showbiz personalities.

Bagay na naiuugnay sa kasalukuyang teleserye sa GMA ng Kapuso Primetime Queen, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Ano ang reaksiyon ni Marian dito?

“Well, malaking bagay siya dahil sa title ng Carmela, which is Carmela naman yun na ginagampanan ko sa soap opera.

"Maganda iyan dahil itong Sof na ito, na ini-endorse ko ay mabango, kakaiba, at sabi nga nila pinakamataas sa pinakamataas."

Feeling proud nga si Marian nang malaman niya na siya ang nanguna sa isinagawang survey ng Personal Collection Direct Selling Inc. sa kanilang branches at dealers sa buong bansa para mapiling brand ambassador ng Sof & mmmmm Premium Fragrances.

Sabi ni Marian, “Nakakataba ng puso kasi, una sa lahat, parang sinabi sa akin ito ng Triple A [her management team] na meron nga daw gustong kumuha sa akin.

"Sabi ko, ‘Sige i-try muna natin.’

"Hanggang sa binigyan nila ako ng product. Trinay ko yung product.

"Sabi ko, panalo talaga, as in mabango talaga. Nagla-last talaga siya.

“At ang maganda niyan, na-surprise ako at kanina ko lang nalaman na nag-survey pala sila.

"Parang voting din ito na kung sino ang gusto ng mga dealers na maging endorser nito. So, nakakataba ng puso na napili talaga nila ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN