Lumikha ng maraming haka-haka sa photo-sharing website na Instagram ang kakaibang posts ng Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles.
Laman kasi ng mga ito ang tila paglabas niya ng saloobin tungkol sa kung anuman ang kanyang nararamdaman.
Last March 1, nag-post ang 2004 Miss Earth winner ng tungkol sa pagsuko at sa pagkapuno:
“There is a difference between giving up and knowing when you have had enough.”
Dahil dito, marami ang naghinala na baka may problema sa pagsasama ni Priscilla at ng kanyang mister na si John Estrada.
Ikinasal ang dalawa sa isang magarbong wedding ceremony noong February 26, 2011, sa La Union.
Sa tatlong taon nilang pagsasama ay mayroon na silang isang anak na babae, si Sammanta Anechka.
CULTURAL DIFFERENCES? Kaninang hapon, March 5, sa programang Showbiz Police ng TV5, nagkuwento si Priscilla tungkol sa buhay niya bilang asawa ng 39-year-old actor.
Naging masalimuot ba ang buhay nilang mag-asawa dahil sa kanilang cultural differences?
Sagot niya, “I noticed, as a foreigner that resides in the Philippines, it’s required for me to act as a Filipina.
“Which is very mahirap sa part ko… sa side ko, kasi hindi ako Filipina.
"Although, as much as possible, I’m trying to adapt and really having a hard time with adjusting to the culture.
“With adjusting to the expectations of, you know… sa lahat—yung expectations ng tao, yung expectations ng asawa ko.
"Kasi, for me, my priority is our difference.
"So, as much as possible, we try to work out on our problems.
"As much as possible, we try to compromise.
"And then it gets to a point that one’s compromised and the other is not… you know, it’s a give and take."
Totoo bang hindi nagagampanan ni John ang mga responsibilidad nito bilang ama at asawa?
Saad ni Priscilla, na matatas na rin sa pagsasalita ng Tagalog, “As a woman, sometimes kailangan mo may moment sa buhay mo, that kailangan mo talaga ang asawa mo diyan sa tabi mo.
"Pero, for some reason, hindi ko alam kung bakit, hindi niya kaya andiyan siya.
“Wala siyang time masyado.
“So, of course, sometimes kung trabaho ‘yan, naiintindihan ko.”
MARITAL PROBLEMS? May namumuo nga bang problema sa pagsasama nila ni John?
Sagot ni Priscilla, “Normal lang na magkaproblema bilang mag-asawa.
"Meron akong madaming problema sa buhay, paminsan-minsan nagkaroon ako ng depresyon din.
“I’m just a person like anybody else.
“And then, sometimes my thought, sa head ko na, you know, sometimes siguro may problema ako sa kaibigan, may problema ako sa asawa, may problema ako sa family ko, andaming problema sa buhay ko.
“So, paminsan minsan, medyo ako sensitive.
“Sometimes, gusto ko lang i-express myself and maybe to inspire other people, maybe they can relate to me, so [I] post certain things.
“Paminsan-minsan nag-post ako, hindi ko alam kung bakit lahat nakonek 'to sa asawa ko, kasi walang pangalan niya diyan.
“Maybe my text… my post ko, maybe related sa kanya, but not lahat."
Isa pa sa Instagram post ni Priscilla:
“HINDI THROUGH INSTAGRAM…” Ayon pa kay Priscilla, kung may problema man sila ni John, sasabihin niya nang diretso sa asawa at hindi na ipapaalam pa sa iba sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram
Aniya, “Kung meron ako na gusto ko sabihin, siguro hindi through Instagram ‘yan.
“Diretsuhin na yung gusto kong sabihin.
"So, kung in the future, nagkaroon ng something, na problema, or kung hindi ko kaya to deal with, and kailangan nang sabihin kahit ano, sabihin ko nang diretso, hindi through Instagram."
Kung sakaling mangangaliwa si John, ano ang gagawin niya?
Sagot ni Priscilla, "I confront him and then I make my research.
“You know there is nothing better than FBI than a jealous wife.”
Samanatala, kasalukuyang ginaganap ang presscon ng upcoming ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang, kung saan kasama sa cast si John.
Ngunit hindi sumipot ang aktor sa presscon dahil may "emergency" raw ito.
