Cristina Enrile confirms affair of husband Senator Juan Ponce Enrile with Gigi Reyes

Cristina Enrile on husband Senator Juan Ponce Enrile’s affair with his former chief of staff, Gigi Reyes: “I had heard that she was already [in it] too long. He has had many girls before Gigi... but they don’t last too long. And with Gigi, it lasted long.”


Kinumpirma ng asawa ni Senator Juan Ponce Enrile na si Cristina Castañer Enrile na nagkaroon ng affair ang senador sa dati nitong chief of staff na si Gigi Reyes.

Ginawa ni Cristina ang pag-amin sa exclusive interview sa kanya ni Winnie Monsod sa GMA News TV program na Bawal Ang Pasaway, na umere noong Lunes, March 3.

Ayon kay Cristina, ang relasyon nina Senator Enrile at Gigi ang dahilan kung bakit siya pumunta ng U.S. at nag-file ng divorce.

Hindi lang daw si Gigi ang naging babae ni Senator Enrile.

Kung ang ibang mga misis ay iniwanan na agad ang kanilang mister pagkatapos malaman na may kabit ito, napagtiisan daw ni Cristina na tumagal ang pagsasama nila ng senador sa loob ng 56 taon, sa kabila ng 38 beses na pangangaliwa nito.

Ang bilang na 38 ay ang mga relasyon na nalaman lamang ni Cristina.

Pero sa dinami-rami raw ng nakarelasyon ng kanyang asawa—malalapit na kaibigan, anak ng malalapit na kaibigan, at hindi mga kakilala—umabot na raw sa sukdulan si Cristina pagdating kay Gigi.

Pahayag ni Cristina, “I had heard that she was already [in it] too long.

“He has had many girls before Gigi... but they don’t last too long.

“And with Gigi, it lasted long.”

Kuwento pa ni Cristina, na lumabas din sa report ng GMA News Online, lumipad siya sa Amerika upang ayusin ang divorce papers nila.

Ngunit sa isang pag-uusap nila sa telepono, sinabihan daw siya ni Senator Enrile: “Over my dead body will I give you a divorce.”

Ayon pa sa misis ni Senator Enrile, isang beses lang niya nakita si Gigi sa kabila ng ilang dekadang paninilbihan nito sa kanyang asawa.

Nang tanungin naman kung ano ang nangyari sa kanilang pagkikita, natatawang sabi ni Cristina: “I would rather not say it. It was not nice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila raw nito ay nagkaayos din si Cristina at ang senador.



ENRILE AND REYES DENY ALLEGED AFFAIR. Pareho namang pinabulaanan nina Senator Enrile at Gigi, sa magkahiwalay na panayam, ang pahayag ni Cristina na nagkaroon sila ng relasyon.

Sabi ni Enrile sa panayam niya ngayong araw, March 5, “Those are suspicions of a wife.”

Hindi rin daw nagpaalam sa kanya si Cristina bago ito pumayag magpa-interview kay Winnie Monsod sa Bawal Ang Pasaway.

"Hindi ko nga alam na magpapa-interview," nakangiti pang sabi ni Senator Enrile.

Binasag na rin ni Gigi ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng panayam sa kanya ng GMA News Online ngayon ding araw.

Saad niya tungkol sa pahayag ni Cristina, “Mrs. Enrile has her own reasons for muddling the facts, painting her own picture of her marriage and laying the blame on ’women’ who she said were the ones who ’offered themselves’ to her husband.

“Excuse me, I certainly did not offer myself to him.”

Dagdag pa niya, “So, kasalanan lahat ng mga babae, walang kasalanan si Senator kasi lalaki lang siya, natural lang… ganun ba?”

Parehong nahaharap sa kasong plunder sina Senator Enrile at Gigi dahil sa diumano’y pagbulsa ng kickback mula sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga maanomalyang ghost projects.

Ngunit sa maikli niyang panayam sa GMA News Onlime, hindi binanggit ni Gigi ang kanyang pagkakasangkot sa pork-barrel scam.

Ayaw rin daw niyang direktang makipag-ugnayan sa mag-asawang Enrile.

Sabi ni Gigi, “It’s useless. How do you debate with somebody who exists in another realm?”

Ipinaliwanag din ni Gigi ang Facebook post niya kung saan hinalaw niya ang ilang quotes mula sa librong People of the Lie ni M. Scott Peck.

Ipinost daw niya ang ilang passages mula sa libro "because many of us suffer from living a lie and ultimately and tragically believing our own lies."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “But that’s not the problem. The problem is when we inflict our lies on others and thus succeed in our desire to confuse.”

Paliwanag ni Gigi sa GMA News Online, “I quoted those lines because of the many lies I heard.”

Ang tinutukoy niya ay ang panayam ni Cristina.

Dagdag pa niya, “To be sure they are not all lies, but half-truths are half-lies as well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN