Kris Aquino admits she’s in love; refuses to reveal identity of her suitor

Kris Aquino hopes she and ex-husband James Yap will both find a "happy ending" in their respective lovelives: “James, sincerely, I’m happy for the happiness you’re experiencing. Kung ano man yung kaligayahan mo, yung success mo, maligayang-maligaya na talaga ako para sa ’yo. Dapat lang talaga ‘wag tayo mag-away, maging mature tayo.”


Inamin ni Kris Aquino na mayroong espesyal na lalaki na nagpapaligaya sa kanya ngayon.

“Sabi ko, ‘Oo.’ You know me, I’ll answer, right? So, I said yes,” pahayag ni Kris sa programang Aquino and Abunda Tonight, kagabi, March 5.

Tinanong kasi ni Boy Abunda, co-host ni Kris, kung ano ang reaksiyon ng TV host-actress nang tanungin siya ng dating asawang si James Yap kung in love ba siya ngayon.

Ngunit tumanggi si Kris na pangalanan kung sino ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso.

“But again, uulitin ko po, utang ko po sa inyo na ikuwento ko ang buhay ko.

"Pero utang ko sa kanya [her suitor] na bigyan ko siya ng privacy at bigyan ko siya ng katahimikan.

"And sana iregalo niyo na po sa amin iyon," pakiusap ni Kris sa mga manonood.

Matatandaang minsan nang nabanggit ni Kris sa February 18 episode ng Kris TV, ang kanyang daily morning show, na mayroon siyang bagong suitor na matagal na raw siyang niyayayang kumain sa labas.

Ito ay pagkatapos maunsiyami ang pagkakamabutihan nila ng isa pa niyang manliligaw.

Read: Kris Aquino still mending a "semi-broken heart."

Kapansin-pansin ding panay ang post ni Kris ng mga "kilig quotes" para sa kanyang mystery suitor, na tila matinding “effort” ang ginagawa upang iparamdam sa TV host-actress kung gaano siya kaespesyal para rito.

’Tulad na lang ng bagong Instagram post ni Kris ngayong araw, March 6, na may caption na “Thank you” at tatlong hugis-puso na emoticon.

JAMES, KRIS ON GOOD TERMS AGAIN. Tahasan ding inamin ng Queen of All Media na ang kanyang blooming lovelife ang dahilan kung bakit nagkaayos na sila ng dating asawang si James Yap.

Kaugnay ito ng usapin tungkol sa visitation rights ni James para sa anak nila ni Kris na si James Jr. o mas kilala bilang Bimby.

Kahapon, March 5, nagkaharap ang dating mag-asawa sa Makati Regional Trial Court, kunsaan napagkasunduan nilang maaari nang regular bisitahin ni James si Bimby, isang beses kada linggo, simula March 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kris Aquino and James Yap finally reach "long-term agreement" about Bimby

Dito pabirong sinabi ni James kay Kris: “Salamat kay Kris na talagang ok na lahat. Hindi na siya galit sa akin. Kasi in love yata ‘to, e.”

Dagdag pa ng basketbolista, hindi maikakailang may bagong nagbibigay-inspirasyon sa dati niyang asawa.

Pag-amin ni James, “Nagulat ako, ha. Pagpasok na pagpasok, iba yung ihip ng hangin.

"Ibang-iba ngayon. Parang love, love, love talaga.

"So, thank you, naayos natin lahat. Sana tuluy-tuloy na."

Pinasalamatan din ni James si Kris sa walang katumbas na pagmamahal at pag-aalagang ginagawa nito kay Bimby.

Saad ng PBA player, “Siyempre nagpapasalamat ako sa kanya sa pagpapalaki niya sa anak ko.

"Nakikita ko naman na mabait at tama yung pagpapalaki.

“Thank you. Na-appreciate ko naman.

"Sisikapin ko na mapantayan ko yung ginagawa niya sa anak namin."

Ikinatuwa naman nang husto ni Kris ang pagkilala ni James sa kanya bilang isang mabuting ina.

Sa huli, inihayag ni Kris na nagagalak din siyang makitang masaya ang lovelife ni James at patuloy na maganda ang takbo ng basketball career nito.

Nakangiting pahayag ni Kris: “James, sincerely, I’m happy for the happiness you’re experiencing.

"Kung ano man yung kaligayahan mo, yung success mo, maligayang-maligaya na talaga ako para sa ’yo.

“Dahil ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang napakalaking mga blessings. Pinakamalaki na do’n si Josh [Joshua, panganay na anak ni Kris] and si Bimbs.

“Dapat lang talaga ‘wag tayo mag-away, maging mature tayo.”

Ganunpaman, nilinaw ni Judge Cristina Sulit ng Makati Regional Trial Court na ang kasunduan nina Kris at James kaugnay ng visitation rights ng basketbolista ay maaari pa ring magbago anumang oras.

Sabi niya, "Yung custody naman, hindi natatapos until he reaches the age of 18.

"Kung whatever na magkakaroon ng problema, babalik at babalik naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I hope wala naman problema."

Sa ngayon, parehong sang-ayon sina Kris at James na iisa ang hangarin nilang mapabuti ang buhay ng kanilang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN