Kris Aquino and James Yap finally reach "long-term agreement" about Bimby

On a photo she shared on Instagram, Kris Aquino related to her followers: “James & I reach a long term agreement regarding Bimby’s custody/visitation.”


Nagkaroon na ng malinaw na kasunduan ang dating mag-asawang sina Kris Aquino at James Yap para sa visitation rights ng PBA player para sa anak nilang si Bimby.

Ito ang ibinalita ni Kris sa kanyang Instagram account kaninang hapon, March 5.

Isang photo collage ang ibinahagi ni Kris sa kanyang followers kung saan makikita sa isang larawan na nagkamayan sila ni James.

Sa caption ay inilagay ni Kris: “Thank you Judge [Cristina] Sulit, Attorney [Sigfrid] Fortun & Attorney Lorna Kapunan for the patience & guidance to help James & I reach a long term agreement regarding Bimby’s custody/visitation.

“It was a nearly 4 year journey that needed mutual healing, acceptance, and maturity.

“At the end of the day as parents we want Bimb to grow up feeling loved & secure.

“James & I as a couple weren’t blessed w/ a happy ending but through God’s grace we have been given a chance to have an And They Lived Happily Ever After. #peaceful #grateful #happy”

Matatandaan na nang maideklarang “null and void” ang kasal nina Kris at James noong February 2013, nagkaroon ng kasunduan ang dalawa para sa pagbisita ng huli sa kanyang anak.

Subalit hindi ito naging madali para kay James dahil sa permanent protection order (PPO) na hiniling ni Kris laban sa kanya.

Nakasaad sa PPO na hindi maaaring lumapit si James kay Kris “at such safe distance but not less than 100 meters and from the residence and employment of petitioner Kris.”

Read: James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court

Isa ito sa mga dahilan kaya nitong mga nakaraang buwan ay hindi nakikita ni James si Bimby.

Pero nang makarating ito kay Kris, pumayag naman kaagad ang Kris TV host na makasama ni James ang kanilang anak.

Read: Kris Aquino okays Bimby-James Yap bonding on her ex-husband’s birthday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN