Cherry Pie Picache on Kim Chiu: "Nag-mature na talaga siya."

Ilang buwan ding namahinga sa paggawa ng teleserye ang aktres na si Cherry Pie Picache. Paliwanag niya, "Nag-lie low muna ako sa trabaho dahil palaki na rin ang anak ko. ’Tapos, napagod talaga ako dun sa soap ko na Ina Kapatid Anak na one year and two months naming ginawa. E, palaki na ang anak ko kaya nagpahinga muna ako."


Huling nagkasama sina Cherry Pie Picache at Kim Chiu sa primetime series ng ABS CBN na Ina, Kapatid, Anak, na nagtapos noong June 2013.

Ito ang panahong may pinagdadaanan si Kim dahil sa intrigang namagitan sa kanila ng dating kaibigan at co-star na si Maja Salvador dahil kay Gerald Anderson.

Read: Kim Chiu on rumored romance of Maja Salvador and Gerald Anderson: "Parang nalungkot lang ako kasi yung taong sinabihan ko nung time na down ako dun sa… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”

Isa si Cherry Pie sa naging hingaan ng loob ni Kim habang ginagawa nila ang teleserye.

Pagkatapos ng halos isang taon ay lumipas na ang kontrobersiya sa pagitan nina Kim at Maja, at magkasamang muli sina Cherry Pie at Kim sa bagong primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

Sa grand launch ng Ikaw Lamang kagabi, March 5, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cherry Pie ang muli nilang pagsasama ni Kim sa isang teleserye.

May mga nakikita ba siyang pagbabago sa young actress?

Sagot ni Cherry Pie, "Nag-mature, naging dalaga na.

"So, interesting na makita ngayon ang trabaho niya.

"Hindi naman napag-usapan [yung tungkol kay Maja].

"Ngayon, because of work na... nang dahil sa trabaho na hindi na comfort zone niya… parang ganun.

"So, magandang makita yun na hindi na lagi kung sino siya."

Dagdag pa ng award-winning actress, “May depth [na ang acting ni Kim]. Hindi na cutesie-cutesie na lang at tweetums, ‘di ba?

"Nag-iba. Nag-mature na talaga siya."

Ibig bang sabihin nito ay kailangang may mapagdaanan muna ang isang artista para maging isang mature actress?

Pagkontra ni Cherry Pie, "Hindi naman. Nasa edad na rin yun.

"I mean, habang nagma-mature ka, pati sa trabaho mo, nag-iiba na rin ang atake [sa roles].

"Parang kayo [media], I’m sure iba na ang atake niyo sa trabaho na hindi ‘tulad noon ay mapupusok kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sugod nang sugod, away nang away, mapupusok!

"Siyempre, ’pag nagma-mature ka na, nagkakaroon na ng wisdom, mas kumakalma ka na.

"Mas nagigng grateful ka na, mas positive na, nagbabago na.

"So, magandang mapanood yun."



WORKING RELATIONSHIP. Kumusta naman ang working relationship ng cast members sa set ng Ikaw Lamang?

Wala bang tensiyon dahil sa balitang ayaw ng mga tagahanga nina Kim at Xian Lim ang tandem ng young actress kay Coco Martin?

Sa kabilang banda, hindi rin daw gusto ng fans nina Coco at Julia Montes ang tambalang Coco-Kim.

"Wala, masaya kami sa set," pagmamalaki ng 43-year-old actress.

Dagdag niya, "Hindi naman… magkakasama nga sa standby area at masaya sila.

"Promise, walang etchosan, sana magpatuloy hanggang matapos."



HIATUS. Namahinga ng ilang buwan si Cherry Pie sa paggawa ng mga teleserye dahil na rin sa kanyang sariling kagustuhan.

Aniya," Nagbakasyon muna talaga ako.

"Nag-lie low muna ako sa trabaho dahil palaki na rin ang anak ko.

"’Tapos, napagod talaga ako dun sa soap ko na Ina Kapatid Anak na one year and two months naming ginawa.

"E, palaki na ang anak ko kaya nagpahinga muna ako."

Sabi pa niya, "Ngayon, awa naman ng Diyos, sunud-sunod na ang project.

“Heto [Ikaw Lamang] at yung movie na gagawin namin ni Ate Guy [Nora Aunor], ang Whistleblower.

"Kailangan kong magpahinga para may mailabas ka, ‘di ba?

“Kasi kapag sunud-sunod, mabe-burnout ka talaga.

"Ngayon, kailangan ko nang magtrabaho kasi ang ipon, nauubos... ang mga babayaran!

"Hindi naman puwedeng mag-survive na hindi nagtatrabaho.

"Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN na lagi nila akong ini-include sa mga ganitong projects.

“I’m really very grateful."

Pagkatapos nito ay nagkuwento na siya tungkol sa kanyang role sa Kaw Lamang.

"Ako si Elena, isa akong sakada sa tubuhan.

"Ako ang nanay ni Coco… siyempre mga sakada kami kaya kami yung mga inaapi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga tuwang-tuwa ako na ang mga nakasama ko ay sina Cherie Gil, Angel Aquino, sina Pipo [Tirso Cruz III], Tito Ronaldo [Valdez], sobrang ang gagaling nila!

"Ang saya namin sa set."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN