Coco Martin denies secret relationship with Julia Montes

Ayon kay Coco Martin, posible pa ring ma-develop sa totoong buhay ang magandang chemistry nila ni Julia Montes. “Siguro nga, pero dahil mas may edad na ako, halos kalahati ng edad ni Julia… siguro yung maturity sa buhay, kumbaga. Sa akin, sa totoo lang, dapat pakiligin namin yung mga tao. Pero sa akin kasi, gusto ko siyang simulan sa friendship, e, sa matured na paningin ng tao,” pahayag ng aktor.


Pinabulaanan ni Coco Martin ang isyung diumano’y may lihim na relasyon na sila ng Ikaw Lamang co-star niyang si Julia Montes.

Siguro naiisip daw ito at ina-assume ng mga tao dahil nakikitang bagay silang dalawa.

Paliwanag pa ni Coco, “Actually, sa akin, nakaka-proud kasi, sabi ko nga, I’m sure nakikita ng mga tao yung chemistry.

“Kumbaga, after Walang Hanggan, ‘tapos A Moment In Time [2013] nag-movie, ‘tapos nagkasama kami ulit ngayon.

"Sabi ko nga, siguro nakikita ng ibang tao… nakikita nila kung paano ko inaalagaan at gina-guide si Julia.

“Siyempre hindi naman nila alam kung ano yung… kung ano kami pag wala sa camera bilang magkaibigan.

“Actually, yun nga ang nangyayari, nagiging masyado akong kuya pag magkasama po kaming dalawa.

“Kasi hindi lang naman sa pelikula at soap kami nagkakasama, minsan pag out of town shows, out of the country, ganun.”

Ito ang inihayag ni Coco sa grand presscon ng bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang, na magsisimulang umere sa Lunes, Marso 10.

Ginanap ang presson kagabi, Marso 5, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

So, ano ang mayroon sa kanila ni Julia sa likod ng camera?

“Kaibigan… ah, kuya?” natatawang sagot ng 32-year-old actor.

“Ano kasi, mahaba na kasi talaga, e [ang pinagsamahan namin].

“Sabi ko, bago mag-Walang Hanggan pa magkasama na kami ni Julia, magkakilala na kami.

“Kahit kami ni Lola [ni Julia], kumbaga, para kaming pamilya na, ganun.”

Pero tinutuldukan na ba niya iyon sa kuya o puwedeng mapunta sa mas malalim na relasyon?

Sagot ni Coco, “Siyempre, hindi naman.

“Kumbaga, ano pa iyon… ngayon talaga kasi, actually every time na nagkukuwentuhan kami, nag-a-advise din ako sa kanya.

“Siyempre, sabi ko nga, halos pareho kami ng buhay, e, ng role.

“Kami ngayon yung tumatayong halos padre de familia sa pamilya namin, kami yung nagtatrabaho para sa pamilya namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, lumaki rin siya sa lola.

“Kumbaga, may mga similarity kami sa buhay kaya kapag nag-a-advise ako kay Julia, kumbaga, parang nakikita ko sa kanya yung sarili ko.

“Para siya yung babaeng version ko.”



GIRLFRIEND-MATERIAL. Pagkatapos ng presscon proper ay nakausap pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco para sa karagdagang mga tanong tungkol sa kanila ni Julia.

Sa mga naging pahayag niya sa presscon, ibig sabihin ba hindi totoo yung balita noon na balak niyang ligawan ang 18-year-old actress?

Sabi ng aktor, “Siguro saka na pag stable na, pag reding-ready na.

“Ako kasi, mas naniniwala ako doon sa mas kinikilala niyo ang isa’t isa.

“Ngayon, sabi ko nga, yung relationship namin ni Julia, parang mas tumitindi yung pagiging magkaibigan namin.

“Ang nakakatakot nga, baka mapunta [lang] sa pagiging magkaibigan.

“Pero para kaming magkapatid, lalung-lalo na ako sa side ng family niya, kina Lola.

“Kumbaga, nakita nila kung paano ko alagaan si Julia at paano niya ako kasama bilang leading man.”

Sa tingin niya, posible pa ring ma-develop sa totoong buhay ang sinasabi niyang magandang chemistry nila?

Saad ni Coco, “Siguro nga, pero dahil mas may edad na ako, halos kalahati ng edad ni Julia… siguro yung maturity sa buhay, kumbaga.

“Sa akin, sa totoo lang, dapat pakiligin namin yung mga tao.

“Pero sa akin kasi, gusto ko siyang simulan sa friendship, e, sa matured na paningin ng tao.”

So, hindi niya isinasarado ang possibility?

“Hindi naman, kasi mahirap namang magsalita nang tapos.

“Baka mamaya, later on, alam mo yun?”

Para sa kanya ba ay girlfriend-material si Julia?

“Sobra… pero bawal pa. Bata pa!” natatawang sabi ni Coco.

Ano ang qualities na nagustuhan niya kay Julia kaya nasabi niyang girlfriend-material ang young actress?

Tugon niya, “Unang-una yung prinsipyo, yung pananaw sa buhay.

“’Di ba, yung pagtatrabaho niya para sa pamilya niya, pagrespeto at pagmamahal niya sa pamilya niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung dedikasyon niya sa trabaho.

“Kasi sa akin, yung pagiging maganda, yung pagiging sexy, pag simula lang iyan, e, sa isang relasyon.

“Pero later on, ano ba yung pagkatao ng isang tao.”



NEW COMBINATION. Samantala, may mga nagsasabing tila naging suporta o kontrabida na lang si Julia sa tambalan nina Coco at Kim Chiu sa Ikaw Lamang. Gayong nauna naman silang maging magkapareha sa ilang proyekto.

Kaya naman si Coco, to the rescue kay Julia sa pagpapaliwanag tungkol dito.

Sabi ng aktor, “Ako, honestly, expected ko na ganun ang magiging reaksiyon ng mga tao kasi bagong combination.

“Pero ang nakakatuwa dito, bakit kaming apat [along with Jake Cuenca] ang napili para rito?

“Pag napanood niyo yung kuwento, actually yun ang fomula kung bakit kami pinagsama.

“At ini-expect din namin na yun ang tatanungin ng mga tao na bakit si Julia, parang naging love triangle at sumuporta dito.

“Kumbaga, pag napanood niyo na ang kuwento, yun ang magpapaliwanag.

“Pero magugulat na lang kayo kasi maganda ang role ni Julia rito.”

Wala naman daw problema kung paiba-iba ang kapareha niya sa mga proyektong ginagawa niya.

Saad ni Coco, “Ako naman, every project ko naman, hindi ako nag-stay sa isang leading lady ko.

“Kasi ako, una sa akin sa lahat, ang tinitingnan ko lagi, yung konsepto o anong proyekto yung gagawin ko.

“Sabi ko nga, bilang artista, siyempre kahit gustuhin ko man na lagi kong katambal yung leading lady ko, pero mangyayari at mangyayari na magkakaroon ako ng proyekto na maiiba yung ka-partner ko.

“Kaya open ako sa lahat ng posibilidad na ibinibigay sa akin.”

Excited naman si Coco para sa first team-up nila ni Kim.

Aminado siyang nag-a-adjust pa rin siya kahit na nga nagkatrabaho na sila noon sa mga teleseryeng Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo.

“Siyempre po, nag-a-adjust dahil nagkasama man kami ni Kim before nung nag-i-start pa lang ako sa ABS, siguro nakadalawang soap na po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, dahan-dahan nagiging kumportable na po kami sa isa’t isa, lalung-lalo na po sa mga eksena namin.

“Kasi medyo ang bilis, e… kumbaga, may mga eksena na kami na medyo crucial…

“May mga eksena na kami na medyo intimate kaya kailangan talaga namin ng effort para mas maging kumportable po kami sa isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN